Napakasaya mo na dahil sa wakas bayad kana sa hiniram mo kay Tala at syempre excited kana rin para makapag reloan ng mas higher amount compared sa previous loan mo. Ngayon ito na, binuksan mo na ang iyong cellphone para gawin ang ritual ng pag-a-apply ng loan kay Tala.
Tsarannn!!! Nagulat ka kasi nandon parin sa apps mo ang amount na dapat mong babayaran. Ang pinagtataka mo, nagtxt na sayo si Tala na bayad kana. Ang tanong ngayon saan kayo nagbabayad bakit ganun, delayed ang update ng iyong payment sa kanilang apps? Hindi lang ito ang unang pangyayari at hindi lang iisa ang nakakaranas ng ganito.
Kung sa cebuana ka nagbabayad, parang normal na sa kanila na matagal talaga ang pag-update ng inyong payment. Wala pang malinaw na rason ang binigay ni Cebuana tungkol dito. Ang sabi nila napapasok naman daw ang bayad kaso delayed lang ang confirmation ng Tala apps. Hindi naman kayo dapat matatakot dahil completo naman ito ng resibo at hindi naman pipityoging company ang Cebuana. Ibig sabihin secured pa rin ang payment nyo kaso delayed lang. Pero kung sobrang kailangan mo ng pera at gusto mong mag-apply agad sa Tala, I advise wag kang magbayad sa Cebuana, maghanap ka ng iba.
Kung malapit ka sa 7-Eleven mas magadang doon ka sa kanila magbayad sa iyong Tala loan. Kasi few seconds simula nong natanggap mo ang resibo galing sa cashier, makakatanggap ka na ng text from Tala saying THANK YOU! dahil sa pagbabayad mo. Real time ang pag update ng Tala apps sa loan nyo kaya makaka-apply kayo agad few minutes pagkatapos nyong bayaran ang inyong loan. Ang ayaw ko lang sa 7-Eleven, meron silang charge. Hindi naman kalakihan pero malaking bagay pa rin yon para sa atin na gustong makatipid.
Ang pinakamaganda at pinakamabilis na way to pay your Tala loans ay through coins.ph At ito din ang pinakamabilis mag disburse ng inyong loan proceeds. Hindi mo na kailangang manhintay ng matagal para ma-update ang iyong loan sa Tala apps. Very real time at sobrang bilis. Highly recommended para sa walang hassle at nagmamadaling makapag reloan agad. Napakadali lang magkaroon ng coins account at napakadali ding makapag cash-in ng funds sa inyong account para makapagbayad kayo kay Tala.
Tatlong mode of payment ang pwede nyong pagpipilian. Depende sayo kung saan ka mas comfortable at within your reach. Kung malapit ka naman sa Cebuana at walang 7-Eleven sa lugar nyo, ibig sabihin no choice kana kaya sa Cebuana ang bagsak mo pero kung meron naman 7-Eleven, doon kana at ipikit mo lang ang iyong mata sa charge. Kung ayaw mong lumabas ng bahay dahil maulan at tinatamad ka, gawin mo na ang pagbabayad ng iyong loan through coins.ph. Siguraduhing merong laman ang iyong wallet para magawa ito.
hi.ngbyad n aq ky tala khpon thru coins.iba kc ung number q s coins iba dn sa tala pro finollow q nmn link n bngay nila n my reference number.ngaun nd p dn ngrereflect s app n byad n q.ngttx p sila n due n ung loan q today..
ReplyDeleteHi gud morning nd pa po aq nkpgbayad kc po ngkron ng problem un tala apps q bka nmn po pwd aq mgsadya nlng po sa Main office ng tala pra po kht late na sure na mbyaran q Open pb ang opis nio ng sat. & sun. Pra sa payment salamat po d q po kc maopen un account q ska po un bgo mgdue dateayaw tanggapin ng click Up 7/11 un payment q my problem dw po
ReplyDelete