Sa lahat na ina-applyan ko sila ang pinaka mabilis mag asikaso ng loan at napansin ko din ito sa opisina nila mismo. Ang daming mga titser ang inabutan ko doon at marami pang dumating pero inasikaso nila lahat ito at binigyan agad ng pansin. Na surprise ako the way they treat their clients. Hindi naman sa sumipsip ako sa kanila pero yon talaga ang naranasan ko nong nag undergo ako ng orientation para maging member ng Tagum Cooperative.
Actually hindi na ako nakasali sa orientation kasi wala akong kasama nong time na yon, kaya pinapanood nalang sa akin ang video presentation kung saan yon din ang pinapakita nila sa mga nag undergo ng orientation. Complete details na ang lumabasa sa video at nagustuhan ko lahat ang pinalabas doon.
Ang nakatawag pansin sa akin ay ang Share Capital na ipasok mo sa kanila, ito'y mag-e-earn ng 10% interest per annum. Bakit malaki ang interest ng cooperative? Dahil ang cooperative ay walang withholding tax hindi tulad sa mga commercial banks na meron binabawas sa kanila. Ang laki ng interest na ibinibigay ng Tagum Coop sa kanilang mambers. Last year nga raw, 12% interest ang binigay nila sa mga members.
Marami ang gustong sumali sa Tagum Coop at gustong maging investors kaso this year nilimitahan nila ang pagpasok ng share capital ng up to P200K lamang. Sabi nga nong staff na nag-interview sa akin, hindi lang Globe at Smart may capping, pati din daw sila kasi kung hindi nila gagawin yon, dadami ang pera nila pero hindi naman ito nagagamit. Kailangan bawat pera na pumapasok ay naipapalabas nila ito through loans para kikita ito ng interest. Hindi pwede na patutulogin ang pera sa account nila dahil hindi nagagamit, yong kaya lang nila ipapalabas through loans ang pwedeng ipapasok nila. Hindi rin naman pwede na basta-basta nalang silang magpapautang dahil marami silang pera.
Ito ngayon tapos na ang lahat pati ang mga requirements nagawa ko na at inipon ko sa isang envelop. Nagkataon na halos 4 days na hindi ko agad naipasa sa kanila ang mga documents dahil medyo malayo ang pipirma bilang Co-Maker ko dahil sa Tagum City pa sila nakatira. Kailangan kasi ang isang co-maker na Tagum Coop member din. Bago palang kasi sila nagbukas dito sa Mati City kaya wala pa akong kilala na taga rito na member nila na pwede kung maging co-maker.
Schedule ko na sana para pumunta sa opisina nila para dalhin ang lahat nang mga requirements. Nasa aking shop na ako kasi nandon nakalagay ang envelop. Di pa man ako nakaalis may tumawag na sa akin na dadaanan nalang daw niya ang documents ko kasi medyo matagal na daw ito at hindi pa naipasa sa kanila. Nagulat ako dahil sila pa nagmagandang loob para kunin ang requirements ko.
Noong nasa shop na sila, kinuha nya ang mga requirements at tinanong ako kailan gusto kung ma release ang pera? Sabi ko by next week napo! Sinagot nya ako, naku wag ang tagal pa noon. This week muna kunin ang pera mo, mamili ka ng araw? Kahapon yon martes, sabi ko sir sa Friday nalang. Sabi nya, OK na yan sayo? Sagot ko naman OK lang sir. Di naman gaanong kailangan ko ngayon yan. Sige, antayin kita sa opisina sa Friday.
Napakaganda ng client treatment ng mga taga Tagum Coop. Hindi nga ako nagkamali kasi yon din ang sinabi sakin nong mga taong matagal ng member nila. Sa lahat nang mga taga Davao Region na may branches ang Tagum Coop, wag na kayong magpahuli pa. Bumisita na kayo sa mga branches na malapit lang sa inyo para mararanasan nyo din ang nararanasan ko. Siguraduhin lamang na completo ang inyong mga requirements. Kung hindi pa kayo mag apply ng loan, atleast maging member na kayo. Maganda ang benefits na makukuha nyo pag maging member kayo.
Tagum Coop was launched on Year 1967. Hindi bago tayo, subok na matatag na sa ngayon compared noon. Maraming natutulungan at maraming pang gustong tutulungan.
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.