ABROAD O UTANG -ANONG SAYO?

Share:
Mag-aabroad? Nangangailangan ka ba ng pandagdag puhunan para sa negosyo? Di kaya’y may planong mag invest  ng bagong sasakyan at bahay?O may financial emergency na hindi mo napag ipunan? Kung ano man ang dahilan, may mga sitwasyon talaga na kakambal na ang pagkuha ng loan o pag-utang. May ibat-ibang klase ng pagkuha ng loan at pag utang sa mga lending na kompanya depende sa iyong financial at pangangailangan . Hindi masama ang pag utang pero bago magpasyang kumuha ng loan, tiyaking alam mo ang proseso sa pagkuha nito, pati na ang interest rates at iba pang kaukulang bayad.

May ibat ibang klase rin ng lender na pwede mong pagpipilian at pwede mong matakbuhan sa oras na ikaw ay nangangailangan. Nandyan ang sa Gobyerno kung saan pwede kang mag apply ng Salary Loan sa SSS o Social Security Sytem kung ikaw ay isang miyembro nito at aktibong nagbabayad sa iyong kita.  Ang limitasyon lang ng SSS loan ay ang payment terms (24 buwan) at ang halaga na puwede mong mahiram (2 beses ng iyong buwanang sahod o kita).

Kung malaki naman ang iyong uutangin at ikaw ay may magandang track record o financial history andiyan ang bangko.Kaya nga lang malaki ang posibilidad na mareject ang iyong loan kung mayron kang hindi nabayarang bills o utang. Mahigpit ang bangko sa kanilang criteria. Karamihan sa mga tao na mahanap ito mahirap na magbayad tulad ng isang malaking halaga ng pera.  Ang mahirap lang sa mga bangko ay humihingi sila ng napakaraming dokumento para umusad ang iyong loan applications. Pero sila ay nagbibigay ng mas mababang interest rates kumpara sa iba.

Kung hindi ka naman naapproved sa iyong Salary loan may mga  financing companies na pwede mong mautangan. Sila ay mga kumpanya na ang pangunahing linya ng negosyo ay pagpapautang ng may katumbas na interes. Mas malaki nga lang ang pinapataw na interes nito dahil sa maluwag na batayan kung sino ang puwede nitong pautangin. Tiyakin  nga lamang at araling mabuti bago kumuha ng loan o pautang. Dahil maraming mapagsamantala ngayon sa mga taong gipit at kumakapit sa patalim.

Kung may balak naman mag abroad   o ang iyong mga kamag-anak ay biglang magkaroon ng matinding pangangailangan, kayo ay makakautang gamit ang inyong status bilang OFW.Tandaan lamang na may ibat ibang uri ng pautang na naayon sa iyong pangangailangan. Ang mga loan ay maaaring galing sa bangko o iba pang financial institution, online loan companies, microfinance at kahit na sa pawnshop.Ito ay depende sa gaano kalaki ang iyong buwanang kita o sahod. Pero nga lang mas mataas na interes ang iyong mababayaran sa ganitong klaseng institusyon .

Ang ilang mga nagpapahiram ay sumingil ng parusa para sa mga nanghihiram na nais ganap na bayaran na ang kanilang personal loan sa mas maagang panahon kaysa sa napagkasunduang termino ay may posibilidad na maging isang porsyento %) na sisingilin sa ang natitirang balanse ng utang sa oras ng pagbabayad nang buo.. Ang pautang , ay ginagawad sa pamamagitan ng isang kasunduan kung saan ang mga financing offices ay nagbibigay ng sapat na halaga o pautang at ang mga nangungutang ay sumasang-ayon sa pagbabayad ng installment.


Ang kumpanya naman ay gagawa ng mga pagsusuri, halimbawa, kung ang nangutang ay may mga pagkakautang na o kung ito ay may sapat na pera upang maibalik ang nautang. Lahat ng ito ay dapat na nakasulat at dapat na ibigay sa mga nangutang ang isang kopya sa pamamagitan ng isang kontrata .Kung ang loan ay na-aprobahan na, ang consumer ay dapat maibalik sa kumpanya ang kabuuan at ang kaukulang interes. Ang hindi pagbabayad ng hulog, kahit isang hulog lamang, ay maaaring humantong sa mga malubhang problema. Ang mga kompanya, una, ay magpadala ng isang paalala para sa pagbabayad. Kung sa kabila nito ay magpapatuloy sa hindi pagbabayad, ay magsisimula ang mga babala  bukod sa hindi bayad na hulog ay pati ang karagdagang interes at marahil ay mangailangan ng pagsasara ng kontrata.


Sa bawat pautang, may panganib na hindi makabayad ang nangutang. . Panganib na maaring hindi siya mabayaran.  Ang interest ang ibinabayad bilang kapalit sa paghiram sa pera. Nakakatanggap ng interest ang nagpahiram ng pera bilang kabayaran sa pagpayag niyang tumanggap ng panganib. May iba’t-ibang klase ng interest. Dahil sa mga ito, maaring marami ang hindi talaga alam kung magkano ang gastos na kanilang binabayaran sa kanilang utang.

Maraming paraan kung ikaw ay nagigipit at nangangailangan ng pera, nandyan ang mga lending na kompanya na maaring pagkakautangan o di naman sa pamamgitan ng loan. Ngunit bago mangutang dapat malaman na may kaakibat na interes at may sapat na kakayahan na makabayad sa anumang inutang. Malaking tulong ang ganitong mga kompanya lalo na sa mga taong kumakapit sa patalim kahit malaki ang interes na kinakaltas. Lalo na sa mga taong nagbabalak mag abroad at walang sapat na perang panggastos makalabas lamang sa ibang bansa upang maisbigay ang magandang buhay sa pamilya. Ang mga lending companies ang kadalasang takbuhan ng mga taong ito.

Kahit na hindi kalakihan ang sahod na nakukuha buwan-buwan, para sa karamihan, ang pag-utang ay isang paraan para mabilis na masapatan ang mga pangangailangan Pwede nitong mapag-aral ang iyong mga anak sa desenteng paaralan, makabili ng magandang bahay o sasakyan. Dapat nga lang tandaan na parehong may mga kapanibangan at kapinsalaan ang personal na mga loan at ang mga line of credit.depende sa iyong sitwasyon, Gayunpaman, ang mga nangungutang ay dapat maging maingat sa kanilang mga pampinansyal na mga kakayahan na magbayad ng utang.



No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.