Dahil sa pangangailangan maraming Pinoy ang naging disperado dahil sa hirap makautang sa mga local lending company at pati na rin sa online. Dahil lahat ng ina-aplayan ay disapproved, napilitan silang makikipag-deal sa mga private individual na nagpapautang KUNO pero hindi naman pala totoo. Marami din ang nagpost na nagpapautang sa mga kilalang facebook group para maging famous. Once meron nabasang Utang, dali-daling magko-comment na HOW o PAANO? Hindi man lang nagbabasa at nag-research kung tunay ba itong account o dummy lang. Kaya maraming naloloko dahil sa katamaran nating magbasa. Dahil sa mga bagong teknolohiya mas lalo tayong naging tamad at hindi man lang mag effort para sa ikagiginhawa natin.
Naglipana ang mga scammer ngayon. Hindi lang mga Pinoy, kundi marami na din ang mga alien scammer o mga foreign countries na pumasok sa atin para mang-scam. Kung ang post ay nababasa o nakita nyo galing sa EASYLOAN PHILIPPINES tapos foreigner, wag kayong maniwala agad. Hindi ko rin alam kung bakit hinahayaan ng ADMIN na pamugaran ng scammer ang kanyang group. Based sa pag-uusisa ko, kaya pala maraming scammer sa group na yan kasi pati pala admin ay foreigner din. Paano nangyari na ang EasyLoan Philippines, dala pa nito ang pangalan ng bansa natin nag-o-offer ng loan from other countries?
Dapat kayong magmatyag na baka ang purpose talaga sa pagawa nila ng group na yan para mang scam sa mga Filipino. Kasi kung hindi dapat controlled ng admin ang group at sana walang nakakapasok na scammer. Auto approved ang post ng kahit sino basta member na dito. Kung magjoin ka naman sa group kahit kapwa member ay pwedeng mag approved sa request mo. Kaya sigurado akong ang purpose sa group na yan upang mambibiktima ng mga Filipino kasi alam nila madaling mapaniwala ang mga Filipino lalo na kung ang nag offer nito ay foreigner. Masakit man tanggapin pero ganun tayo, pag taga ibang bansa mabango para sa atin. Ugaliing mapagmatyag, wag magpakatanga at lalong wag maging biktima sa scam.
Isa pang dahilan kung bakit imposible talaga na mag-o-offer ng loan ang taga ibang bansa. Karamihan ang based ng kanilang company ay USA. Alam nyo kung bakit? Kasi may mutual agreement tayo with US regarding sa pera at sa ibang mga bagay na din kasama ang teknolohiya. Napansin din ng mga scammer na madali tayong maloloko basta ang gagamitin ay Amerakano. Mahilig ang Pinoy sa mga Amerikano. Tama ba ako? Aaminin man natin o hindi nakatatak na yan sa bawat isa. Kaya nga ginamit tayo ng husto sa mga Amerikano dahil pag Amerikano ang pag-uusapan, nagiging bobo at tanga ang Filipino.
Wala pong American Lending Companies na nagpapautang sa mga ordinaryong tao. Kung clever ang mga Filipino Lending Companies sa pagpapautang ng mga walang trabaho at negosyo, how much more ang mga Amerikano. Yes, nagpapautang ang US sa mga Filipino pero para lang sa mga bigatin at higanteng kompanya dito sa Pilipinas kasama na mga bangko. Pero kung ordinaryong Filipino, wala wala wala, at never pa itong nangyari. Alam kasi ng mga scammer na madali tayong maniwala basta malaking halaga na pera ang e offer sa atin tapos hindi na kailangan ng maraming documento. Sa totoo lang po, hindi po mainly amerikano ang #1 scammer, ginamit lang nila ang US para makapangloko. Ang dali lang sabihin na USA lending company kami, ni na sa exact address hindi maibigay ng tama. Kasi naman hindi rin natin alam ang mga lugar sa US kaya maniwala agad tayo na walang ka effort-effort mag imbestiga kung totoo ba ang pinagsasabi nila. Mabighana agad tayo lalo na pag pinakitaan tayo ng CERTIFICATE of LOAN at pepirmahan naman agad natin. Ang mga lending companies ay wala pong ganyang requirements mapa abroad man o dito sa Pilipinas. WAG KAYONG MANIWALA SA MGA SCAMMER NA YAN.
Sana mabuksan ang mga mata na bawat Filipino upang hindi agad maloko ng mga scammer. Kawawa naman tayo, naghihirap na nga, naloloko pa. Alam ko bakit nangyari ang ganito, ito'y dahil sa KATAMARAN nating magbasa at mag imbestiga. Ayaw natin maraming requirements, gusto natin mabilis na proseso at walang maraming hinihingi.
Wag kayong maniwala sa mga alien o foreigner na nagpapautang KUNO kasi lahat po iyan ay pawang kasinungalingan lang. Ang number 1 scammer ay galing sa africa, particular sa Nigeria at sila ang kadalasan gumagamit ng mga kompany na naka based sa AMERIKA. Wag makikipag deal sa mga individual lalo na kung ang processing fee ay bayaran muna bago ma release ang loan, ito'y MALAKING PALATANDAAN NA ANG TRANSACTION NA GINAWA NINYO AY FRAUD o SCAM.
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.