Matunog ang kasabihan "Pagnagipit sa Bombay kumakapit". Dumadami taon-taon o araw-araw ang nangungutang sa Bombay. Sino ba ang mga bombay? May time din na tinatawag silang Turko. Magkaiba po ang Bombay at Turko pero may pagkakahalintulad din silang pareho. Ang Bombay ay tumutukoy sa mga Indiano na nandito ngayon sa Pilipinas para mag negosyo. Nauuso din kasi sa bansa nila ang pautang at nakita nila na malaki ang potential ng ating bansa ang ganon ding negosyo kaya lumipat ang iba dito kasi nga hindi rin naman ganon ka strikto ang batas natin kung dayuhan ang pag-uusapan. Welcome ang lahat dito basta matitinong tao, wag lang mga terorista at criminal. Ang Bombay ay mga tubong INDIA at ang gamit nilang salita ay HINDI.
Magaling silang makikisalamuha sa mga tao kasi asset nila ito sa kanilang negosyo. Tulad ng Turko ganun din pero ang Turko ay hindi galing sa bansang India kundi sa Turkey. Bakit tinatawag na Bombay din ang Turko? Kasi nga sabi ng taong nakasalamuha nila, halos magkapareho sila ng amoy, AMOY BOMBAY. Hindi kasi sila tulad sa atin na gustong laging malinis ang ating mga katawan at naliligo araw-araw kahit walang pabango, hindi tayo nangangamoy. Sila namn, hindi mahilig maliligo araw-araw, instead pinapaligo nila sa buong katawan ang kanilang mga pabango na galing din sa bansa nila o sa middle east. Samakatuwid, hindi sila magkapareho ng bansa kung kaya tinatawag sila pareho na Bombay, ito'y dahil daw pareho sila ng amoy.
Ano ba ang stelo ng mga Bombay kung magpapautang? Bakit sila binabalik balikan ng mga tao at malamang napamahal na rin sila sa mga Pinoy?
Ang Bombay ay hindi humihingi ng kahit anong requirements kung silay nagpapautang. Sa ilang segundong pag-uusap mapasakamay mo na ang iyong inutang na pera. Sabi pa ng iba napakadaling kausap ang Bombay at bihira lang ang pagkakataon na ikaw ay ma disapproved. Pasado ang lahat basta may negosyo ka kahit napakaliit. Pero kung meron kang kakilala na umuutang na kay Bombay, papa recommend kalang, pwede kanang umutang kahit wala kang maliit na tindahan.
Maliban sa pautang sa pera, ang mga Bombay at nagpapautang din ng kahit anong ino-order mo. Pwede kang mag request ng mga gamit sa bahay, parts ng motorsiklo o mga laruan ng mga bata. Napaka flexible ng mga Bombay, kahit ano ibibinta sayo basta kikita sila.
Ganun ka in demand ang negosyo nila dito sa Pilipinas. Kaya kilala sila mga tao lalo na sa mga palengke at mga mall. Pero hindi lahat ng Bombay sinwerte sa negosyo, dahil dito sa ating bansa marami din ang may masasamang loob at minsa nagiging biktima din sila. Pinapatay at kinukuha ang perang pinaghirapan nila.
Ang Bombay naniningil araw-araw. Pero kung wala kang panghulog pwede kang makiusap na bukas nalang o sa susunod na araw. Walang additional interest na ipapatung sa perang hiniram mo. Oo malaki silang magpatubo ng pera pero ganun din naman kabilis mangutang sa kanila at wala ng daming requirements na kailangan at wala na ring processing fee na ibabawas sa pera mo.
Yan ang rason kung bakit dumadami ang nangungutang sa Bombay ngayon kompara sa mga lending companies na malapit lang sa mga palengke. Dito sa shop ko, halos araw-araw sila tumatambay kasi naging kaibigan ko na rin sila pero never ko pang nasubukan mangutang sa kanila. Although several times na rin akong inaalok na pautangin. Instead na ako, yong mga tauhan ko ang nangungutang na ngayon sa kanila.
Sino sa inyo ang nasubukan ng mangutang sa Bombay? Please leave your comment below, survey lang para sa mga nagbabasa ng blog ko.
Post na mga pala utang sa bombay hehehe
ReplyDeleteHahaha
Delete