Kung papipiliin ka sa dalawa ano ang gusto mong bilhin properties o sasakyan? Siguro kung hindi kita bibigyan ng pagkakataon upang mag-isip, I'm pretty sure SASAKYAN ang una mong bilhin. Oo, ang sarap sa pakiramdam sumakay ng mabango at malamig na sasakyan. Isa pa, magiging sikat ka sa lugar nyo kung nag-iisa ka lang na merong magarang sasakyan. Napaka convenient din ang byahe mo kung meron kang importanteng mga lakad. Pwede ka nang pumunta kung saan ang gusto mo at pwede mo na ring isama ang pamilya mo o mga closed friends nyo. Pero ang tanong hanggang kailan ba maging ganito kasaya ang bawat byahe ninyo magkaibigan o magkapamilya? Baka akala mo magtatagal ang sasakyan na laging condition.
Dumaan ang tatlong taon, ano na kaya ang itsura ng sasakyan nyo? Kaya mo bang gampanan ang expenses nito? Kung meron kayong malaking negosyo walang problema, kailangan nyo talaga ng sasakyan pero kumusta naman kung katamtaman lang ang income nyo at umaasa lang kayo sa sahod na kadalasan maliit nalang ang take home pay nyo? Pagdaan ng tatlong taon, kung ang bili mo sa iyong sasakyan ay 1.5M, do you think ganun pa rin ang halaga after 3 years? Ang sagot napakalaking NO. Ang 1.5M mo ay magiging 400k-600k nalang. Ang laki ng binawas mula sa original na halaga nito. Bawat taon magde-depreciate ang mga sasakyan. Bukod doon, sa mga time na iyon masyado ng maraming dinaramdam ang iyong sasakyan at malamang mahihirapan kanang ipaayos ito. Kaya kung ako sayo mag-isip ka muna bago ka bumili ng sasakyan. Kung hindi talaga kailangan, magtyaga ka muna kung ano yong iyong nakasanayan.
Kumusta naman yong mga nag-iisip at hindi bumibili ng sasakyan? Instead na sasakyan, pinili niya ang pagkakaroon ng mga properties tulad nalang ng real estate at mga lupain. Ang properties pwede mong pakinabangan agad at pang long last ito. Halimbawa, boarding house, apartment, INN or rent to own housing at iyong pinapaupahan. Pangmatagalan ang ihahatid nitong benepisyo sa iyo at ng pamilya mo. Nag ge-generate ito ng income kung gusto mo. Bukod sa rentals, pwede ka ring bumili ng mga lupain na pwede mong gawing sakahan o mga niyogan na every 3 months ay kumikita ka. Ang lupain ay magandang investment din. Kung napapansin nyo, ang lupa sa paglipas ng panahon ay lalo tumataas ang presyo. Walang depreciation ang lupon kundi appreciation. Bawat taon lumalaki ang halaga ng isang lote o parcel land.
Ngayon alam mo na ang kaibahan sa dalawa, anong pipiliin mo? Kung gusto mo lang ang comfortableng buhay at panandalian lamang, sasakyan ang pipiliin mo pero kung pang matagalang benepisyo ang hinangad mo, doon kana sa acquiring of land and properties. Hindi ka talaga magsisi kung lupain ang bibilhin mo. Yong 1M mo ngayon, after 4-5 years lalaki ang value nito at maaaring magdoble pa ito. Kaya ngayon mamili kana, anong gusto mo, panadalian or pangmatagalang benepisyo sa inyo.
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.