Friday, January 19, 2018

CARD BANK, INC -SINO SILA?

PAANO MAKAKUHA NG LOAN SA CARD BANKINC.

         
Ang Card BankInc ay isa sa pinaka sikat na loaning company sa Pilipinas. Hindi lamang sa sa loan kundi mayroon din silang Savings at Remittance services.



          Pag usapan muna natin ang kanilang sistema sa pagpapahiram ng pera. Marami silang iba’t ibang klaseng loan ang na Microfinance loan .



1. MF-SIKAP LOAN



          Ito ay loan na nakalaan sa mga may trabaho o kaya'y may mga negosyong , sa perang kanilang maloloan ito ay dapat gamitin na pambili ng kagamitan upang mapagbuti ang trabaho o kayay para gamiting karagdagang puhunan.

          Pwedeng humiram mula P2,000.00 hangngang P150,000.00 depende sa kalaki ng sahod o negosyo.

2. MF-SIKAP MSB LOAN



          Para ito sa mga miyembro na may magandang estado sa kanilang savings account. Dito sa programang ito maaring hiramion ng miyembro ang sarili nilang pera kesa sa i-withdraw nila ito , ang layunin nito ay para hindi maubos ang savings na naipon ng miyembro sa ganitong set up obligasyon niyang ibalik ito sa lingguhang pagbayad o semi-monthly .

          Pwedeng humiram mula P3,000.00 hangngang P150,000.00. Ang iskedyul ng bayaran ang puwedeng lingguhang pagbayad o semi-monthly.





3. MF-MICRO-AGRI LOAN



          Ang layunin ng loan na ito ay makapagbigay ng puhunan para sa mga taong asa agrikultura ang negosyo katulad na lamang ng pagtatanim kung saan kailangan ding mamuhunan ng mga gamit sa pagpapalaki ng gulay o kayay prutas.

          Pwedeng humiram mula P2,000.00 hanggang P150,000.00. Ang iskedyul ng bayaran ang puwedeng lingguhang pagbayad o semi-monthly.

4. MF-MICRO HOUSING LOAN



          Itong klaseng loan na ito ay para sa mga gustong bigyan ng improvement ang kanilang mga bahay para magkaroon ng mas maayos na tirahan .

          Pwedeng humiram mula P5,000.00 hangngang P150,000.00. Ang iskedyul ng bayaran ang ng na puwedeng lingguhang pagbayad.

          Maliban sa Microfinance loans meron ding ibang loan tulad ng mga sumusunod :



1. Educational loan



          Ang loan na ito ay para sa mga magulang na gustong mapa aral ang mga anak ngunit kulang ang kakayahan, sa pamamagitan ng loan na ito makakatulong ito para tustusan ang pag aaral ng kanilang anak.
Pwedeng humiram mula P3,000.00 hangngang P5,000.00 para sa highschool at elementary at P1,500 hanggang sa P10,000.00 para sa college . Ang iskedyul ng bayaran ang ng na puwedeng lingguhang pagbayad.




2. HEALTH LOAN



          Ito ay loan na ibinabahagi sa mga miyembro upang makapagbayad sila ng kanilang philhealth contribution, para meron silang magamit pag sila man ay maospital .Bawat miyembro ay kaya nilang bigyan ng pang isang taong na pambayad sa kontribusyon sa Philhealth para makasigurado na covered sila ng philhealth benefits sakaling sila’y magkasakit .

3. CELLPHONE LOAN



         

Maari ring magloan para sa pambili ng cellphone, sa panahon ngayon ito ay hindi lamang ginagamit para sa pakikipag usap ito rin ay nagagamit sa mga importanteng bagay tulad ng pagresearch ng bagay gamit ang internet.


          Sa lahat ng nabanggit na loans ay mga sumusunod ay kailangang isumite bilang requirements :

1. 1x1 id picture
2.valid identification card
3. mag open ng savings account
Bahala na din po ang loan officers sa paglilitis kung ang aplikante ay qualified na maging member.


Pag ang isang aplikante ay nakapsok na bilang miyembro puwede na siyang mag avail ng mga loan na nabanggit.

33 comments:

  1. anu po requirements sa MF-SIKAP MSB-LOAN?

    ReplyDelete
  2. how to apply m f- sikap msb - loan?

    ReplyDelete
  3. Magkano po minimum na ideposit po to become a member

    ReplyDelete
  4. Paano po ito o magapply ng loan po?

    ReplyDelete
  5. Sn b ibbgy ung mga requirements

    ReplyDelete
  6. Replies
    1. Mayrong mga kiosk sa mga bayan...magtanong lang kayo sa barangay poblacion ng inyong bayan.

      Delete
  7. Gusto ko po mag loan ng housing loan..pero myembro na po ako sa card..

    ReplyDelete
  8. Bkit walang sumasagot sa mga comments dto...panu makkavail

    ReplyDelete
  9. Bkit walang sumasagot sa mga comments dto...panu makkavail

    ReplyDelete
  10. gud am. san po [wede magpa member, bacoor cavite po . tia!

    ReplyDelete
  11. how to apply? for new member?

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.