Investment Para sa Lahat

Share:
There are times na medyo maluwag ang pakiramdam natin. Ano kaya ang dahilan bakit ganito nalang ang feeling mo? Ano ba ang kadalasang rason kung bakit mabigit ang pakiramdam natin? Siguro kung hindi man ito dahil sa sakit, malamang iba ang dahilan. Ang pangunahing dahilan based sa statistics ay PROBLEMA. Ito marahil ay sa pamilya o di kaya'y sa PERA. Pero ang puno't dulo kung bakit nagkakaproblema ang pamilya ay tungkol ito sa pera. Kung hindi kapos, siguradong lubog sa utang at wala ng way para ito'y mabayaran. Bukod sa nasira ang pamilya, marami ding cases na nauwi sa patayan o nagpakamatay. Wag naman sana umabot pa sa ganong sitwasyon. Yon po ang negative side ng kwentong Filipino.

Sa positive side naman tayo, maraming pamilya din ang biniyayaan sa umpisa pero kinalaunan nagiging masalimoot na rin ang buhay nila. Ang sekreto para magiging maayos ang lahat kailangan lang magtutulungan at nagdadamayan ang lahat ng meyembro sa pamilya lalo na kung finances ang pag-uusapan. Kadalasan din, kung nagkaproblema sa finances ay dahil hindi magkasundo ang buong pamilya at hindi sa tamang paraan ginagamit ang mga ito. Dahil sa kagustuhan na lumaki pa ang pera, karamihan nag RISK para palakihin ito.

Ano ba dapat tandaan pag kayo ay mag-invest na hindi mauwi sa wala? Dumadami ang mga companies na nag-o-offer ng high yielding investment program. Ano ang ibig sabihin nito? Sa maikling panahon, lulubo ang pera na wala kang gagawin kundi ipasok lang program nila. Oo. sa umpisa maganda pa ang takbo nito pero 2-3 months biglaan nalang itong maglaho. Minsan nga linggo palang hindi mo na makita ang company nila online. Dapat tayong mag-iingat sa ganitong mga programa sa internet. Wag tayong padadala mga matatamis na salita. Matagal na akong nag-i-invest online, ni minsan wala pa akong nakitang programs na nagtagal at nanatili mula noon hanggang ngayon. Kaya never invest online if you hoping a big returns. Kuung sakaling gusto mong subukan? Invest the amount that you can afford to loss.

Ano ang pinakamagandang investment na masasabi nating pakikinabang mo at ng iyong buong angkan? Una, mag-invest kayo sa real estate o mga properties. Pwede kang kumuha ng mga housing at paupahan mo o ibinta mo after several months. Lumalakas ang real estate nowadays. Dahil sa compitition mura na ang mga properties ngayon. Yong iba kumuha sila ng mga unit at pinapaupahan tapos ang upa yon din panagbabayad ni sa kompanya. Hindi na kailangan magpapalabas kapa ang malaking pera para lang magkaroon ng properties. Pwede ka rin bumili ng mga lote o lupain. Ang lupa ay tumataas ang value nito pagdaan ng maraming taon. Pwede rin kayong magpatayo ng boading house kung maliit lang ang budget, hotel kung may kaya naman or apartment kung katamtaman lang. RENTALS ang pinaka patok na negosyo ngayon. Maliit lang ang maintenance every month pero malaki ang balik nito sa bulsa mo.

Bukod sa nabanggit ko, pwede din kayong bumili ng STOCKS kung meron kang time na laging nakamonitor sa stocks mo. Karamihan sa mga nag engage nito, binili nila ang stocks sa mababang halaga during the time na sumadsad ang value nito at pagdaan ng ilang araw o buwan ibinibinta nila ito sa mataas na halaga. Hindi permanent ang halaga ng stockst pero karamihan kumikita dito. Kung gusto mo naman na walang iisipin at mag-antay nalang sa panahon kung kailan ito pwede mo nang kunin, bumili kayo ng mga BONDS sa bangko. Sa bonds, hindi kana nag-iisip paano pagagalawin ang investment mo. Ang bangko na ang bahala nito at ibabalik ito sayo sa maturity date na gusto mo.

Kaya kung meron kanang mga nakalaan na pondo lalo na mga OFW at gusto mo itong pagalawin para lumalaki ang income nito? Mamili kayo sa mga way kung paano magiging doble or triple ang balik nito sa bulsa mo. Laging tandaan wag kayo umasa sa mga HYIP program sa internet, mauuwi lang sa wala ang pinaghihirapan nyo. 

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.