Pasilip sa PPO Cooperative

Share:
Nagpasya na ang karamihan na cooperative system ang gagawin nating pautang sa PPO, kaya ngayon nakatuon na tayo sa coop system na gagawin natin few days from now. Halos kasabay nito, napagpasyahan na rin natin na P100 ang halaga sa bawat share capital na ilagay natin sa ating cooperative. Hindi madali gawin ang cooperative lalo pa't ito'y online.

Isa sa pinaka mabigat na requirements sa bawat aspiring members ay ang pagiging totoo natin sa bawat isa. Paano natin maibigay ang 100% trust kung isa sa atin ay nagkukubli sa hindi totoong pangalan o account sa Facebook. Ang ibig sabihin nito, lahat na sasali ay kailangang totoong pangalan ang ginagamit sa facebook. Ang facebook name ay pareho sa iyong valid ID. Kung anong nakalagay sa ID yon din dapat ang pangalan sa facebook account mo.

Mahigpit na pinagbabawal ang DUMMY ACCOUNT na sasali sa cooperative. Kung sakaling, bago nyo lang na re-name ang iyong account at sa terms and condition ni facebook ay kailangan mo pa mag-antay ng 1 month para mapalitan ito, ibigay alam nyo lang po sa screening committee para ito'y malagay sa kanilang record at ma follow-up kayo if sakaling hindi nyo papalitan ang inyong pangalan after sa binigay na palugit, hindi namin kayo pasasalihin sa cooperative. Kung nagbayad na kayo, ibabalik namin sa inyo ang binayad nyo para sa inyong share capital.

Yong mga hindi pa totoong pangalan, hindi pa namin ipapasok sa exclusive PPO cooperative group kahit nakapagbayad na sila ng kanilang share. Itong rules na ito ay applicable sa mga hindi makapagpalit ng pangalan dahil sa rules ni facebook na pwede magpalit uli after 30 days.

Lahat ng screening at mga proseso ay gagawin online at ang main office natin ay ang facebook. Sa facebook natin gagawin ang lahat na screening, application at iba pa. Bukod sa facebook, kailangan din natin ang contact numbers at email address ng bawat isa para sa mga important messages galing sa pamunuan ng PPO.

Ang set of officers at BOD or Board of Directors ay pipiliin galing sa mga pumasa sa screening at qualified magiging member. Para makakuha ng mga officers from the members, syempre meron tayong gagawing election. Ito'y mangyayari sa loob ng PPO Cooperative exclusive group. Ito'y upang makakaiwas tayo sa mga scammer na naglipana nga sa ating paligid.



Meron tayong mga guidelines na susundin kung paano natin e approved ang isang member na nag apply ng loan. First come first serve pa rin ang ipapatupad natin sa mga applicants pero ito'y iba sa nakasanayan na. Bakit iba? Kasi ngayon lahat ng members ay may malaking part para ma approved ang isang applicant. Bukod sa pasado ang isang applicant sa screening at requirements, kailangan din ang vote ng mga members para sa final approval. Bakit ginawa ang ganito? 

Dahil nasa online world tayo, hindi kaya nang isa o dalawa lang ang mag screen sa isang member, para maraming mata ang involve at mag verify sa pagkato ng isang applicant kailangan natin ang pwersa ng lahat ng members. Kung may katanungan ang mga members sa applicant kailangan nya itong sagutin ng maaayos. Hindi naman kailangan 100% ang bubuto sa applicant, kung nakakuha sya ng 75% of of the total members, papasa na ang application nya at ihanda na ang pundo para ma disburse ito sa pinili nyang mode of payment.

Mode of Payment
Ang paghuhulog ng share ay pwede sa kahit anong paraan. Maaari kayong magpadala sa Cebuana Lhuillier, MLhuillier, RD Pawnshop, Palawan Pawnshop, Western Union, Smart Padala, Paymaya, Gcash, Coins.ph at Postal Money Order. Pwede din kayong mag deposit sa BDO at BPI. Pwede rin kayong mag transfer ng Funds sa Paypal, Payza, Skrill and 

Ang pagbabayad ng loan naman ay napakadali, pwede nyong gagamitin ang nabanggit na mode of payment sa itaas pero meron pa tayong ibang way para magbayad. Para hindi mahihirapan, pwede kayong magbyad through Smart Loadwallet, Smart and Globre Regular Load. Pwede nyo itong gawin araw-araw kung mabigat ang lingguhan.

Sa disbursement of loans, bukod sa nabanggit sa mode of payment, pwede rin kayong pumili ng Smart Loadwallet, Globe and Smart Regular load, Payza, Skrill and Paypal. Gusto namin hindi kayo mahihirapan, we find the best way para makapagbayad at wala rason para ma-delay.

INTEREST
Ang PPO Cooperative ay magiging isa sa pinaka may mababang interest sa lahat na lending companies na gagawin online. Ang isang membro ay papayagang makapag apply ng loan sa halagang P500 at interest na 5% sa loob ng 15 days. Ito ay para mabuo ang credit score ng bawat applicant. Dito malalaman ang ability at capacity ng isang applicant upang bayaran ang kanyang utang sa tamang panahon na pinagkasunduan. Kung tumaas ang kanyang credit score, 2nd cycle ay papayagan na itong makapag loan ng P1,000 sa interest na 8% within 30 days. Weekly ang pagbabayad nito sa cooperative.

USAPANG PERA AT IBA PA blog will colaborate with PPO Cooperative. Part of USAPANG PERA blog ay mapupunta sa cooperative at ito'y magiging pundo nang cooperative. Monthly itong magbibigay kaya there's a chance na ibabalik ang binayad ng lahat sa kanilang shares or isama sa paghahatian na interest after the closing year. We will decide it later during members meeting. Please support USAPANG PERA AT IBA PA blog.

Marami pang idagdag nito during our members meeting. STAY TUNE!


No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.