RFC Loan Paano Mag-Apply

Share:

Kung gusto nyong mag-apply sa RFC Radiowealth Finance mamili lang kayo sa kahit isa sa dalawang paraan para makapag-apply. Kung hindi nyo alam ang exact location ng RFC Branch sa lugar ninyo o sa karatig bayan pwede kayong mag fill out  ng form  sa website nila para malalaman ng kanilang main office na interesado kayong mag-apply ng loan sa kanila. Makikita nyo din doon s options ang 126 branches ng RFC nationwide. Para makapag-upisa na kayong mag fill-up ng form, CLICK THIS LINK at ma redirect kayo sa APPLICATION FORM page. Ilagay nyo lang ang inyong completong pangalan, contact number, email address, anong oras kayo pwedeng tawag at anong branch ang pipiliin mo para doon e submit ang lahat ng mga kakailanganing documents, at maglagay ng mensahe na interesado kayong mag-apply ng loan sa kanila.

Ang main office ang may hawak sa lahat ng online application at sila ang tatawag o makikipag communicate sa choosen branch mo na malapit sa inyo para tatawagan ka at papuntahin sa branch para mag fill-up ng detailed application form. Saka kapa pupunta ng branch nila pag natawagan na kayo.

Pero kung alam mo ang exact location ng RFC sa inyong lugar, magsadya nalang kayo doon at magtanong. Ang receptionist at mag asikaso sa iyo para mag fill-up ng application form. Pagkatapos mong mag fill-up pwede kanang umuwi at antaying ang agent nila para mag conduct ng CI o credit invistigation. Hindi kapa pwede mag submit ng kahit anong requirements bagong ang CI. Kailangan ma-CI ka muna saka pa mag advise sayo agent na pwede kanang mag submit ng requirements dahil qualified ka to apply for a loan.

Kung layunin mo ay mag-expand ng inyong business para patuloy na lumago at malaki ang sales, pwede kayong mag-apply ng SME Business Loan. Hindi na kailangan ang ano mang collateral. Pwede kang makahiram halagang P30,000 up to P100,000 at maaari mo itong bayaran sa loob ng 3 up 12 months. Wala ng COLLATERAL na kailangan. Ang REQUIREMENTS lang nito ay Stall Rights o Rental Agreement, Mayor's, Brgy or Business Permit, SEC/DTI registration if applicable and partners contract if it is own by two parties.

Pag nakapag submit na kayo ng mga requirements antayin ang approval message galing sa isa sa mga staff ng RFC sa branch na ina-applyan mo. Kung sakaling hindi agad kayo na CI, pwede nyong e follow-up sa branch nila at alamin kung bakit natagalan. They will professionally answer your queries.


1 comment:

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.