Medyo natagalan ang pag release ng aking approved loan sa kanila. Ito'y dahil nasa Davao ako at ang office nila ay nasa Taguig City. Kung nasundan nyo ang previous experience ko with them, walang ka hirap-hirap aplayan dahil kung completo ka sa requirements mas mabilis ang proceso ng loan application nyo. Ngayon lang talaga ako na approved ng malaking loan na P50K. Yong una kung loan nasa P20K lang at ang dami pang hinihinging requirements. Ang kagandahan sa Esquire, meron silang Loan Specialist na tutulong sayo para ma guide kayo sa mga kukunin nyong mga documents. Napaka customer oriented pa nila.
Nong nalaman ko na approved ang loan ko, pina-asikaso sakin ang mga kailangan documents para maipadala sa office nila sa Taguig kasi hindi pwede na lumuwas ako sa Manila para lang e claim ang Cheke ko. Bukod sa mahal ang pamasahe ng eroplano, kailangan din ng time kaya ang loan specialist nag advised sakin to send all the documents through LBC.
Within 2 days napadala ko na sa LBC ang mga pinirmahan ko documents na daling din sa kanila na natanggap ko through email. Kung hindi lang inabutan ng weekends, last week ko pa sana nakuha ang loan ko. Friday ng hapon, naihulog ko ang documents pero sabado na yon na pick-up sa branch ng LBC kasi past 3pm na iyon. Kahapon Monday, na received na ang documents kasi nag notify ang LBC sakin na tinanggap na ng office sa Taguig. Kaninang umaga, tumawag ang Esquire agent upang e confirmed ang pinadala kong checke sa kanila kasi magkaiba ang sinubmit ko nong nag-aplay pa ako kay sa nareceived nila. Pinaliwanag ko na bagong issue na checke yong pinadala ko kasi ang lahat ng lumang checke na naissue this year ay hanggang December 2017 nalang pwede tanggapin ng bangko. Aware naman sila kasi sila din nakaka received ng ganong advised from their bank.
Agad pina-process ang aking pera kaya expected ko before 3pm kasi yon ang sinabi ng agent na ipapa check ang acount ko on or before 3pm. Pero nong nagcheck ako sa nabanggit na oras, hindi pa pumasok ang pera ko galing sa kanila. Kaya nagtxt ako mga anong oras pa bago papasok. Sila din pala naalarma kasi buong akala din nila pumasok na, kaya tinawag ang bangko at doon nalaman na hindi pala pwede pasukan ng checke ang account ko na binigay sa kanila. Medyo kinakabahan ako kasi nag promised ako sa supplier namin sa SMARTLoad Wallet na magpondo ako ng malaking load good for 4 days kasi pina relax daw sila ng kanila management para sa December na haharapin nilang trabaho. Eh pano na ito kung wala, sablay ang mga customers ko sa loob ng 4 days saan ako maghahanap ng ibang source.
Siguro dahil din nag worried sila sakin kaya humanap sila ng paraan. Tinawagan uli nila ako at humingi ng ibang account ko na pwede huluhan, binigay ko yong dalawang account ko sa BPI, pero tumawag sila uli at tinanong kung anong klaseng account yon? sabi nila hindi parin pwede pasokan kaya, sabi ki sa kanila baka naman po magawan ng paraan kasi holiday na the next day. Ayon pina encash na nila ito pero sinabihan ako na mag open ng account na pwedeng mapapasukan ng checke para sa next reloan ko kasi malalaki na ang maaring ma-avail ko sa kanila. Kaya bago mag 4:30pm, tinawagan nila ako na around 6pm papasok na sa account ko pero 5:20 palang pumasok na at laking tuwa ko sa binigay nilang support sa akin.
Kung kayo po ay nagplanong magLoan ng malaki-laking halaga, pwede ko kayong e refer sa kanila at itanong nyo sa akin ano ang dapat ihandang mga requirements. Pwede nyo rin sundan ang previous post ko about Esquire Financing. Pwedeng mag apply ang kahit sinong negosyante sa buong Pilipinas basta competo lang po ng requirements.
Wala na akong masabi sa kanila. Talagang maaasahan, hindi ko akalain na umabot sa ganito na ma approved ang loan ko sa kanila eh ang layo ng Davao sa Taguig. Kung dito tinanggihan ako ng mga bangko at nawalan na tiwalang mag apply uli sa kahit anong bangko, ngayon meron ng Esquire na handang tumulong sakin upang mapalaki pa ang aking negosyo. Salamat Esquire at Salamat din Ms. Rena, dahil sayo nagkatotoo ang hindi inaasahan ko.
To all interested, comment here or email me para ma refer ko rin kayo. Ugaliing basahin ang USAPANG PERA AT IBA PA blog para sa karagdagang information tungkol sa loans at sa inyong mga finances.
Previous post about Esquire:
http://malalamanmo.blogspot.com/2017/11/esquire-loan-ang-sagot-sa-lahat.html
http://malalamanmo.blogspot.com/2017/11/esquire-loan-claim-non-appearance.html
Previous post about Esquire:
http://malalamanmo.blogspot.com/2017/11/esquire-loan-ang-sagot-sa-lahat.html
http://malalamanmo.blogspot.com/2017/11/esquire-loan-claim-non-appearance.html
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.