Thursday, December 14, 2017

5th Loan sa Pagasa Success!

Ang total na payments sa isang loan kay Pagasa ay aabot sa 23. Ito ay katumbas ng 5.75 months bago mo makompleto ang 23 payments. Maliit lang din ang interest rate ng Pagasa. Pang 18th payment ko ngayong araw pero dahil lagi akong ON TIME magbabayad kay 16 payments palang ay nag advised na sila sa akin na pwede ko ng e renew ang aking loan. Bawat loan ay may dagdag na P5,000. 

Nag-umpisa ako sa P20,000 ang first loan ko sa kanila. Dahil panglima ko na kaya naging P35,000 na ang binigay nila sa akin. Huwebes ngayon, araw ng kanilang release sa lahat ng mga nag renew o mga bagong loan. Maraming tao kaya dapat maaga ka raw pumunta kasi magsisimula sila sa 7am ng umaga. Sakto ding 7am ako dumating kaso yong mag asikaso sa akin naging busy kaya  umuwi muna ako. After 30 minutes nagtxt na sa akin na pwede na akong bamulak.

Hindi tulad sa first time, maraming kinakailangang e submit sa renew ng loan mag fill-up ka lang ng form at pipirmahan mo at ng asawa mo at isang co-maker. Hindi na kailangan ang valid or mga pictures. Pag napirmahan na, ibibigay ito sa incharge ng iyong accounts at mag-antay nalang ng huwebes para sa release.

Kinuha ko yong check ko pagkatapos pumirma sa claim logbook at dalawang perma din doon sa promissory note. Actually yong remaining balance ko sana, ibibigay ko pero sabi ng incharge sya nalang kukuha sa shop namin kasi hindi pala pwede magbabayad doon mismo sa office nila lalo't maraming tao. Kaya inuwi ko nalang at pagka hapon kinuha din ng agent nila. Pinaiwan lang sa akin ang passbook ko para ma update ang payment considering na bayad ko na ang balances ko.

Ang P35,000 ay magiging P40,250 after 5.75 months. Ibig sabihin ang interest ng P35,000 every month ay P913.00. Hindi naman talaga kalakihan at ang maganda buo mong makukuha ang loan mo na walang processing fee na binabawas. Dahil weekly ang bayaran ng Pagasa, magbabayad ako ng P1,750 per week sa kanila hindi kasama ang panghulog ko sa aking SAVINGS. Sa ngayon meron akong savings balance na P12,050. Ang mangyayari, P2,000 ang ibabayad ko weekly para merong papasok na P250 sa savings ko weekly. Hindi naman magagalaw yon hanggang huminto kana sa pag loan kay Pagasa at you decide to stop it para makuha mong buo kung anong meron sa savings mo.

Sa Pagasa may pag-asa ka talaga. Hindi naman sila mahigpit sa mga requirements hindi tulad ng ibang lending companies. Mababait din ang mga agent nila lalo kung ON TIME kang nagbabayad. Ugaliin lamang magbayad sa tamang oras at petsa na nakasaad sa agreement nyo. Dahil sa oras ng pangangailangan hindi ka rin nila tatalikuran.

2 comments:

  1. Hello san po ba makikita dito sa rodriguez rizal ang office ng pagasa?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Itanong nyo po sa barangay, alam nila yan kung saan ang office nila. Kasi bago sila magbukas ng branch they ask the barangay for a clearance.

      Delete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.