Saturday, December 16, 2017

TAGUM COOP LOAN SUCCESS

Buong araw ako kahapon hindi nakaharap sa aking laptop at makapagsulat ng mga bagong post para dito sa aking blog USAPANG PERA AT IBA PA. Nag out of town ako kahapon para makuha ko yong loan proceed ko from Tagum Coop. Kung nabasa nyo yong previous post ko tungkol schedule release ng aking loan ay gaganapin sa araw ng Biernes. Nagtungo nga ako kahapon sa branch office nila sa Mati City. 

Dumating ako sa office nila mga around 11am. Pagkadating ko merong dalawang mga na nandoon sa loan section. Ang isa kausap na ng loan specialist at ang isa naman nag-aantay sa kanyang turn. Sumunod na rin ako sa kanilang dalawa, nag-antay na matapos para ako ang susunod. Iba pala mag apply ang mga guro ng loan, oras lang makukuha na nila agad ang kanilang loan proceeds. Kaso kukunin din pala nila ang atm para sila na mismo mag swipre nito para makuha ang bayad sa kanila sahod.

Yong inabutan ko na kausap ng loan specialist, na approved ng P128K ang laki na non para sa akin. Ininterview sya tungkol sa personal details kasama na ang information ng asawa at anak nya pati trabaho anong level na bilang titser at marami pang iba. Kaya medyo umabot ito ng halos 30 minutes kaya sa dalawang titser nasa more than 1 hour din bago sila natapos. 

By the way, nong pagpasok ko pala sa office ng Tagum Coop hinanap ko yong taong nag punta sa amin at sa shop ko. Kasi hindi ko alam ang pangalan tinuro ko nalang ang mesa kung saan sya laging nakaupo. Tapos binanggit sa akin ng security guard, ah si manager ang hinahanap nyo sir? Sabay tango nalang ako. Na surprise ako, manager pala yong nag CI sa akin kaya pala ang bilis nyang naka approved sa application ko at binigyan agad ng release schedule.


Nong turn ko na sa loan specialist, pagkatapos akong mag greet at sinabi ko pangalan ko, sabi ay oo nandito na papers mo, schedule mo ngayon, tinanong ko siya kung yong nakaupo sa mesa na iyon ay manager nila. Sabi nya Oo, manager daw yon. Sabi ko naman, ang lupit naman, manager na nag field pa rin? Sinagot nya ako, sir ganyan kasi si manager, dati din kasi yang nagsi-CI kaya minsan pag nasa labas yan sya na rin nagsi-CI sa mga client na madadaanan nya. Napahanga lang ako ng manager nila, hindi nakakalimutan ang dati nyang trabaho, gumagawa pa rin ng mababang trabaho kahit mataas na ito.

Ang bait ng loan specialist, ininterview din ako at pati mga personal information ko tinanong din. At napag-usapan din namin ang tungkol sa blog. Gusto din daw nya maging blogger. Travel blog naman ang balak nyang gagawin. Pero ito ang nakakagulat sa akin tapos nya akong matanong ng mga detalye tungkol sa finances ko. Sir APPROVED po kayo sa P100K. Natulala tuloy ako, yong inaplyan ko ay P50K lang.  Sakto tumawag ang manager, sinabihan nya na nandon na ako at ang approved loan ko ay P100K. Tinanong ako, kukunin ko ba daw? Sabi ko naman, kung ibibigay bakit hindi? Tapos nila mag-usap, na print out siya ng quotation sa total loan payments ko para doon e based ang mga petsa ng aking PDC.


Mga ilang minuto din sinulatan ko ang 12pcs check good for 12 months para sa P100K loan ko. Tapos ko masulatan lahat binalik ko ito sa kanya at pinasa ito sa accounting department para ma confirm at ma rechecked. Tapos doon pinasa na ito sa cashier para maibigay na sa akin ang pera. Sa P100K, P89K nalang ang net ko. Binawasan ito ng P7,500 share capital retention para maging P8K na yong share capital ko para makapag apply ako ng loan pero di paman na completo ang P8K share capital bago makapagloan pero approved na ako sa first loan ko. Sobrang bait nila at mapagbigay basta qualified ka lang. Bukod doon binawasan din ito ng P1,500 para sa service fee, P1,080 para sa loan protection or insurance at P900 para sa savings ko. 

Ang interest na babayaran ko ay 24% sa loob ng 12 months, ibig sabihin 2% per month lang ang interest nila at diminishing pa. Saan pa kayo makakita ng ganyang interest sa loan, sa cooperative lang kasi wala silang tax dahil meron silang tax exemption dahil cooperative. Bukod sa mababa ang interest rate nila, malaki din ang pinapautang nila lalo na kung ito'y business at mga guro. Hindi naman lahat ng cooperative ganito, kasi based po sa mga experience ng mga kakilala ko, karamihan ng mga cooperative lalo na kung baguhan malaki din ang interest. Kaya nagpapasalamat talaga ako sa Tagum Coop at sa kanilang mga staff sa magandang treatment nila sa akin. Makakaasa kayong hindi ko sisirain ang tiwala na ibinigay nyo sa akin. MARAMING MARAMING SALAMAT PO!

24 comments:

  1. Dapat po ba member ka Ng Tagum coop Para makapagloan sir?
    Maraming salamat Sa Mga insights nyo. Isa rin ako Sa sumasabay Sa Mga post nyo 😊

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes po kailangan maging member muna kayo bago makapag avail ng kanilang mga products lalo na ang loans.

      Delete
  2. saan po mga location nil a or branches???������

    ReplyDelete
    Replies
    1. Meron tayong post dito sa blog about branches.

      Delete
    2. hi po... pag regular member na po ba magkano po maximum atm salary loan ang maerelease? salamat po

      Delete
    3. depende sa capacity nyo po. Taga saan po kayo?

      Delete
  3. Panu magmember?

    ReplyDelete
  4. business loan po ba ang inyo? ano po mga requirements?

    ReplyDelete
  5. Pano po magloan kung member ka na?

    ReplyDelete
  6. Ofw po.need cash now .dito me for processing again my new visa..paano gusto KO mag laon sa inyo.

    ReplyDelete
  7. Ofw po.need cash now .dito me for processing again my new visa..paano gusto KO mag laon sa inyo.

    ReplyDelete
  8. Pag makapag share capital ako ng 40k Tapos ang bussines ko nasa probinsya at walang bussines permit na mapakita pwede bang maka pag loan?

    ReplyDelete
  9. hi,May limit ba ung paglagat sa share capital.

    ReplyDelete
    Replies
    1. up to P200K lang po ang pwede ilagay sa share capital.

      Delete
  10. Kung may kapital share na 8k na ako at may savings na 100k after 10 months magkano maloloan ko po

    ReplyDelete
  11. Kung may kapital share na 8k na ako at may savings na 100k after 10 months magkano maloloan ko po

    ReplyDelete
  12. Hi po sir mam. Pwede po ako mgloan dito po ako ryadh

    ReplyDelete
  13. I want to verify if.maka. Avail convenient loan ..charene luna lgu mawab

    ReplyDelete
  14. I want to verify if.maka. Avail convenient loan ..charene luna lgu mawab

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.