Thursday, December 07, 2017

Pera Agad to Cash Credit

Medyo matagal-tagal na ring hindi ako nakagawa ng update tungkol sa Pera Agad simula nong na disappoint sa isang agent na tumawag sakin to remind me about my due date. After sa nangyaring iyon, hindi na mga walang training ang tumatawag sakin. Hindi ko alam kung saan na napunta ang babaeng agent na yon.

Hindi ko napansin na marami na din palang pagbabago sa Pera Agad. Bukod sa mga magagaling na ang mga agent nila, nagbabago na rin pala ang pangalan ng website nila. Kung dati ay www.peraagad.ph ngayon ay naging www.peraagad.com na ito. Kung dati ang heading nito ay puro Pera Agad, ngayon ang main company na talaga ang humahawak ng Pera Agad ang makikita mo sa heading nito at ito ay ang Cash Credit.

Ngayon ko lang uli nabuksan ang kanilang website pagkatapos ng I think more than a month. Namangha ako sa bagong itsura ng kanila website. Nagmukhang kaaya-ayang tingnan na ito compared nong dati na parang hindi nakasama sa agos ng panahon. Mukhang mumurahin ang pagkagawa at parang hindi magaling ang kanila IT na gumagawa sa designed.

Dati ang kanila website ay walang kaaya-ayang features. Kada bukas mo ng iyong account sa tulong ng iyong cellphone number at DPIN, ang makikita mo lang sa loob ay ang previous loan approved mo at kung anong date ito na approved. Wala ng iba pang makikita sa loob. Napaka pangit kung tingna lalo na sa mga may alam kunti sa mga web design o yong mga gumagamit ng magagandang website na pinagagastusan talaga ng company.

Ngayon bukod sa medyo maganda na ang pagkagawa, makikita mo na rin ang mga kailangan mong malalaman sa loan status mo. Nasa account mo na rin ang weekly  payment schedule. Naka detalye na ang DATE kung kailan ka dapat magbayad, OUTSTANDING PRINCIPAL kung magkano nalang ang balanse mo na dapat bayaran, INSTALLEMENT due kung magkano ang amount na babayaran mo weekly, PENALTIES kung halimbawa, hindi mo nabayaran or late mong nabayaran ang iyong weekly dues, TOTAL TO PAY pag meron kulang o sobra ang dapat mong babayaran bago ma complete ang inyong loan terms at STATUS dito mo malalaman kung bayad na o hindi pa. Kung bayad na makikita mo  dito sa status na COMPLETE, at kung hindi pa makikita na PENDING ang nakalagay.


Kung dati kailangan mo pa ang cellphone number at DPIN para maka log-in sa iyong account, ngayon ay iba na. Meron na itong dalawang option ngayon, pwede kanang mag log-in through Mobile number or Email address. Sa tulong lamang ng inyong cellphone number, makakatanggap kayo ng 6-digit code para ito'y maging password mo to log-in your account. Hindi mo na kailangan, e memorize ang iyong DPIN kasi hindi na ito kailanganin ngayon sa bagong website ng Cash Credit.

Kahit nagbago na ang kanila website at yong mga features nito pero meron pa din akong napansin na hindi nagbabago. Ang auto update ng bayad mo. Hindi tulad ng ibang lending company na pagka received ng bayad sa client automatic na itong nakalagay na completed or payment received pero sa Cash Credit or Pera Agad, you need to wait atleast 24 hours bago ito papasok sa account mo. Paano ito nangyari? Halimbawa, ang bayad mo hindi umabot sa due date mo at lumampas na ito ng hating gabi, siguro ginawa mo ang ang pagbabayad aroung 12:30am kinaumagahan nito, hindi ito makikita sa system ang bayad mo. 

Tatawag pa rin ang agent ng Pera Agad para singilin kayo which nakapa disappointing, tapos kana magbayad at sisingilin kapa. Hindi natin controlled ang panahon, minsan meron mga hindi inaasahan pangyayarin kahit gustuhin mo mang hindi mag past due pero talagang mangyayari ito, dapat sa system nalang titingnan ng mga agent kung bayad kana o hindi. Problema lang kasi ng system nila, hindi ito auto update kasi umaasa pa rin ang Pera Agad sa mga report galing kay SMARTPADALA bago ito papasok sa Pera Agad account mo, wala pang direct online update sa dalawang kompanya na naging pahirap sa mga client ng Pera Agad. Yong bayad mo sa 12:30am, hindi pa iyon ma update hanggang 12:30am the following day, ito'y ma-a-update after 30-35 hours. 

Dahil dito malamang pagsasabihan kana ng kung ano-anong mga salita ng mga agent ng Pera Agad. Na parang sila ay hindi nagkaka utang pero alam naman natin na maliit na porsiento lang sa total population na ating bansa ang walang utang. 101% yang mga tumatawag sa mga umuutang sa Pera Agad ay siguradong marami at ang iba pa ay baon din sa utang pero kung makapag salita ang sobrang linis-linis na kanilang pagkatao. Nakakapikon kasi kausap mo lang naman at hindi mo sila nakaharap pero nakaka apekto din ito sa mood mo pagkatapos nyong magkausap. Sana wag masyadong offensive ang mga nagre-remind ng mga past due para hindi mauwi sa sagotan at hahantong sa di magandang usapan.

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.