Monday, December 04, 2017

Tagum Cooperative Orientation

Maaga akong umalis sa bahay kanina para sa 1 hour orientation sa Tagum Coop na gaganapin malapit lang sa amin sa Mati City. Pero hindi ko po inabot ang orientation dahil sa matinding traffic na naranasan namin on the way to the area. 3 months ago ginawa na kasing four lanes ang mga kalsada galing Tagum City to Mati City. Mga 8 kilometers pa ang layo to Mati City, madadaanan kasi ang bulubunduking parte ng ciudad, kaya mahirap daanan ang kalsada kasi naka one lane.

Dahil marami din akong pakay sa city, na gagawin ko sana after the orientation pero dahil late na ako, ginawa ko nalang at nag-antay ng afternoon session ng orientation. Ang morning session ay ginanap ng 9am at matatapos ng 10am. Yong mga hindi nakaka attend ng umaga, sa hapon na sila pwede umaten na gaganapin naman ng 2pm up to 3pm.

Nagpalipas muna akong oras at doon ako tumambay sa kaibigan kong negosyante din ng halos tulad din sakin ang binibinta. Meron kasi siyang pwesto sa NCCC Mall sa Mati City. Nong lumampas na ng 1pm, tumungo na ako sa Office ng Tagum Coop. Meron na palang naunang inorient na mga guro sa karatig probinsya ng Davao Oriental.

Ang nangyari, mag-isa nalang akong inorient ng isang staff. Una, pinapanood sakin ang video presentation, tungko sa Tagum Coop na nag-umpisa pa noong 1968. Umabot din ng 10minutes ang video at ini-explain pa-isa-isa ang tungkol sa kanilang cooperative. Bago mo ma-avail yong mga products nila kailangan mong maging member muna sa kanila. Isa sa requirements upang maging member at yong orientation at magbabayad ng P2,275.

Registration: P300
Share Capital: P500
Savings Account: P500
Mortuary Fee: P480
Himsug Pamilya: 475
TC Members ID: P20
Total: P2,275

Ang P300 registration fee ay pwede mo pala itong mabawi. Paano po mabalik ito sa iyo? Every year, meron silang tinatawag na General Assembly. Kapag dumalo ka, meron silang tinatawag na attendance bonus na worth P300 kaya bawi kana. Ang share capital ay hindi mo makukuha hanggang member kapa sa kanilang cooperative pero kung gusto mong umalis pwede mo itong e withdraw. Ang saving namin, anytime pwede mong galawin kaso pag bumaba ng P500, every month mababawasan ito ng P20 as maintenance charge. Pwede mo rin itong e closed pag ayaw muna maging member ng Tagum Coop. Ang P480 Mortuary fees ay isang uri ng insurance na binibigay nila para sa bawat membro. Kung natural death ang pagkamatay ng isang membro, makakatanggap ito ng P65K. Pero kung namatay sa aksidente, ang matatanggap naman nito ay P115K. Ang himsug pamilya naman ay serbisyo medical na ibibigay ng cooperative in excess sa iyong Philhealth. At ang natirang P20 ay para sa coop ID na gagamitin mo sa mga transactions na gagawin with Tagum Coop.


Tapos ma explain sa akin ang lahat, nag fill-up ako ng form for membership at nagbayad ng P2,275. Pagkatapos magbayad, pinatungo ako sa cashier para kunin ang Passbook for my Share Capital and Savings. Dalawang passbook ang ibibigay nila sa bawat membro. Ang Share capital mo ay pwede mong dagdagan anytime pero hanggang P200K lamang ang tatanggapin nila. May capping na din sila ngayon sa mga share capital kasi hindi naman pwede na maraming pera pero hindi naman nagagamit. Ang malaking source of profits nila ay galing sa mga loans ng bawat membro. Ang Share capital ay mag-interest ito ng 10% per annum. Kaya ini encourage nila na mag avail din ako ng loan sa kanila. Binigyan ako nila ng forms at sa ngayon kailangan nalang ng pirma sa isang co-maker ko na dapat isang member din ng Tagum Coop. Yon ang pag-uusapan natin sa next post ko tungkol sa Tagum Coooperative.

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.