Pera Agad Repayment Successful!

Share:
Sa lahat ng lending companies na hinihiraman ko, dito ako sa Pera Agad or Cash Credit bumilib. Alam nyo kung bakit? Hindi kayo patutulugin pag hindi kayo magbabayad. Yong mga agent na tumatawag karamihan maangas, akala mo sila may-ari ng companya. Hehehe. Kadalasan nakakapikon ang mga tawag nila, 3rd day palang meron kanang matatanggap na text at tawag. Pero dahil nagbabayad naman talaga ako sa due date kaya lately hindi ko na sinasagot ang tawag nila. Kusa nalang akong nagbabayad sa due date ko. Sa pangalawang araw o sa due date mismo, kung hindi agent ang tatawag sayo, meron silang recorded voice na nagpaalaala sa due date at kailangan mong magbayad. 

Ngayong araw din ang due date ko at dahil nong isang araw pa meron na akong text na natatanggap, binayaran ko agad kaninang umaga, pagpasok ko mismo sa aming shop. Pero alam ko bukas pa ang update ng aking payment kaya, I expect na meron talaga tatawag anytime of the day. Totoo nga, bandang 12noon may tumawag at alam kong Pera Agad yon kasi kabisado ko na ang last 4 digit ng kanilang cellphone number. Syempre magtatanong yon kung nabayaran ko na ang due ko today at kung wala pa kailangan ko nang magbayad. Kasama sa tanong kung saan kadalasan naghuhulog ng aking bayad sa aking loan.

Hindi nga ako nagkamali at yong agad ang bungad sa akin pero dahil tapos na akong magbayad, malakas ang loob na na sabihin na tapos na kanina pa. Saan ko raw hinulog, sagot ko naman, sa aking branch po. Ano daw ibig sabihin ng sa aking branch, sabi ko Smart Padala center ako kaya ako na ang nagprocess ng aking payment. Ito ang sabi "Ah ganun po ba sir?" sige po maraming salamat ay kung mayron kayong katanungan tungkol sa Pera Agad oh kung ano man, wag daw akong mag hesitate na tumawag sa kanila. Marunong din palang mambula ang mga agent nila. Pero napansin ko iba yon sa mga tumatawag sa akin, mukhang mabait. Sana nga hindi mukha lang, magiging tunay na mabait sana yong agent na yon.

Simula sa umpisa na pagbabayad ko ng aking weekly due date, laging sobra ang binabayad ko sa Pera Agad. Kaya ang amount na due ko lalong lumiliit pero pag nagbayad ako malaki ang sobra kay sa nakasulat sa text na dapat kung bayaran. Mas magandang ganito para hindi na ako maghahabol sa sa mga kulang kung sakali.

Sa twelve weeks na contract ko sa Pera Agad, 4 payments nalang ang natira. Matatapos ko ang pagbabayad sa January 24, 2018. Ang weekly ko dapat ay P549 pero ngayon naging P438 nalang. Malamang masaya si Pera Agad kasi lagi may sobra, it means laging may advance na magagamit nila sa iba para makapag release uli ng mga bagong client.

Kung interest ang pag-uusapan, mas mababa ito sa Moola, Cash Lending at Pera247. Kung short term lang ang pipiliin mo, halos magkapareho lang sila ni Tala. Ang kaibahan sa kanilang dalawa ang processing fee pero ibabalik naman ito after 30 days kung ontime kayong nagbabayad. Ang processing fee ay ibabawas sa iyong first loan lamang, all succeeding loans sa Pera Agad ay wala ng processing fee.

7 comments:

  1. Wala ng mas lalaki pa sa interest ng fuse lending. Look sa text message nila:

    You have paid Principal: 96.16, Interest: 34.59, Penalty: 0
    for INSTALOAN2500 with loan no. 1083278.
    Please dial *141# and select 4-Inquire My Loans Details to ensure that your current balance is fully paid. Thank you!

    Almost 40% weekly ang interest

    ReplyDelete
  2. More than 2 months na application ko sa kanila, but until now pending pa rin. Ang akala ko kasi sila ang pinaka maliit pagdating sa interest rate pero based sa pinakita mo bakit ang laki?

    ReplyDelete
  3. Mahirap ma approved sa kanila, tas sobrang laki ng interest. Kaya wag mo na try na maka loan sa kanila. Tsaka hanggang 5k lang sila. Pag naabot mo na 5k, stagnant ka na don.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Saan nyo po nakuha ang guni-guni mo? Basahin nyo po ang lahat ng post ko about sa kanila bago kayo mag comment nang hindi totoo. Karamihan sa mga walang alam, ang lakas ng loob mag conclude.

      Delete
    2. Are talking about Pera Agad or Fuse Lending? Kung Pera Agad, hindi totoo yong nasagap mong balita pero kung Fuse Lending, hindi ko alam pamamalakad nila kasi more than 2 months na application ko pending pa rin.

      Delete
  4. pag name declined po ba sa una apply ilang days po or month bago pede mag apply ulit sa pera agad.?��

    ReplyDelete
  5. Kakasend lng application ng loan reply agad declined.then after 3 months pa ulit pd apply.!!

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.