Thursday, November 30, 2017

Tagum Cooperative -Mati Branch

Nagsimula lamang sa kwento ng isang closed na kaibigan at gustong susubukan ang serbisyo ng Tagum Cooperative na ang kanilang Head Office ay matatagpuan sa Dalisay Road, Magugpo West, Tagum City, Davao del Norte. Sabi ng aking kaibigan napakaganda ng benefits nila pag naging member ka ng kanilang cooperative. Bago paman magkaroon ng Mati Branch malakas na dating nila para sa akin. 
Kaya pati ako excited na magkakaroon ng branch malapit lang sa location ko. Kaya nong nabasa ko ang post sa kanilang facebook fan page na magbubukas SOON ang kanila branch sa Mati City, nag email agad ako sa kanila at nagtatanong kung kailan. Sinabi nong nagresponse sakin na sa October 28, kaya November 5 ata yon, nagtungo ako sa Mati City at palingon-lingon nagbaka sakaling makita ko ang office nila. Di naman yon ang main purpose kung bakit nagpunta ako doon. Wala akong nakitang posibleng maging office nila kaya pagkadating ko sa bahay, nag email uli ako kung natuloy ang launching ng new branch nila. Sabi nong nakasagot na hindi natuloy, na move sa November 28.

Pabalik-balik na ako sa Mati City at nakita ko na kung saan ang office nila. From bus terminal madadaanan mo ito kung pupunta ka sa downtown at located ito tabi ng main highway. Kahapon November 29, pinuntahan ko ang office nila. Dahil kabubukas lang wala pang gaanong tao. Sakto pagpasok ko, walang tao sa loob maliban sa mga staff. Kaya ang ganda ng pag welcome nila sa akin. Inasikaso ako ng kanilang receptionist at sinagot ang lahat ng tanong ko kung paano maging member. 

Bukod sa magandang pakikitungo, tinulungon pa nya akong makausap ang loan officer nila para daw hindi masayang ang pagpunta ko doon. Para after kung umattend ng kanila seminar deretso na agad akong mag-apply ng business loan sa kanila. Mabait din ang incharge ng loans at agad akong binigyan ng mga kakailanganing form para pagbalik ko pagkatapos ng membership seminar deretso ko ng ipapasa sa table nya ang loan application para isang byahe nalang kasi nasa kabilang bayan pa ako.

Tinanggap ko ang form at binigyan din nya ako ng overview paano pina-process ang loan kasama na ang mga interest rate at pati ang terms na babayaran ko. Ang mga requirements ay pinaliwanag din nya sa akin para completo ko nang dalhin ang lahat pagbalik ko. Sa ngayon ni re-review ko na ang application form at isa-isang kino-comply ang mga requirements. Bukod sa magandang loan terms and interest rate, marami ding product na ino-offer ang Tagum Coop.

Loans 
The solution to your financial needs 
Low interest on loans. 
Friendly loan terms. 

Major Loans 
Regular Loan 
Government Employees Salary Loan (GESL) 
Private Employees Salary Loan (PESL) 
Accredited DepEd Salary Loan (ADESL) 
TC Income Generating Service Loan 
Convenient Loan 
Standby Credit Line Services 
Prime Asset Liquidation Services (PALS) 
Pensioner Loans 

Minor Loans 
Emergency Loan (EL) 
Educational Loan (EdL) 
Cash Advance (CA) 
Special Loans 
Instant Loan Bonanza (ILB) 
Micro-Finance Loan (MFL) 
Benefit Loan (BL) 
Travel Loan (TL) 
Appliance and Furniture Loan (AFL)

Ang dami mong pwedeng applayan kung gusto mo talagang magloan sa Tagum Cooperative. Mamili ka lang kung saan ka hiyang. Kaya sa mga nagplanong magloan, punta na kayo sa pinakamalapit na branch sa lugar nyo.

Open this link to know their branches: CLICK HERE!

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.