Thursday, December 07, 2017

CashLending -How to Apply a Loan?

Cash Lending, bagong pangalan at sana may bagong pag-asa para sa lahat na gustong matulong nito. Ano ang nasa likod ng company na ito? Kung hindi nyo pa alam paano ito hahanapin, sa inyong android phone, pumunta kayo sa Playstore at hanapin ang Cash Lending, na may bilog na kulay dilaw na logo na may "C" sa gitna. Dahil napag-usapan na ito sa maraming group sa facebook, susubukan natin para malalaman kung totoo ba talaga ito. 


Tapos kung makita at mabasa ito sa ibang group page, sinubukan kong hanapin sa Playstore. Dahil sa ngayon ito't available laman sa mga android phone. Wala pang iOS, sa madaling pagkasabi, hindi pa pwede sa mga may hawak ng Iphone. Sinubukan ko itong e install at successful naman. Dahil hindi naman bago ang ganitong apps kaya nag SIGN-UP ako para ma complete ang aking PROFILE para makapag-avail ng loan sa kanila. Natapos ko mga ilang minuto lang at sinubukan ko mag apply ng loan. 

Simple lang naman ang pag sign-up, ilagay nyo lang ang inyong cellphone o mobile number at yong may box na meron code sa gilid, pindutin nyo lang yon at antayin ang ilang segundo based po doon sa counter na tumatakbo sa gilid ng box at matatanggap mo na ang code at i-enter mo ito sa box at click NEXT, ilagay ang inyong tamang pangalan, valid ID na meron ka at ang number ng ID mo. Upload your ID pwedeng galing sa gallery or choose took a picture sa ID mo, pagtapos upload mo din ang selfie mo na hawak mo yong valid ID mo, pwedeng galing din sa gallery or select took a picture.

Kasunod noon, connect your facebook account at your email address then click NEXT. Ilagay mo ang inyong financial details. Kasama na dito kung anong trabaho mo at position mo sa company. Kung businessman ka, anong name ng business mo or anong company connected kayo. Ilagay nyo lang tamang detalye kung anong kailangan doon sa mga boxes na intended sa mga personal details nyo. Kailangan ding ilagay nyo ang tamang address para sa evaluation of your personal information based sa mobile technology and big-data analysis na gagawin ng Cash Lending.

Pag na completo mo na, time to choose your loan amount. Ang pwede mong pagpipilian pag first timer kapa sa kanila ay P3,000 at P7,000 pero kung repeater kana, pwede kana maging qualify sa P10,000 loan. May dalawang terms of payment ang pwede pagpipilian, 7 days or 14 days. Medyo mag kalakihan ang interest ng Cash Lending.

Ang P3,000 na hihiramin mo sa Cash Lending, kung approved kayo sa kanila, ang matatanggap mo nalang ay P2,850. Mababawasan ito ng P150 para sa evaluation fee na P75 at Management fee na P75 din. Kung ang pinili mo ay 7 days itong babayaran, ang interest na babayaran mo ay P210. Ang hiniram mong P3,000 ay magiging P3,210 pagkatapos ng 7 days. Hindi importante ang interest at mga fees, importante dito ay matutulongan kayo lalo pa't kakailanganin nyo.

Please panoorin ang video tutorial namin sa Youtube channel na USAPANG PERA TV at huwag kalimutang mag-SUBSCRIBE and also click the BELL button para makakatanggap kayo ng notification o ALERT kapag may bago kaming video tutorial sa isang lending apps o lending company.

9 comments:

  1. nagtry ako dito pero mukhang iba iba ang charge at tubo nila skin 420 na tubo ng 3k , pending parn akin akala ko ba ilang minutes kng approval

    ReplyDelete
  2. pwd bng sari sari store owner lang,pandagdag puhunan,,asawa ko tricycle drver

    ReplyDelete
  3. 🤓🤓🤓

    ReplyDelete
  4. nagtxt sakin na approved na po kaso wla pang reference number for pick up cebuana thanks

    ReplyDelete
  5. Hindi ko makuha loan..wala reference number..paano kaya yun?

    ReplyDelete
  6. Bakit hindi ko na po mahanap sa playstore?kasi accidentally na uninstall ng anak ko...please pakibalik kc malapit na duedate ko....

    ReplyDelete
  7. Bakit hindi ko na mahanap sa google playstore? Kasi accidentally na uninstall ng anak ko...please paki naman kasi malapit na due date ko....salamat

    ReplyDelete
  8. anong id po ang pde gamitin dto?

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.