Thursday, November 30, 2017

RFC Credit Investigation

Holiday ngayon kaya nagrelax muna sa bahay kasama ang anak ko. Pagkatapos namin tumampisaw sa dagat kaninang umaga, masarap sa pakiramdam nong pag-uwi namin. Dahil napagod sa paglalangoy pagkadating sa bahay tulog agad kami ng anak ko at ang asawa ko naman pumunta sa shop namin para cya ang magmanage doon. Nong nakaidlip na may biglang tumawag at hinanap si Jason. Sagot ko naman, sir wrong number po kayo. Siguro tiningnan nya uli ang listahan nya sa mga pangalan at ako pala ang hinahanap nya kasi mag conduct ito ng CI para doon sa inaplayan kung loan I think almost a month na. Kasabay nong inaplayan kung company ay approved na ako doon. Maliit lang ang inaaplay ko sa kanila, gusto ko lang magkapangalan din at malalaman paano ang takbo ng loan processing nila para sa blog ko at meron akong maibahagi sa inyo.

Sabi nya pupunta daw sya sa amin after 5 minutes, at tinanong ang exact address ng bahay ko. Bumangon nalang din ako para mag ayos at harapin. Dumating nga sa bahay at nag-usap na kami. Tinanong nya ako kung anong klaseng loan ang inaaplayan ko? sagot ko naman BUSINESS LOAN. Meron ba daw akong shop, sabi ko meron at para patunayan pwede kang pumunta doon. Umabot din ng 5-8 minutes ang pag-uusap namin. Maganda naman ang nagpag-usapan at pinaliwanag sakin kung magkano ang interest rate at magkano ang babayaran ko sa loob ng anim na buwan kasi ang inaplay kong amount sa kanila ay P30K lang. Monthly ang bayaran at 4% ang interest kada buwan. Maliit lang ang interest pasok sa gusto ko. 

Naging Ok naman ang lahat based po doon sa pag-uusap namin pero ang laking kinagulat ko, iba pala ang RFC sa lahat na inaplayan ko. Alam nyo kung bakit? Kukunan pala nila ng picture ang loob at labas ng bahay mo. Nagpaalam naman sakin kaya OK lang pero nagtataka lang kung bakit meron ganon stelo. Nag-usap din kami saglit about business kasi meron din daw silang tindahan kaya nagpalagayan ng loob. Nagpaalam sakin na puntahan ang dalawang shop ko at tinawagan ko sila na nandon na merong pupunta pero nagtataka sila pagkadating doon kasi kinunan lang ng picture kaya yong isang shop na hindi ko na pindutan, nasita ang agent. Hehehe Sinabi nya sakin after CI, for approval pa daw ang result, babalikan nya ako bukas para sa update kung sakaling pasado, that's the time magsubmit ako ng requirements. Pero pagkauwi nya wala pang isang oras nagtxt na sa akin sa mga requirements na ipapasubmit ko sa kanila. 

Meron na naman akong isang napapansing kakaiba sa requirements. Sa RFC kailangan pala ang photocopy ng marriage contract pag ikaw ay may-asawa. Nagulat lang ako kasi hindi naman humingi sakin ng marriage contract ang Pagasa yong unang nag-approved sa akin ng loan pero baka yon lang din kailangan nila para maiba. Pero based sa previous post ko, umabot na sila ng 126 branches nationwide. Ibig sabihin maganda ang pamamalakad ng company nila at marami na silang nagiging client. The following are their requirements na kailangan kung i-submit kung itutuloy ko ang pag-aaplay ng loan sa kanila:

1. Bank Statement (3months)
2. Supplier Receipt
3. 2 valid ID
4. 1 valid ID of the spouse
5. 1 picture each ID of spouse 
6. Marriage Contract (photocopy)
7. Utility Bill (Electricity/Water)
8. Brgy Clearance
9. Business Permit

Kunti lang naman requirements kasi meron na kami lahat kulang nalang ang picture naming mag-asawa. Ang kagandahan lang sa kanila, bukod sa mababa ang interest, monthly ang payments, hindi mahihirapan maghabol ng mga babayaran compared sa weekly. Gusto ko sanang wag nalang ituloy dahil doon sa picture at yong marriage contract pero hindi naman mahirap e comply ang mga yon. For reference lang naman nila yon kung sakaling hindi babayaran. Mabuting sigurong wag tayong maging over sensitive sa pagdating nga ganyang proseso kasi naniniguro lamang sila lalo na't new client ako. Hope maganda ang kahihinatnan sa proseso nila. Update ko kayo sa susunod sakaling na release na ang aking loan.

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.