Bawat lending company may kanya-kanyang interest rate na pinapatupad. Ang iba maliit lang, ang iba naman katamtaman lang at ang iba naman sobrang lagi din kung mag add-on ng interest. Saan ba tayo pabor sa tatlong nabanggit? Syempre doon tayo sa maliit lamang na interest. Ang problema lang, bihira natin silang makikita sa ating mga lugar. Ang pinaka common sa lugar natin yong katamtaman or fair interest at yong pinakamalaki na para 5-6 or ang 5-6 talaga mismo ang inuutangan natin.
Dahil sa experience mo sa ibat-ibang lending company, siguro meron ka nang nakuhang data para ma compare mo ang mga interest rate nila. Naisip nyo na ba na huminto sa isang lending company dahil sa sobrang laki ng interest nito? Malamang naisip nyo na yon. Instead mag focus nalang kayo sa isang lending company na fair lang ang interest rate.
Anong lending company ang pinakamababa kung interest rate ang pag-uusapan? Based po sa nalalaman ko at experience na rin tanging dalawa lang, ang bangko at mga cooperatives. Dahil maraming pera ang bangko at mahigpit ang compitition, nili-limit din nila ang kanilang interest para hindi lilipat sa commercial lending companies kung papantayan ng bangko ang interest rate nila. Mas madali kasing ma approved sa mga commercial lending companies kay sa mga bangko kaya pipiliin ng mga tao kung saan ang madaling mag-approved. Dahil sa higpit ng requirements at medyo strikto ang pamamalakad ng bangko mangilan-ngilan lang ang nag-a-apply sa kanila.
Bukod sa bangko, ang isa pang may pinaka mababang interest rate ay ang mga cooperatives. Karamihan sa kanila hindi naniningil ng mataas dahil wala naman silang binabayarang withholding tax sa BIR. Although merong ibang cooperatives na naniningil lalo na ang mga baguhan pero karamihan talaga, yong mga matatagal ng cooperative maliit lang ang kanilang interest rate. Bukod sa maliit lang na interest, bilang member magiging shareholder ka rin sa cooperative na sinalihan mo. Once may share ka sa kanila, isa ka na rin sa may-ari at entitled ka rin sa mga benefits ng isang shareholder. Ang share mo sa cooperative ay mag-e-earn ng malaking interest compared sa pera mo na nakadeposito sa bangko. Hindi mahigpit ang cooperative pagdating sa mga loans, unlike sa bangko na isang sakong requirements ang kailangan mo dalhin sa kanila, samantalang sa cooperative, minimal lang. Importante nagiging member ka at meron kang share capital na naiambag sa cooperative.
Ang commercial lending copanies ang pumapangalawa pagdating sa interest rate. Hindi maliit at hindi rin malaki, makakaya ng mga ordinaryong mga Filipino. Ang interest rate at maglalaro simula 3-5 % lang per month ang sinisingil nila. Ito ang utang na involved ang nakakarami kasi hindi masyadong strikto at minimal lang din ang kailangang requirements.
Dito karamihan ay group ang involved sa pag-lo-loan, pero meron din namang individual na pinapayagan lalo na't meron itong existing business na pinapalakad sa community.
Ang pangatlo, ang may pinakamataas na interest rate ay sila yong mga nagpa 5-6 sa mga palengke o sa mga bahay-bahay na may maliit na tindahan. Ito'y sinisingil araw-araw? Naiisip mo naba paano nagagamit ang pera mo galing sa kanila? Siguro sasabihin mo, ginagamit mo naman sa negosyo. Pero na compute mo na ba ang profit kung merong natitira sa inyo? Oo meron kang profit sa business mo pero alam mo ba saan napunta yon? Ang profit mo ay napupunta lahat sa nagpapautang sayo ng arawan. Kaya kung involved kapa sa arawan, humanap ka ng paraan para makawala sa ganung pangungutang. Oo hindi madali pero alam ko kung kaya mo itong solusyonan, wag ka lang maging tamad sa paghahanap ng solusyon.
Ano ba ang pinakamagandang uutangan ng isang ordinaryong Filipino? Ang mapapayo ko, umutang kayo sa mga cooperative kasi minimal lang ang requirements at maliit lang ang interest at mapakinabangan nyo pa ang benefits bilang isang membro sa kanila. Kaya maghanap kayo ng mga cooperative dyan sa lugar nyo at magtanong kayo tungkol sa mga benepisyo at mga services nila.
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.