Tulad ni Tala mabilis din mag-approved ang Moola. Kung si Tala maliit lang ang interest, si Moola naman kabaliktaran. Hindi si Moola ang pinakamataas sa lahat pero kung e compare natin sa karamihang nagpapaLoan mas mataas si Moola. Pero bakit ang daming nangungutang pa rin kay Moola? Ano ba ang meron sa kanya bakit marami pa rin siyang client. Oo alam na ng karamihan na malaki talaga ang interest nila pero bakit yong mga nakasubok na kay Moola ay umuulit pa rin, hindi lang pangalawa, pangatlo, pang-apat minsan umabot pa ng pito hanggang walo at nagpapatuloy pa rin.
Sa mga nakasubok at merong existing loan kay Moola, marami nangsasabi ng positibo tungkol kay Moola. Hindi lang higher interest rate ang kinukonsider nila kung bakit paulit ulit pa rin silang nag reloan, ito'y dahil mas mabilis mag approved at within 24-48 hours nasa bank account mo na ang pera. Wag kayo mangutang during Friday kasi sa Monday pa papasok ang pera sa bank account mo dahil may dalawang araw na walang pasok sa weekend.
Ang kagandahan kay Moola kahit sa unang loan mo pwede kang ma approved sa P10K loan. Kung laging ON TIME pagbabayad mo, pwede kang maka reloan ng P20K sa second loan mo. In my case, sa pangatlong loan ko na na reached ang P20k approval amount. Nagulat pa nga ako kasi hindi ko inaakala na ma approved ako sa P20k, eh sa second loan ko ay P6K lang. Sa totoo lang madalaing kausap si Moola kaya marami pa din ang ayaw mawala si Moola sa listahan ng mga lending companies online.
Bukod sa nabanggit mukhang yumayaman si Moola kasi kahit anong refresh ko sa aking facebook newfeed lalabas pa rin ang sponsored ads ni Moola. Hindi lang doon, pati sa messenger pumasok na rin si Moola. Malaki din ang ginastos ng company para sa kanilang advertisement sa facebook or sa google.
Kung disapproved ka kay Tala, subukan mo si Moola. Isang ID lang pwede na kay Moola. Siguraduhin lang na meorn kang bank account kasi ngayon, hindi na tumatanggap si Moola ng GCASH dahil maraming hindi sumunod sa requirements na dapat ang Gcash ay verified or naka KYC na bago ibigay kay Moola. Ito'y dahil din sa katigasan ng ulo ng iba kaya nadadamay ang lahat. Hindi naman lahat madali lang para sa kanila magbukas ng bank account. Atleast kung Gcash madali lang at wala masyadong maraming requirements hindi tulad sa bangko.
Pero para sa aking na marami na ring nag approved sa akin na lending companies, pinag-iisipan ko kung itutuloy paba o ihinto na, instead doon nalang ako sa may mas murang interest rate. Ang Moola ay para sa mga walang ibang choice na pupuntahan na pwede aplayan ng loan. Kaya kung marami kang pagpipilian, umiwas kana sa mga lending company na may malalaking interest. Ang Moola ay maganda lang pag nag-umpisa kapa pero wag kang umasa sa kanila sa pangmatagalang connection. Ok lang kung may business ka pero kung wala, try to apply sa mga lending companies na low interest rate. Para malalaman mo pa ang ibang legit lending companies na may low interest rate, basahin mo lagi ang mga new post dito sa USAPANG PERA AT IBA PA blog.
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.