Talaga mabagal nga ang proseso ng RFC -Radiowealth Finance. Kung nasundan nyo ang mga previous post ko, dapat na release na nila ang loan ko nong isang linggo pa pero hanggang ngayon medyo alanganin pa. Nakaidlip ako kaninang magtanghali dahil kulang ako sa tulog kagabi. Madaling araw ko na natapos ang mga gawain ko dito sa mga blog ko. Marami kasi akong ginagawang blog in different categories. Naalimpungatan ako sa tunog ng aking cellphone. Isang text ang gumising sa akin at ito ay galing sa isang staff ng RFC branch dito sa lugar namin.
Ang sabi doon sa text kung pwede ba daw akong pumunta sa opisina nila kasama ng wife ko para permahan ang contract namin. Para lang magtatrabaho o mag-a-artista kasi may contrata. Ngayon lang ako nakarinig ng ganun. Sa mga previous loans ko, wala namang pina-sign sa akin na contrata kundi PROMISSORY NOTE lang. Sa RFC meron contrata, sabi ko aba matindi to. Sa halagang P30K na ni-loan ko ang daming ka-ek-ekan itong company na to.
Dahil magtatanghali na rin at nag-aantay akong matapos ng Papa ko ang aming pagkain, nag-reply ako na after lunch nalang kami pupunta sa opisina para pumirma. Dahil ang asawa ko ang nakatuka sa aming shop, tinawagan ko na rin na bandang 2pm pupunta kami ng RFC office.
Bago mag 2pm umalis ako sa bahay at dinaanan ko nalang ang asawa ko sa shop kasi madadaanan ito papuntang RFC office. Tumuloy kami sa opisina at wala doon ang taong nagtxt sakin pero nakahanda na pala ang pepirmahan namin ng aking asawa. Ang daming pinirmahan, akala mo isang milyon ang inutang ko sa kanila. Sadyang malupit nga ang RFC pagdating sa pautang. Bukod sa mabagal ang proseso ang dami pang hinihingi at ang daming pepermahan. Payo ko lang sa mga nagbabalak umutang sa kanila, lawakan nyo ang inyong pasensya para hindi kayo highblood sa kanila.
Natapos na rin naming permahan ang mga documents na pinakita sa amin. Akala ko, makukuha na rin namin ang loan proceeds. Hulaan nyo kelan makukuha? Wednesday ngayon at sinabi sa amin sa Sabado pa daw kasi bukas ipapagawa pa yong Check at pepirmahan pa ata ng Mayor kaya mahirap makakuha ng schedule. Biruin nyo po ganun sila mag process ng loans? Eh pwede naman ginagawa kanina while nandon kami ang Cheke? At alam naman ng manager na meron e release na pera para sa isang loan applicant? Bakit pa mag-antay ng ganun katagal? Eh pareho lang naman ang mangyayari ibibigay pa rin nila sa akin yon, atleast nagagamit ko ng maaga.
Malaking question pumasok sa isip ko, meron ba talaga silang pera? Bakit kailangan pang ganun ka tagal? Parang umutang lang sa bumbay na magpapa schedule ka ng date para sa release ng iyong inutang. Sa pagka alam ko malaking company ang RFC kasi more than 100 branches na sila nationwide kaya mataas ang pagtingin ko sa kanila pero dahil sa mabagal nilang proseso, nawala ang magandang reputation nila sa akin. Para sa aking kung bigyan ko ng grade ang RFC? Pasang awa ang ibibigay ko sa kanila dahil sa sobrang bagal at daming drama. Sana makita ito ng top management na hindi maganda ang ganito dahil sa higpit ng competition ngayon maaring bumaba ang income nila. RFC walley!!!
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.