BanKo -Paano Mag-apply ng LOAN?

Share:

Para matulungan ka sa pagpili, ito muna ang basics na dapat mo malaman at maintindihan. Depende sa pangangailangan mo, maraming klase ng loans ang pwedeng i-avail mula sa bangko.  Ang loan ay may 3 components. Isa sa mga ito ay ang Interest rate o ang charge na ipinapatong ng bangko sa perang hiniram. Usually, ito ay small percent lang ng loan. Maaari itong fixed o variable, kung saan ang interest rate ay pwedeng magbago o mag-increase over time.


Samantala ang Security Component ay  ang isang loan ay kung ito ay secured o unsecured. Ang secured na loan ay may collateral na requirement sa transaction, habang ang unsecured naman ay wala. Isa sa mga pag-aari mo, ang collateral ay ang gamit na kung saan binibigyan mo ng claim ang bangko. Sakaling hindi mo mabayaran ang loan mo? Legal na pwedeng i-seize ng bangko ang collateral.


Hindi nangangahulugan na mas madaling option ang unsecured na loan. Minsan ay mas mataas ang interest rate ng unsecured loan. Minsan din naman, humihingi ang bangko ng isa pang signee na pumapayag na singilin siya ng bangko sakaling hindi makabayad ang taong nakakuha ng loan. Ang Term naman pangatlong component ng loan. Ito ang i-aassign na haba ng panahon o period para makumpleto ng borrower ang pagbabayad sa hiniram na pera.


Ang mga usual na klase ng loan ay personal loans, cash o salary advances, mortgage loans, at loan na pang finance ng negosyo. Bago mag-apply for a loan, ang tip namin ay aralin mo muna ang resources mo at ang conditions ng loan na gusto mong apply-an. Seryosong usapan ang pagkuha ng loan, kaya bago mag-avail, pag-isipan itong mabuti. Nahahati sa Personal at Business categories, ang mga loans ng BanKO ay pinasimple at pinabilis dahil hindi na kailangan pa ng collateral at wala na ding processing fees. Para sa mas detalyadong impormasyon sa mga loans na available sa BanKO, visit http://www.banko.com.ph/loans/.
Habang pamahal ng pamahal ang mga kailangan para ma-secure ang magandang future para sa sarili at sa pamilya, parami din ng parami ang options para matulungan ka sa pag-avail ng mga investments na ito. Sa BanKO, nahahati ang loan services sa Consumer at Commercial categories. Nasa ilalim ng Consumer ang mga klase ng loans na classified bilang personal na loan. Sakop naman sa Commercial category ang loans na tutulong sa pag-sagot sa requirements iyong negosyo mo. Para makapag-extend ng tulong sa mas maraming tao, ang BanKO loans ay mas abot-kaya at convenient kumpara sa loans ng mga traditional banks.


Sa BanKO Instaloan, to ang sakto para sa emergencies ang una sa mga loan services ng BanKO. Guaranteed na mabilis ang processing ng loan request mo with BanKO Instaloan kaya mabilis mo ding magagawan ng paraan ang biglaang demand ng financial assistance. Exclusive sa mga BanKO account holders, kailangan mo lang ng Facebook account at ang mag-fill out ng form sa https://www.bankolink.com.ph/bankolenddo/start.action.


Meron din Salary Loan , Isang ready-benefit programa para sa mga employees ng BanKO-accredited companies. Katulong mo ang monthly salary sa pagbabayad ng funds na nahiram. Easy at flexible din ang availment process para maiabot ang service sa employees na nahihirapang mag-apply ng kaparehang loan sa traditional banks. Bisitahin lamang ang  
http://www.banko.com.ph/loans/consumer-loans/salary-loan/ para sa mas detailed na info tungkol sa BanKO Salary Loan.

Sa PuhunanKO , Sagot ka ng BanKO sa puhunan at mga demands ng negosyo mo via PuhunanKO. Pinadali din ang communication sa pagitan ng suppliers at customers o retailers dahil sa mobile financing system ng BanKO. Kailangan mo ba ng tulong sa startup business mo? Apply na para sa PuhunanKO loan.
Puregold Puhunan Plus

Sa pagpapalaki ng iyong negosyo, hindi maiiwasan ang mga problema at ang need for financial help. Makakaasa ka na handang tumulong ang BanKO. Via NegosyoKO, pwede kang mag-loan ng up to P300,000 na walang hassle dahil mabilis ang approval process at magaan ang payment terms. Para makapag-apply for a NegosyoKO loan, magpunta lang sa 
http://www.banko.com.ph/negosyoko-loan-application-form/.

Kailangan lamang ang mga sumusunod pra makapag apply , Micro and small business loan application form, Latest Income Tax Return/3 years audited financial statement, DTI/Mayor’s Permit, Bank Statement for the past 3 months, Sales Invoice/Purchase Order, Photocopy of valid ID, Picture of Business, Sketch Map of Residence and Business, Trade Business References. Ang mga benepisto nito ay, Fast loan approval, mababang interest rates at affordable.


3 comments:

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.