Parang kailan lang, 30 days na pala since I got the funds from Moola Lending. Hindi ko namalayan ang panahon. Mukhang napakabilis natapos ang isang buwan. Dahil umutang ako kay Moola at due date ko ngayong araw, expected na meron tatawag sa akin na agent ng Moola para e remind ako sa aking babayarang halaga. Actually, may tumawag na kahapon sa akin at tulad ng dati they remind me na due date ko today, para patuloy na ma-avail ang service ni Moola, iwasang pumalya sa pagbabayad or wag maging delayed dahil maraming penalties na idagdag nila sa aking inutang.
Kung natandaan nyo last month ang post ko, bihira pong maging qualified ang isang borrowers sa halagang P20,000 sa 3rd cycle. Pero nangyari sa akin yon na pangatlo palang they allow me to borrow P20K sa kanila at babayaran ito within 30 days. Hindi buong P20K ang makukuha mo kasi meron itong processing fee na 10% kaya ang matatanggap mo sa iyong bank account ay P18K nalang. Pagkatos ng 30 days, ang total na babayaran mo ay P26,000.
Malamang sasabihin mong sobra na ang interest nila. Yes, naintindihan ko kayo kung yan ang opinion nyo. Pero alam nyo ba na hindi si Moola ang may pinakamataas na interest rate? Kung nabasa nyo rin ang post kung tungkol kay Robocash, malalaman nyo na sila ang may pinakamataas na interest rate na lending company dito sa Pilipinas. Pero marami pa ring umutang sa kanila at ang iba umulit pa tapos nilang mabayaran ang kanilang mga existing loan.
Kay Moola, hindi rin tayo pinilit na umutang sa kanila. Voluntary tayong lumapit at nag-apply sa kanilang loan service. Marami kasi akong napansin at nabasa na review against Moola. Pero alam nyo ba na ang mga gumagawa lang ng ganon ay yong hirap magbayad? Karamihan sa mga umutang at ginamit ito ng maayos, wala kayong maririnig galing sa kanila. Instead, mas gusto pa nga nila ang Moola kay sa iba dahil madaling itong kausap lalo na kung maganda ang credit reputation mo sa kanila.
Para sa akin, wala namang problema ang Moola. Tulang sa sinabi ko, wag tayong umutang kung hindi natin kaya magbayad. Nakasaad naman yon sa terms and condition ni Moola. At you agree to follow their T&C. Wag kana magsalita ng masama tungkol sa kanila, kung ayaw mo na umutang, huminto kana. Wag mong kalimutan, once in awhile natulungan ka din ni Moola.
Malaki ang babayaran ko pero hindi ako nahihirapan bayaran ang P26,000 kasi ginamit ko ito sa business. Sa previous post ko, sinabi ko doon kung saan ko ginagamit ang funds ko from Moola. Kaninang tanghali tinawagan ako ng isang babaeng agent at tinanong kung anong oras ko gawin ang pagbabayad para raw kung uutang ako uli, maipasok agad bukas ang loan proceeds sa aking bank account. Dahil kulang ako sa tao dahil nagbakasyon ang dalawa kaya hindi agad ako makaalis. Sinabi ko nalang na gagabihin ako sa paghulog nang bayad sa 7-Eleven.
Buti nalang bumisita ang asawa't anak ko kaya iniwan ko muna sila saglit sa shop at nagtungo ako sa LBC, masyado kasing malayo ang 7-Eleven. Tinanong ko ang LBC kung tumatanggap sila ng bayad para sa Dragon Pay. NagOK sila at binigyan ako nang BAYAD CENTER form. Sinulat ko lang ang pangalan ko at ang Reference number pati amount at contact number ko. Tinanong ko din ang LBC kung merong additional charge tulad sa Tala na merong charge pag sa 7-Eleven magbabayad. Ilang minuto lang tapos na at umuwi na ako. Ngayon bukod sa 7-Eleven, pwede na rin akong magbayad sa LBC, at halos pareho lang ang pag-update sa system. Mas mabilis para sa akin kasi malapit lang sa aking shop, hindi ko na kailangan bumiyahe ng kulang-kulang 20 minutes.
Kauupo ko palang sa table ko sa shop, may text na sa akin ang Moola at nag thank you dahil sa bayad ko at meron ding kasamang link para sa pre-approved loan ko na P20K. Nag-iisip ako kung ituloy ko pa ang paghiram uli for the fourth times. Let me think, malalaman nyo bukas kung itutuloy ko or hindi.
December 27, 2017 around 3PM, 3rd loan with an amount of P26,000 to be paid today, successful. Case solved!
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.