Napakahirap magkaroon ng isang tsekeng account sa ngayon kasi marami pong requirements ang hinihingi ng bangko bago kayo magkaroon ng tseke or CURRENT ACCOUNT. Ang tseke ay isang uring ng mode of payment na ginagamit noon paman kasi napabilis nito ang pagtransact ng pera sa iba na hindi na kailangan dalhin pa ang physical cash na maaring maging danger ng iyong buhay, para din naman ito sa security ng isang tao na palaging may transaction ng mga malalaking halaga. Iisa nalang ang pwede puntahan ng inyong cash, ang bangko nalang.
Instead na magbibilang kapa ng pera sa harap ng taong babayaran mo na minsan kinakain din ang oras mo, bukod pa doon nakakatakot din baka mapansin kayo ng mga masasamang tao. Walang cash na dadalhin kundi yong para papel lang na katibayan na magbabayad ka o binabayaran ka. Ito'y isang special na papel na may katumbas na malaking halaga depende kung magkano ang isinulat nito.
Karamihan sa mga bangko ngayon, hindi nag a-allow sa kung sino-sinong tao na magkaroon ng tseke. Unang requirements ay kailangan existing client kana ng bangko kung saan gusto mong magbukas ng checking or current account. Ibig sabihin dapat meron kang savings account for a minimum of 6 months na ang tagal nito simula ng ito'y nabuksan. Kung sakaling meron ka nito, hindi ito guaranteed na magkaroon kana agad, dadaan pa ito ng management evaluation sa isang specific bank na inaaplayan mo. Ang pwede lang magkaroon ng checking account ay yong mga negosyante na may malaking bank transactions everyday at mga top officials ng isang company or private individual na mayrong malaking kinikita buwan-buwan.
Kung negosyante or businessman ang nag-apply, kailangan nitong mag submit ng Mayor's Permit, DTI, BIR COR, valid ID's, at iba pa. Pag napasa mo na ang mga yon, subject for approval pa ang application mo, mag-antay pa ng ilang araw at minsan aabutin pa ng mga buwan bago malalaman na approve or disapproved. Kung employee naman, dapat magsubmit ng Payslip, ITR, mga valid id's, company certificate at kung anu-ano pa.
Kung tutuosin, napakahirap talaga magkaroon ng checking account. Kaya kung pumasa ka at meron ka ng tseke, be careful sa pag-i-issu nito. Maaari itong ikakasira sa good reputation mo sa bangko nong ika'y wala pang checking account. Kailangan fully monitored ang na-issue mong tseke sa mga client or suppliers mo. Ingatang mabuti ang checking account mo kasi pag natalbugan kayo ng tseke bukod sa penalty na ibibigay sayo, masisira din ang reputation mo sa inyong mga client or supplier. Lalo kayong mag-ingat kapag ang supplier mo ay hindi marunong umintindi sa isang situation na kinahaharap mo.
Ngayon nauuso na ang PDC para sa mga ina applyang lending or financing companies, siguraduhin na bago paman ang due date ay pundo na ito. Walang pakialam ang mga financing companies kung ano ang kinakaharap mong challenges, ang sa kanila pag due date mo you need to pay the full amount. Karamihan kahit kinausap mo na, ipapasok pa rin nila ang tseke mo para lang magka bad reputation ka sa bangko at sa kanila. Once nasira na ang good standing mo sa bangko at sa kanila, mahihirapan kana ring makikipag transact gamit ang tseke mo.
MAG-INGAT, MAG-INGAT, MAG-INGAT sa pag issue ng tseke, siguraduhin alam mo saan kukunin ang pangpondo nito. Kung sakaling natalbugan ka ng tseke sa unang pagkakataon, wag mo na ulit. Kasi kung kaya mong bayaran ang penalty na 2,200 sa bangko, pero hindi na mababayaran ang nasirang good reputation mo sa bangko at sa tao na naka transact mo.
Ang tseke ay nakakatulong pero maaaring din itong dahilan ng iyong paghihirap pag sakaling sumablay kayo. Masarap sa pakiramdam kung ang hawak mo lang ay tseke, hindi tulad nong may dala kang malaking cash, hindi ka mapakali baka matunogan na may dala kayong malaking pera. Malaking tulong ang tseke para sa akin dahil napapabilis ang mga transaction at maiiwasan ang pwedeng mangyari kung may dala-dala kang physical cash sa sarili mo.
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.