Thursday, November 23, 2017

Robocash -Paano Mag-apply Ng Loan?

Buong akala ko Moola Lending lang ang may pinakamataas na interest rate pero meron palang Hari ng Interest sa mga online lending companies. Yes, tama po yong nasa isip nyo kung naranasan nyo ng mag avail ng loan sa kanila. Ang nag-iisang pangalan na lumitaw sa kasikatan dahil sa sobrang singil nito ng interest walang iba kundi si ROBOCASH FINANCE CORP.


Walang maraming kinakailangang requirements. Importante meron kang valid ID at isang active na mobile number.

Matatagpuan ang kanila opisina sa Unit A Murphy Center, 205 Bonny Serrano Road, Brgy Socorro, Murphy, Cubao, Quezon City. Maaari nyo silang tawagan sa telephone number +632 876 8484 from 9am to 2pm in the afternoon. O pwede din kayong mag-email sa kanila through email address: support@robocash.ph at maasahan nyong sasagutin kayo within 20-30 minutes.

Pwede kayong magsadya sa kanilang opisina from 8am until 5pm daily from Monday to Friday. Kung wala kayong time to visit their office pwede na kayong mag-apply online sa kanilang website: https://robocash.ph/

Kayo ang mamili ng amount kung magkano ang inyong e loan sa kanila. Kaso lang bawat amount na ma adjust mo, may karampatang malaking interest na madagdag sa amount na pinili mo at malalaman mo rin kung magkano ang total amount na ibabalik mo sa robocash after 30 days. Halimbawa kung ang amount na gusto mong e loan sa kanila ay P25,000 pagkatapos ng 30 days ang babayaran mo ay P41,350. Halos doble sa amount na inutang mo sa kanila at ang masaklap ito'y sa loob lamang ng 30 days. 

Sa mga wala na talagang choice at kailangan ng emergency fund, pwede nyo e avail ang kanila service pero kung hindi badly needed, ang maipapayo ko way nyo ng subukan humiram sa kanila baka instead na matutulungan kayo, mas lalo pa kayong ibaon sa utang at wala ng pag-asang mababayaran pa ang mga ito.

Mas madali ang mangutang kay sa magbayad, kaya dapat din nating iisipin na responsibilidad mong bayaran ang utang mo kahit naman ito'y sinasabi nating pinatungan ng husto kasi bago mo permahan ang loan agreement, you already accept the terms and conditions of your loan. Kaya pag-isipang mabutin kung kayo ay uutang. Tanonging nyo ang inyong mga sarili kung uutang ka sa ganun kalaking halaga plus interest pa, paano mo ito babayaran at saan mo kukunin ang pera na pambayad mo? 

Hindi yong, uutang ngayon ni wala mang lang pakialam kung sa oras ng bayaran saan kukunin ang pambayad nito. Minsan kung nasingil, mag tapangtapangan na para lang din matakot ang naniningil. 

Dapat nating alagaan ang ating reputasyon. Maaaring hindi mo ito kailangan ngayon pero kung sa oras ng emergency make sure marami kang malalapitan. Kung hindi mo pa naranasan maghanap ng pera na para kang naghahanap ng isang karayom sa malawak na deserto, sana wag nyong sirain ang reputation nyo sa tao. Ang trust pag nasira, hindi na ito maibabalik pa kailanman. Wag mo ng antayin na maranasan mo ang kahirapan sa paglapit ng tao, sa ngayon palang iwasan ang dapat iwasan. Wag umutang sa halagang hindi mo kayang bayaran. 

ALAMIN ANG INTEREST RATE NG ROBOCASH SA LINK NA ITO: http://bit.ly/RobocashInterest

12 comments:

  1. hi , Legit po ba talaga? i was planning to make a loan, kaso na bigla ako sa Blog mo. they really have a Big Intrest. ano bang mangyayari kung hindi mo agad mabayaran?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes totoo pong mataas ang interest nila. Kaya nasa inyo na po kung kaya nyong harapin ang consequences na mangyari incase hindi kayo makakabayad.

      Delete
    2. hi ano po consequence sa kanila pag di nakabayad
      maari kaba makulong ?

      Delete
    3. Wala namang ganun, pero pwede kang makasuhan kaso it takes a long process. Pero kung maliit lang na halaga, karamihan sa barangay dinudulog...piperma ng agreement na bayaran ang utang...pero kung ayaw mong mapahiya...bayaran mo nlang...

      Delete
  2. For me yes mataas siya talaga and ang pinaka asset nila is speed when it comes to loan approval without any need of collateral and guarantors.

    I have borrowed money from them noong kailangan ng anak ko ng blood transfusion. I can say na without them at that moment na kailangan ko ng pera, my son would have died.

    Your opinions are kind of Neutral-Evil na kumukuha ng simpatya ng mga madlang hindi umuunawa at sarado ang isip.

    First of all, sa branches nila pa lang kahit hindi ka pa approved, yung mga branch loan specialists nila ay ipapaliwag sayo lahat ng terms at conditions ng kanilang kontrata. Lahat pati fees and penalties.

    If gipit ka, maaari mong kausapin ang Collections dept. for extension wherein interest muna ang babayaran mo at i-eextend ang loan term mo (which is your initial loan term) . Ang loan term ko ay 30 days, noong nakiusap ako kay Sir Richard from their Collections Dept. na extend ako ng another 30days.

    Oo, ang laki ng interest pero kase at that moment wala akong ibang malapitan, kung sa bangko ako mangungutang, 15 bness days pa bago malaman kung approved or not, and in my situation time is my enemy, hello! buhay ng anak ko yun.

    For all pinoys, ang mga nalulubog lamang sa utang ay yung mga taong nangungutang kahit alam nilang hindi nila ito kayang bayaran. To make it simple, kung alam mong hindi mo kaya, YOU ALWAYS HAVE A CHOICE to accept or ignore any offer kung alam mong lampas sa capacity mo, "know your limits kumbaga".

    Business is business, parang mga tindahan lang yan, malaki ang patong, nasasayo ang choice na magtanong ng presyo, kung mahal at hindi kaya, marami pang ibang tindahan na pwedeng pag tanungan.

    Napaka bakya ng blog mo, atleast give them an insight of the company's full mechanics etc. Common opinion lang ba ang kaya mong isulat?

    Try to read: R.A no. 9474 Section 7 para naman alam mo ang sinasabi mo. Mas "Content Worthy" pa comment ko kesa sa article mo. Lol!

    Atleast get some vital info sa mga subject ng iyong blog, lahat ng detalye mo dito nakikita naman sa website nila. Atleast take an insode scoop on how their process works at complete breakdowns or a copy of their contract kung talagang bet mong maging renegade blogger diba?

    Disappointing Article!

    ReplyDelete
    Replies
    1. We are only telling the truth. Masyadong mataas ang interest nila pero it doesn't mean na, hindi ito nakakatulong. Maaari pa rin matutulongan ang isang individual. Walang mali sa pahayag namin dito, nagpakatotoo lang kami. Hindi namin pwede itago sa madla ang katutuhanan na magkakaruon talaga sila ng consequences kung sakaling hindi sila nakakabayad.

      Sa panahon ngayon, kapag gipit ang isang tao kaya nyang ipikit ang mga mata para lang malagpasan ang kahit anong pagsubok. Good for dahil nakabayad ka, eh paano kung hindi mo nabayaran? Mas lalong mababaon ka sa utang.

      Kumusta ang mga taong hirap na tapos pahihirapan pa? Maaaring matulongan sila sa pera pero paano kung wala silang mapagkunan ng pambayad? Pero I admire ko, sana tulad sa iyo ang lahat na nangungutang, marunong tumanaw ng utang na loob. Dapat kung umutang man tayo, regardless sa interest kung malaki o maliit, responsibilidad nating bayaran at hindi magdadahilan na nahirapan dahil malaki ang interest. Utang mo kaya bayaran mo.

      Delete
    2. By the way, hindi oobra sa mundo ngayon ang sobrang katalinuhan. Layunin ng site na ito ay to give insight sa mga gustong umutang. Hindi po yong uutang kana lang, mag-aaral kapa. Kaya for me, a brief review ay tama na para sa mga mamayan na gustong makaahon kahit saglit man lang.

      Bilib ako sayo dahil napaka galing mo, tulad nga ng sinabi mo mas content worthy pa comment mo kay sa post ko. Yes I agree, pero pasensya na po, hindi po kailangan ng tao ang subrang haba at magaling na writer. Sana nagamit mo ng tama ang katalinuhan mo at hindi kana sana umutang sa robocash. Pero, overall salamat sa feedback mo. Huwag ka lang masyadong mainggit kahit trying hard ako, atleast in a small little way, nakakatulong ako sa mga tao. Sabi pa nila, you can't please everybody kaya I considered isa kana doon. Peace.....Tama na sa inggit hindi yan makakatulong para mabayaran ang utang mo.

      Delete
  3. Tama lang tong article mo. Mkatotohanan n review. Ive been a loyal and diligent customr to dm khit n ang taas Super taas hndi mkatwiran ung interest nla. Tpos un n nga nagipit aq sa araw ng due, tpos meron clang feature n extension n pwd interest lng bbyaran mo. I did dat tpos sbi d dw nrecpgnize ng system ung extension kase late ng 1day. Okay okay i get it. to be continued...

    ReplyDelete
  4. So eto kase ngloan aq ng 9k, for 13days only i need to return 12,375PhP? mas "maliit" na interest n dw yan kase matagal n aq n customer eh. Pero im not complaining.... and then just recently nga, ngbyad aq ng extension n 3375 pra khit d q mabayaran ng buo good credit k prin. Maextend ng 12 more days ung utang mo... im compl8ly okay widat tpos ngaun ssbihin nla d dw narecognize ng system ung payment q n 3375 kase kulang ng 200... 2 effin hundred tpos 9days delayed n dw utang ko... so okay sbi ko pwede ba byaran q nlng ung kulang n 200? Ang sabi no, u will have to pay a total of 6k na dw? Huwaw db? Aside p yan sa binayad ko n 3375. so thats a total of 9375... ehdi sana db finullpayment ko nlng db qng mgbbyad dn aq ng ganun kalaki. Nkksama lng ng loob kase i tried always tried my best n mging diligent s pgbbyad tpos aabot s gnyan. BS TLGA. HAHAY KUNG D LNG NWALAN NG WORK ASAWA Q I WUD NVR BORROW FROM THEM. Now im considering of going to the consumer dept about it.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi po talaga makatarungan yon...biruin mo para ka lang niloloko nila. Paanong hindi i-acknowledge ng system dahil kulang ng 200? anong klaseng system yan? kahit may kulang dapat naka program yan na papasok...hindi yong mayrong desired amount lang ang pwedeng babasahin?

      Delete
  5. pwede pa po ba icancel ang loan kahit nkapgapply na?at wala pa nmang approval?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kung meron kayong contact number sa kanila, yes you can cancel po.....

      Delete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.