Kung nagbabasa kayo sa mga previous ko malamang nasundan nyo ang tungkol sa loan application ko sa RFC-Radiowealth Finance. Medyo na disappoint ako dahil sa bagal ng kanila proseso sa aking loan application. Nanibago lang siguro ako dahil sa mga nasubukan kung lending companies hindi naman ganon sa kanila kabagal, sa katunayan nga yong iba sobrang bilis ng approval pero sa kanila parang usad pagong kung tutuusin.
Sa sobrang bagal nag-aalanganin na rin akong ipagpatuloy ang application ko sa kanila, although alam kong pasado na ako. Ang inaantay nalang ang release ng aking tseke para sa loan proceeds ko. Last week pa dumating ang aking tseke sa LBC kaso hindi agad ito na deliver sa office ng RFC branch dito sa lugar namin dahil sa kanilang christmas party.
Nong Monday naman, hindi rin pwede kasi hindi pa permado ng manager ang tseke ko at wala ang manager sa araw na lunes kasi meron itong importanteng meeting. Naging busy na rin ako kinabukasan kaya hindi na ako nag follow-up pero nagtxt sakin ang staff nila na pwede ko na kunin ang tseke kahapon araw na martes pero nag out of town ako kaya hindi ko sinipot. Ngayong araw Merkules, ngtxt ako bandang 5:15pm at tinatanong ko kung bukas pa ang kanilang opisina. Meron agad tumawag at sinabihan akong bukas pa sila hanggang 5:30pm, sinabihan ako na pumunta sa ofis para makuha ang tseke.
Dumating ako sa opisina saktong 5:30pm na pero hinintay nila pagdating ko. Pumirma agad ako ng isa pang documents para sa tseke tapos pinorward nila sa mesa ng manager at ilang minuto lang tinawag ako ng manager para e explain ang tungkol sa terms and mode of payment. Unang binanggit ng manager ang terms, pwede daw akong magbayad daily, weekly or monthly. Ang nilagay na terms doon ay weekly ko babayaran pero nong pag-apply ko monthly ang pinag-usapan namin ng staff nila. Kaya sa harap mismo ng manager sinabi ko sa kanya, kung weekly ang terms nya, I will cancel my loan. Agad nyang binawi, OK sir monthly nalang nagkamali kasi ang clerk na naglagay ng weekly. Kaya tinuloy ko nalang ang aking loan.
Ang approved loan ko ay P30,000, babayaran within 6 months. At ito'y my monthly interest rate na 4%. Ang net amount na nakalagay sa tseke ay nasa mahigit P28K nalang kasi meron itong bawas na service charge, documentary stamp umabot din ang total deduction ng mahigit sa P1,500. Ang loan due date ko ay every 19th day of the month. Sa Enero, babalik ako para mag-issue sa kanila ng PDC good for 6 months. Pumayag naman ang manager sa sinabi ko na tseke nalang para hindi na ako pabalik-balik sa opisina nila. Tapos kung mahawakan ang tseke at pirmahan ang kailangan document, umalis na ako at nagpaalam. Finally, nakuha ko na rin ang loan ko sa kanila.
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.