ASA FOUNDATION

Share:
MGA IMPORMASYONG DAPAT MALAMAN PARA MAGING PARTE NG ASA PHILIPPINES FOUNDATION

       Ang ASA FOUNDATION ay isang korporasyon na napabilang sa tinatawag na Micro Enterprenuers. Ang micro enterpreneurs ay kompanyang nakatutok na sa pagbigay ng serbisyo at produktong local. Ang foundation na ito ay may layunin mai ahon sa hirap ang mga 
taong hirap sa buhay. Napakaganda ng programa nila dahil sa mga sumusunod na serbisyong mayroon sa kanila:

1. Financing

        Sa tagalog ito ay tinatawag na nagpapahiram ng puhunan sa mga taong gustong magsimula ng maliit na
negosyo . Ang kagandahan dito ay maliit lamang ang interes na idadagdag kinse poryento lang sa anim na buwan (15%). Ang loan na makukuha ay pwedeng magsimula sa Php6,000.00 hanggang Php10,000.00 , ito ay depende sa kakayahan ng taong bayaran ang kanyang hiniram. Ang iskedyul sa pagbayad ay Php50.00 kada linggo . Napakagaan para sa mga nagnenegosyo kayat marami ang may gusto nito dahil malaking tulong para makapag simula sila ng negosyo kahit maliit lamang.

2. Capital Build-Up

        Itong programa naman ay may layunin na turuan ang mga tao na makapag ipon para sa oras ng sakuna ay mayroon silang mapagkukunan. Dito naman ang maaring magdeposit ng Php50.00 kada linggo at malalagyan ng interes na 7% kada taon. Ang kagandahan dito pag ikaw ay nagipit ay puwedeng i-withdraw ang perang naipon kahit anong oras.



3. Locked-in capital Build-up

          Ito naman ay oobligahin ang myembro na mag hulog ng Php10.00 kada linggo at pag ito ay umabot sa halagang Php2,400, ang kalahating halaga nito na papatak sa Php1,200 ay malilipat na sa kanyang account at pwede niya itong i-withdraw. At ang naiwan na Php1200.00 ay magsisilbing saving ng miyembro.

          Maliban sa mga nabanggit na paraan kung paano mag benepisyo ang mga kliyente may mga iba pang magandang puwedeng makatulong sa kliyente:
aDeath benefits
Ito ay karagdagang pera na makukuha ng mga naiwan ng kliyente kung sakaling sya ang mamatay, sa pamamagitan nito makakatulong ito sa pagtustus gastusin sa pagpapalibing sa
kanya .

bScholarship

           Ito ang libreng pa aral para sa mga anak ng miyembro na may matataas na grado nang sa gayon ay mabigyan sila ng pagkakataong makapasok sa eskuwela kahit na hindi ito kayang tustusan ng kanilang
magulang .

cDisaster assistance
          Hindi natin maiwasan na may sakunang mangyari sa ating lugar , kaya naman ang ASA Foundation ay nakahandang magbigay ng tulong sakaling may mga bagyo na raragasa sa lugar. Sila ay namamahagi ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, damit at iba pang gamit ng bahay.

dBusiness Development Training

           Ang ASA Foundation ay namamahagi 
din ng libreng pangkabuhayang seminar para sa mga miyembro nang sa gayon ay madagdagan ang kanilang kaalam sa mga bagay bagay na puwede nila i-apply sa kanilang negosyo para sa kanilang dagdag kita.

eHospitalization Benefits

          Para sa mga naconfine sa hospital maari rin silang makakuha ng financial assistance para makatulong sa pagbayad nila sa kanilang hospital bills.

          Kaya naman masasabing ang ASA Philippine Foundation ay maganda ang intensiyon at nakafocus sa benepisyo ng kanilang kliyente kaya magandang salihan ito ng mga kababayan nating nangangailangan ng financial na tulong para mai angat ang estado nila.

Mga Kwalipikasyon para mapabilang sa ASA Philippine Foundation.


1. Babae

Babae ang napiling bigyan ng pagkakataong maging miyembro sa kadahilanang malimit silang may bisyo, dahil dito magiging mas malakas ang komitment to pay nila


2.Dapat mayroong maliit na negosyo

Para maka siguradong makabayad ay dapat bago pa man magpamiyembro ay meron nang maliit na pinagkakakitaan .


3. Ang produkto ay dapat sariling gawa.

Isa sa mga konsepto ng ASA ay para maitaguyod ang lokal na produkto kaya naman mas gusto nila ang home-made products


4. Dapat may mainam na kalusugan

Para masiguro na ang negosyo ay tuloy tuloy, dapat walang malubhang sakit ang miyembro.


5. Dapat napabilang sa below poverty lines sa kanilang komunidad



          Ang target ng ASA ay makatulong ka kababayan nating kababaihan na hirap sa buhay. Bago makapag miyembro ang mga ito ay kailangan i-verify ang kanila estado sa buhay sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang tahanan.


22 comments:

  1. San po office ng ASA sa antipolo

    ReplyDelete
  2. Pano po makasali meron po ba dito sa cavite?

    ReplyDelete
  3. Replies
    1. Check out our blog, mayron na tayong guide paano makasali sa ASA Foundation.

      Delete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.