Pagkatapos ma DECLINED sa kanila noong nakaraang linggo, hindi ako pwede mag re-apply until November 16, 2017. Yon ang nakasulat sa declined message na mababasa ko sa aking account under Pera247 apps. Nasa isip ko saka na ako sumubok mag re-apply after sa nasabing date pero ginulat ako ngayong umaga pagbukas ng aking cellphone kasi naka auto ON and OFF ito sa gabi para makakatipid ng energy at hindi palaging nagtsa-charge. November 15 palang ngayon ng umaga pero I received a notification from Pera247 apps na pwede akong magre-apply. Nong pagbukas ko sa apps, wala na nga yong message na after November 16 ako makapag-apply uli. Ano kaya itong pakulo na naman ni Pera247. Baka paasa na naman uli ito, wag naman sana, di ba po?
Update ko lang din, kung dati ang apps nila sa Playstore ang nakalagay ay UNRELEASED, ngayon nag-iba na ito. Fully operational na kaya ang kanilang apps? Wala pang malinaw na sagot nyan kasi wala pa naman din silang ne-release na statement tungkol dito. Hindi talaga nila inaasahan ang volume ng mga applicants pagkatapos ng kanilang launched day. Nawindang ang lahat dahil marami ang nagagalit kasi paasa lang daw si Pera247. Nakailang beses silang nag SUBMIT ng application pero panay declined naman ang system. Sana maayos na at operational na uli ito para marami ang matutulungan ng kanila lending service.
Napansin ko rin ngayon na naka auto log-out na ang kanilang apps. Isa ito sa kanilang security policy para hindi ma hacked ang kani-kanilang members account. Maganda ito sakaling somebody lost their phone at hindi ma-access ng mga may masasamang loob ang account ng may-ari. Medyo naging smooth na ang kanila operation at marami na rin akong nakitang mga proof na their loan application kay Pera247 was approved.
Normal din naman na magka problema ang system, hindi talaga ito maiiwasan. In that case, ito'y magiging gabay nila to improve their system. Hindi lang sila ang nagka problema sa umpisa kahit nga yong mga matatagal na nagkakaproblema pa, lalo na sila kabubukas lang. Maintindihan naman ng lahat ang mga ganung scenario provided na may paliwanag galing sa kanila sana na kailangan nilang mag improve at papayuhan ang mga borrowers na wag muna mag-apply until further noticed. Yong iba kasi kahit hindi pa nagana, panay sugod pa rin at kung sinu-sino na ang tinatanong para lang makukuha ang gusto nila. Yong iba naman nakapag pasa ng application pero ayon disappointed kasi DECLINED agad. Talaga, nasanay na tayo ng madalian at mabilis na transaction kaya wala na tayong patience to wait. Kung nagka aberya panay ingay at kahit sino ang ini-storbo at kahit ako hindi sinasanto.
Kaya simula na uli para mag-ingay at mag-apply para makakuha ng loan sa Pera247. Yong hindi pa nakapag install ng apps, subukan nyong hanapin sa playstore ngayon at install agad. Update your profile bago mag submit ng loan application para hindi pa ulit-ulit ang proseso at pati ang mga evaluator ay mahihirap din sa inyo. Set back and relax. Wait your turn. Wag masyadong excited hanggang hindi mo pa hawak ang pera galing sa kanila. Remember, pwede kayong makautang sa Pera247 from P2,500 up to P15,000.
To know more about Pera247, please visit this LINK!
To know more about Pera247, please visit this LINK!
bakit til now pending pa din for approval application ko last aug 23 pa,..
ReplyDeleteBakit di pwedeng bayaran gamit ang credit card?
ReplyDeletepano ba gumawa ng password? eh sabi 1 digit lang in 6 characters long.. bakit hindi parin pwede ano to.??
ReplyDelete