Cash Lending -Standard Procedure

Share:
Hindi ko alam kung ano ang standard operating procedure ng Cash Lending sa pag approved ng mga applicants. Nong una, akala ko hindi ito for Filipino apps kasi maraming mali na features kasama na ang spelling. Familiar ako mga words na mali, kung hindi ito Indian, malamang Bangladesh. Malakas kasi ang pautang na business sa dalawang bansang nabanggit.

Sinubukan ko hanapin sa Playstore ang kanila apps at hindi naman ako nahirapan na hanapin at e install ito sa aking android phone. Nong nag update ako ng aking profile, successful naman lahat. Pero nong last part kung saan e submit ko na ang aking loan application, DATA ERROR ang laging lumabas. Mukhang familiar sa akin ang ganong scenario sa Pera247. Nakailang beses e update ang personal details pero ganun pa rin, kung hindi error ang lalabas, declined naman ang kasunod nito.

Nakailangan beses akong nagka error hanggang naging successful ito pero madaling araw na. I expect a call from Cash Lending pero ni anino walang tumawag, until late afternoon I received a txt informing me na I did not meet the criteria for credit approval. Medyo nahiya naman ako sa kanila. Kung inaproved ako ng P50K sa Esquire, P35K sa Pag-asa at P30K sa RFC at P20K sa Moola, bakit kaya disapproved ako sa Cash Lending sa halagang P3K? 

Hindi rin naman sinabi ang detailed reason kung bakit, baka naman siguro over quelified ako dahil may business na ako. Gusto ko lang naman masubukan ang services nila para may ma-e-share ako sa inyo aking mahal na tagasubaybay. Wala silang matibay na basihan sa kanilang approval. Mostly sa na approved ay may trabaho. Ako hindi pa nga natawagan ay denied na. Ang lupit pang spelling sa denied, ito'y DENYED sa kanila. Halatang hindi Filipino at gumawa sa apps ng Cash Lending.

May mangilan-ngilan na pumasa pero mas marami ang denyed sa kanila. Malamang ang may-ari ng cash lending ay hindi Filipino, tanging ang namamalakad lang nito ay Filipino. Kasi mabilis ang pagde-depost nila at nasa MAKATI lang pinapasok ang mga pera para sa mga pumasang applicants.

Marami ang hindi pumasa at lalong marami din ang hanggang sa ngayon hindi pa nila mahanap ang apps sa Playstore. Pero hindi advisable na magloan kayo sa Cash Lending kasi malaki ang interest at short term lang ang meron sila. Makakaya mo bang habulin ang babayarin sa loob lamang ng 7 days at 14 days. Kung hindi kapa nakasahod sa mga number of days na yan, wag na kayong mangutang baka masisira pa ang mga credit score nyo.

Ang maipapayo ko, wag umutang kung hindi naman kailangan. Wag subukan kung hindi mo kayang bayaran. Wag gumawa ng hakbang na idudulot ay malaking kapahamakan. 

2 comments:

  1. paano kopo maaacess hindi po ngpoproceed ang verification

    ReplyDelete
  2. Ppno poh ako makavail ay ag tagal nman magreply bg code

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.