Ilang beses ng pinagsabihan na kapag may PROCESSING FEE ang pautang at kailangan mong magbayad, magpadala o maghulog bago ang RELEASE. Abay mag dalawang isip kana pero bakit araw-araw pa rin may nabibiktima. Hindi kami nagkulang sa paalaala sa lahat pero ito, meron na namang naging biktima. Ang mga scammer ngayon, parang ahas nagbabalat kayo. Mahihirapan kang e identity ang katauhan nito. Sa umpisa akala mo isang maamong salampati pero may itin na binabalak pala ito.
Bakit ka naging biktima sa mga scammer? Ikaw bay taong merong may pakialam sa paligid or gusto mo lang na walang makikialam sayo? Kadalasan sa nagiging biktima ng scammer ay yong mga HINDI TALAGA MAHILIG MAGBASA. Wala silang effort alamin ang mga bagay-bagay. Dapat naman sana bago mag desisyon, timbang-timbangin muna kung ano ang kinahinatnan nito sakaling nagkasablayan.
FAMILIAR BA KAYO SA HOW AT PAANO? Ang social media nakakatulong pero maaari din itong ikakapahamak mo kung hindi ka marunong mag-ingat. Tulad nalang sa FB group na UOF or Utangan Online Forum. Ang mga Admin at Moderator laging nagpaalala na huwag maniwala sa mga deals na kailangan nyo muna maghulog ng agreed amount bago ma release ang loan nyo pero ang titigas pa rin ng ULO. Ang dami pa ring naguguyo.
Ano ba ang dapat gawin para makaiwas sa mga scammer?
Unang-una suriing mabuti ang ka transaction or ka deal nyo. Check nyo ang profile nya, matagal nabang ginawa ang account nya o bago lang? Wag makasarili, kailangan magtanong sa mga may alam kung legit ba ito. Wag gumawa ng action na maaaring pagsisihan mo sa huli. Napakadali lang naman magpost sa group page, ilang sigundo lang meron na agad mag comment about sa quiries nyo. Ang problema lang kasi ay tamad kang gawin ang mga simpleng bagay, nasanay na kasi tayo sa mabilisan. Gusto mong makapag loan at mahawakan agad ang pera, problema lang hindi pera mahahawakan mo kung di ang HIYA at pati kompyansa sa sarili mawawala.
Wag masyadong greedy, learn to wait at mag effort din para makuha ang isang bagay. Gumawa kami ng guide pero hindi pinapansin. Sinabihan wag makikipag deal sa mga private lenders, ito tuloy pa rin. Nagre-recommend kami ng mga online lending para hindi po kayo ma scam pero ayaw nyo mag apply kasi ang daming requirements or free data lang kayo at hindi kayo makapasok sa website nila. Nasasanay na kasi tayo sa pagiging EASY TO GET. Easy to get kung ano gusto mo kaya ikaw tuloy naloloko.
Sa mga nabiktima na, UULIT kapa ba? Syempre hindi na. Ano ba ang maitutulong nyo sa iba na magiging next target? Learn from your mistakes. Wag nang paloko sa pangalawa kasi KATANGAHAN na yon. Ugaliing mapagpasid, magmatyag, laging suriin ang mga galaw ng ibang tao na sa palagay moy may masamang balak.
Wag magpakatanga! Naloko ka isang beses wag mo namang doblehen pa. Pag-aralan mo na ang mga galaw mo upang ikaw ay ma protektahan at hindi na magiging biktima sa mga naglipanang scammer.
Buti pa siguro magbinta nalang sila ng sarili nila, maiitindihan pa sila ng Maykapal kay sa manlalamang ng tao. Pero ganun talaga, pag may nagpaloko meron talagang manloloko.
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.