Thursday, December 28, 2017

Moola 4th Loan Success!

Nagawa ko rin ang pagbabayad kahapon sa LBC, ang utang ko kay Moola Lending. Napakabilis talaga ng panahon at lumipas na pala ang 30 days. Dahil ayaw kong makompromiso sa mga inuutangan ko lalo na sa Moola, kaya a week before bago pa ang due date ko, nakaplano na kung saan ko kukunin ang pambabayad. Dahil pinuhunan ko sa loading business ang pera, kaya sigurado na ang kita sa loob ng 30 days. 

Sa nagdaang post, pinakita ko ang computation kung paano kikita pag ang inutang mo ay gagamitin sa loading business through coins.ph. Ito'y magiging guide nyo rin para kumita sa inutang nyong pera galing sa Moola Lending. Bukod sa loading business, ginamit ko rin ang iba sa Smart Padala at sa groceries. 

Malaking tulong sa akin ang Moola sa madaling pagkasabi at hindi ako nanghihinayang sa binayad ko na interest kasi ito'y profit na galing sa inutang ko. Sa totoo lang kung ang pinagagamitan mo sa pera na galing kay Moola ay business, hindi ka mabibigatan sa interest nito pero kung pinamili mo lang ito ng hindi naman gaanong importante, masakit sa bulsa na huhugutin mo ng buo ang ipangbabayad mo.

Anyway, kagabi sinubukan kong e click uli yong link sa txt na pinadala sa akin para direkta na akong makapag apply ng reloan na hindi na kailangan mag fill up ng online application. Gaya nong dati, qualified pa rin ako sa P20,000 loan. I expect na umaga may tatawag sa akin from Moola Lending. Bandang 12 noon may tumawag sa akin at they confirm my reloan application kung still P20K pa rin ang e-avail ko. Tinanong din nila ako kung kailan ang sahod ko? Sanabi ko, wala aking sahod kasi business ang ikinabubuhay ko. Pakiramdam ko, mas pabor sa kanila kung ang pera na gagamitin ay for business. 

Pinili ko pa rin ang P20K, ni remind uli ako sa mga dapat kung tandaan sa kanilang terms and conditions at pati mga penalties. Tumagal din ng halos 5 minutes ang aming pag-uusap. They confirm also kung same bank account pa rin ang papasukan ng funds. I answered YES, at sinabi nya na kung walang problema sa bank account ko, papasok ang funds bandang 6pm. Nagpahabol ako ng tanong kung hindi ma release hanggang bukas, I will cancel my reloan kasi hindi ko na kailangan ito next week. Sinagot na ako na 90% papasok ito sa nabanggit na oras kaya kampante na rin ako kasi since sa unang loan ko, wala namang problema with regards to loan disbursement.

After an hour tapos naming mag-usap I received a text from Moola Lending na mababasa ang ganito:

"Your approved loan has been succesfully deposited to your bank account. Check your e-mail for the payout confirmation and repayment instructions. Repeat Borrowers in good payment standing are automatically approved. To fully repay the loan please pay 26000 PHP on or before 27-01-2018. Or pay 6000 PHP to continue using for another 30 days. Pay at 7Eleven (Select Dragon Loans) or any SM or Robinson's Payment Center or Bayad Center (Write Dragon Pay) and use Reference Number DR973829."

Yon ang palatandaan ko na malapit na nilang ipasok ang pera ko sa aking bank account. Although, sinabi nila na deposited na raw ang pera. Bandang 5pm, tiningnan ko ang aking bank account through online banking at may pumasok na nga from Dragon Pay. Sa P20,000 na reloan ko, P18K ang pumasok sa akin bank account dahil may bawas itong 10% service or processing fee. Tiningnan ko rin ang aking email at meron akong dalawang email. Ang isa galing sa Dragon Pay at ang isa ay from Moola Lending. Sinabi sa email na deposited na ang pera sa aking BDO account.

Isa lang masasabi ko, kung gusto nyo ang madaliang approval ng inyong reloan application sa kahit anong lending companies, ugaliing wag ma delay sa pagbabayad. Alagaang mabuti ang inyong credit reputation para ikaw ay makaulit pang mag-apply sa kahit saan sa kanila. Wag isiping "di bale hindi na ako uulit sa kanila". Yes yon ang nasaisip mo pero dapat mong malaman, hindi mo controlled ang panahon, sa ayaw at gusto natin darating ang panahon na mangangailangan tayo. Paano kaya ang mangyayari kung wala ng magpapautang sayo. OK lang kung ang pagagamitan mo ay para sa iyong sarili, paano kung para ito sa pinakamamahal mong tao, kakayanin mo kaya na tinanggihan kana nang lahat tapos nasa emergency kana? Isiping mabuti kung anong posibleng mangyari kung sinira mo ang tiwala nang isang tao. 

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.