Pera Agad -Bulok na Systema

Share:
Kagabi ko lang nai-post ang tungkol sa pagbabago ng kanilang systema pero hindi ko alam ngayong araw nasubukan ko pa rin ang bulok na systema na sinusunod pa rin nila. Ang due date ko was last December 07, 2017. Dahil nag out of town ako, inabot na ako ng almost hating gabi na dumating sa bahay. Pagka-upo ko, agad kong kinuha ang ang smartpadala cellphone para bayaran ang P530 dues ko. Ang confirmation ay mababasa ng ganito:

07Dec 0006: You have paid P600.00 to CASHCREDIT account 1055299 from PS SMPadala Avail Bal: P0000.00 Ref:770015015150

Inaasahan ko talaga na may tatawag sakin kinabukasan para tanungin ako kung nabayan ko ang aking loan na nag due sa December 07, hindi ko lang alam kung anong oras tatawag ang kanilang agent to confirmed my payment. 

At hindi nga ako nagkamali kasi at around 10:54am, may tumawag nga at nagpakilala na from Pera Agad. Tinanong nya ako kung na settle ko yong payment ko sa December 07. Sabi ko sa agent, Opo na settle ko na po at para patunayan, kunin mo yong reference number na binigay ng system. Tinanong nya ako kung saan ako nagbayad, sabi ako lang ang nagprocess kasi SmartPadala center ako. Kinuha nya ang reference number at nag-apologize sa akin at nagpaalam.

Akala ko, tapos na ang problema at wala ng mang estorbo. December 8 ng umaga after mahigit 24 hours since na process ko ang aking payment, 33 hours to be exact simula nong pumasok sa system ang aking payment, I received a text from Pera Agad, at ito ang nakasulat:

Time: 9:15 AM
Thank you for your payment amounting to P595.00 made last 08/122017 for the loan account no 1055299 Please call our Customer Care Hotline 2423 for any concern. This msg is free.

Kung napansin nyo, naging P595 nalang ang P600 ko na bayad kay Pera Agad. Ang P5 ay binawas ni SMART bayad sa system fee. Hindi na rin ako tumawag sa Pera Agad tapos ko ma received ang text na yon kasi palatandaan yon na updated na yong payment ko although nagtaka ako bakit December 8 pumasok samantalang December 7 ginawa ang transaction. Na remember ko minsan nabanggit ng agent na it takes 24 hours or more bago mapasa ni SmartPadala ang mga bayad ng client para sa kanila. Akala mo pipityoging mga company lang ang involve hindi makagawa ng real time na update sa payment.

At 10:35AM I received a call galing sa isang babae at nagpapakilala na isang agent ng Pera Agad. Tulad sa ginawa nong nakaraan, at duda akong malamang sya yon kasi ka boses nya. Tinanong ako agad tungkol sa address ko, dahil nasa shop ako at ayaw ko siyang kausapin ng matagal kasi daming customer, binaggit ko ang aking address. At sinabihan pa ako, Sir aware ba kayo na meron kayong utang na P4,629 at bakit hindi nyo nabayaran ang due nyo nong December 7. Biglang uminit ang aking dugo sa sinabi nya. Sagot ko naman, Mam ilang system ba ginamit nyo bakit hindi mo alam na bayad na yan nong isang araw pa at meron na ding tumawag kahapon tungkol dito ang binigay ko ang reference number.

Katatunayan I received a txt kanina lang na bayad na yong due ko bakit kapa naniningil. Sabay, Ahh Sir hindi pa kasi updated dito sa system ko, eh sakto kaka check ko lang din sa account ko sa internet at completed na ang nakalagay sa due ko na iyon. Sabi ko sa kanya Mam bakit updated na rin dito sa account ko ang payment bago paman naka received ako ng txt galing Pera Agad na bayad na nga ang due ko. Sagot nya, Sir maaaring updated jan sa account nyo pero iba kasi dito sa system ko. Ang sarap batukan, napaka bobo naman ng agent na iyon. Imposible maunang ma uppdate ang account ko kay sa doon sa kanya. Akala siguro nya hindi ko alam pano e check sa account ko ang mga updated payments. Eh kahapon kakapost ko lang tungko dito na mabubuksan na at mamalaman na ng client ang status ng ating mga payments sa kanila.

 Ang akala ko nawala na ang mga bobong agent at walang training, hanggang ngayon nandon pa rin. Ibig sabihin hindi kumikilos ang management ng Cash Credit. Medyo nagbago nga ng mukha ang website nila pero ang laman ay bolok pa rin. 

Ang maipapayo ko sa inyo, kung hindi kayo ready to face ng ganong call encounter sa mga bobong agent at walang training, wag na kayong mag-loan baka aatakihin pa kayo sa sakit ng puso. Bumaba lalo ang tingin ko sa Pera Agad, hindi sila karapatdapat na puntahan kung nagkagipitan. I recommend Tala kasi hindi mo ma experience ang tulad sa ginawa ng Pera Agad. I will encourage anybody to avail their loan. Sana wala ng tumangkilik sa kanila. Ang sasama ng ugali ng mga agent at ang pangit ng system nila. BOYCOTT PERA AGAD, BOYCOTT CASH CREDIT.

#boycottperagad
#boycottcashcredit


No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.