RFC Radiowealth Finance Loan Update

Share:
Noong nakaraang linggo, isinumete ko na ang mga requirements na kailangan para sa Business Loan na inaplay ko sa RFC o Radiowealth Finance. Akala ko magpi-fill up uli ako ng application form kung saan lahat ng detalye sa sarili at finances ko ay nandon. Yong unang application form na binigay nila sa akin nong una kung pagpunta sa office nila, medyo hindi detalyado ang mga nakasulat sa form. Sa madaling pagkasalita, basic lang ang kailangan doon sa application form na yon. Para malaman ang mga requirements nila, please read my previous post through this LINK.

Pagka abot ko ng mga requirements sa taong nag handle sa application ko, sinabihan ako na hindi nila ma release ang loan that week kasi busy daw sila. Next week na daw yon ang pahabol na pagkasabi sakin. Buong akala ko mag-aantay nalang din ako ng txt or tawag na pwede ko na makuha ang loan ko. Pero ngayong araw taliwas sa ini-expect ko, tumawag ang agent sa akin, while I am driving my motorcycle papuntang shop. Hindi ko nasagot kasi nasa bulsa ko ang cellphone ko kaya sa shop ko na tiningna kung sino ang tumawag. 

Dahil naka phonebook naman ang number nila kaya alam ko taga RFC ang tumawag. At nagpahabol din ito ng text. Akala ko sasabihin sa text na pwede ko na makuha ang pera. Hindi pala pera kundi nagtatanong kung magkano ang income ko per month, magkano ang gross at magkano din ang net kaya sinabi ko ang totoo. Nagthank you ang agent at akala ko tapos na. Bandang hapon, tumawag at nagtanong kung magkano renta ko sa pwesto ng shop ko. Kaya sinagot ko uli ng totoong amount. Parang gusto ko na rin mag backout. 

Bakit kaya pa utay-utay ang pagtatanong nila eh dapat nagbigay na sila ng form na doon pwede na nila ma evaluate ang lahat na mga kinakailangan nilang detalye. Naisip ko tuloy sa sarili ko, akala ko ba sobrang standard ang proseso nila pero bakit parang manual lang ang kinalalabasan. Pero inisip ko nalang kailangan magtiis kasi ako naman ang nangangailangan, lalo na ngayon magbubukas ako ng pangalawang shop ko kaya I need addtitional funds para meron akong contineous cashflow at hindi mauubusan ng cash lalo na, meron din akong Smart Padala na mabilis umubos ng pondo sa bangko.

Umaasa akong nagawa na nila ito nitong araw at sana bukas malalaman ko na kung pwede na makuha yong loan ko. Hindi na nila pwede e disapproved kasi tapos na akong ma CI at pumasa na ako kaya nga pinasubmit na ako ng mga requirements. Isa pa napakaliit lang ng inaplay ko compared sa capacity ng shop para magbayad. Sinadya ko lang na liitan dahil gusto kong malalaman ang proseso nila kung maganda ba o hindi para meron akong mai-share sa mga nagbabasa ng USAPANG PERA AT IBA PA blog.

Sa mga gustong sumubok sa RFC Radiowealth Finance pwede nyong alamin kung merong pinakamalapit na branch sa inyong lugar. Doon kayo mag-apply at mag fill up ng application form. Pagkatapos nito, antay nalang kayo ng CI ng isa sa mga agent nila. Kung papasa kayo, saka kayo sasabihan mag submit ng mga requirements. Para karagdagang guide po lalo na sa mga branches ng RFC, please read this LINK! Paano mag-apply? Sundan nyo rin ang link na ito: CLICK HERE!


No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.