Sunday, December 17, 2017

RFC Loan New Update

Nabanggit ko nong nakaraang post na tapos na kami ng asawa ko pumirma ng contract at promissory note para sa loan ko sa kanila. Based sa pagkakaalam ko at na experience ko na rin sa ibang lending company na kapag pumirma kana ng promissory note, ilang minuto or oras makukuha mo na ang iyong loan proceeds. Pero iba ang nangyari sa RFC at dito ako na disappoint sa proseso nila. Ang alam ko ang check dito lang gagawin sa branch kung saan ako nag-apply pero mukhang hindi ata ganon ang nangyayari. Last week martes yong nagpirmahan kami at ang sabi sabado pwede na makuha ang check sa kanila. 

Hapon na nong sabado December 16, mga 3pm na ata yon wala akong natanggap na call or text man lang na pwede ko na makuha ang check ko. Kaya ako na ang nag-initiate para malaman kung ano na ang status ng tseke ko sa kanila. Tinanong ko yong agent sa text kung anong nangyayari sa tseke eh sabado na at yon ang binanggit na araw na makuha ko na sa opisina. Mga after 2 hours nagreply po at humingi ng sorry kasi hindi daw na deliver ng LBC sa office nila ang package na naglalaman ng tseke ko. Isa pa half day lang daw sila kasi Christmas party daw nila at nasa kabilang bayan sila sa time na yon.

Dahil ayaw ko naman ding storbuhin sila kasi may even kaya nag OK nalang ako. Hindi na ako nagtxt uli kasi alam naman nila yon na dapat naibigay na sa akin. Hindi ko rin na anticipate na ganun pala ka bagal mag process ng loan ang RFC- Radiowealth Finance. Lahat kasi na nautangan ko mga kilala din tulad nila pero mabilis naman at wala masyadong drama. Ngayon lang din ako nakaka experience ng ganitong scenario sa isang lending company. At least may alam na ako kung ano talaga ang RFC pagdating sa pag process ng loan sa mga client. Wag na umasa na mabilis kasi napakabagal at parang usad pagong ang proseso ng iyong transaction sa kanila.

Sunday ng gabi, December 17 mga bandang 7pm nakatanggap ako ng text from RFC staff na humingi uli ng paumanhin na ang tseke at hindi makukuha sa lunes kinabukasan dahil wala itong perma ng manager at absent ito sa lunes kaya martes na naman. Mukhang pinaglalaruan ako nito mga taong ito. Hindi ko alam kung ganito talaga sila mag treat ng mga client. Napakalayo compared sa ibang lending companies. 

Hindi nalang nila inilagay ang sarili nila sa akin, ano kaya ang pakiramdam kung parang hindi binigyan g priority ang transaction ko. Porket nangungutang ako sa kanila at sila na dapat masusunod. Ano kaya pakiramdam nila kung bigla ko itong e cancel? Yon talaga ang nasa isip ko pero gusto ko silang kilalanin para meron akong mai-share sa aking mga magbabasa. Kung e cancel ko yon bigla mawala ang ugnayan namin sa kanila. Sana magbago pa ang isip ko at mabigyan ko pa sila ng second chance. Abangan nyo nalang sa susunod kung post ang tungkol sa transaction ko sa kanila.

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.