Due Date Ko Kay RFC Ngayon!

Share:
Oras ng Bayaran.

Ngayong araw ang ika-30 days na paghihintay ko para una kung babayaran ang 6 months contract sa loan ko kay Radiowelth Finance Company. Kung na subaybayan nyo ang previous post ko, maraming kwento ang nagawa bago na release ang first ever loan ko sa RFC. Maraming mga challenges pero worth it din ang pag-aantay. Sadya namang mabait ang mga staff ng RFC sa lugar namin kaso lang meron talang mga circumstances na hindi pwede iwasan. Matapos ang false alarm ng due date ko noon January 13, ito at kailangan ko ng magbayad para hindi masira ang credibility ko at pwede pa akong umulit sa kanila kung kinakailangan.

Inihanda ko ang anim na tseke para ibigay ko sa kanila. Bakit anim? Kasi monthly ang payments although meron naman options weekly. Dahil utak negosyante ako, ayaw ko talaga ang weekly kasi bukod sa pressure ka, yong amount na ibabayad mo ay dapat ma roll mo at magagamit sa business mo. Siguro nabasa na nila ang isip ko na ayaw ko ng weekly kaya nong pinirmahan ko ang promissory note ang nakalagay doon weekly pero inunahan na ako ng manager na pwede kong gawing monthly. Ang tugon ko naman sa sinabi, sagot ko na "kung weekly ang pagbabayad, ika-cancel ko ang aking loan sa kanila".

Hindi ako pinilit ng manager na weekly. Napakadali lang naman pala nilang kausap, malayo sa nababasa kung mga reviews tungkol sa kanila. Siguro dahil maraming branches ang RFC, kung kaya may kanya-kanya ding mga guideliness at rules na pinapatubad na lingid sa kanilang Head Office. Sa napansin ko iba ang proseso nila compared sa iba kasi ang approved loans mo ay hindi agad makukuha kasi aantayin mo pa ang tseke mo galing sa ibang lugar, sure akong hindi galing sa Head Office. Maaaring by region ang issuance nila ng tseke. 

Ang tseke na natanggap ko ay galing Davao City, so after 24 hours pa bago na deliver ng LBC sa Davao Oriental.  Sa pagka-alam ko meron silang account dito sa lugar namin pero hindi sila authorize mag-issue ng tseke sa mga client, tanging ang Davao City branch lang ang pwede. Hindi ko pa sila closed kaya nahihiya din akong magtanong. Di bale, malalaman ko rin yon sa susunod na araw.

Pumunta ako sa opisina nila mga bandang 3pm na dahil from house, dumaan pa ako sa shop ko at tumambay muna saglit dahil inutusan ko rin yong asawa ko na pumunta sa bangko para mag deposito. Nong nakalabas na ang aking asawa, agad akong nagtungo sa opisina ng RFC. Dahil puro glass ang opisina nakikita agad nila ako nasa labas, pati din sila nakikita ko. Wala ang manager nila pero marami silang nasa loob, na walang ginagawa nag-aabang lang na merong client na dumating. Wala ding ibang client nong pumasok ako. 

Binati ko ang lahat kasama na rin yong incharge ng account ko. Alam ko medyo nahiya pa sya dahil sa nangyari nong nakaraan na siningil na nya ako kahit wala pang due date. Eh wala naman sa akin yon. Inasist nila ako at pinalapit sa cashier, binigay ko yong anim na tseke at binigyan nila ako ng confirmation paper na meron silang natanggap na anim na tseke for my monthly loan amortization. 

Bago ako umalis, tinanong ako ng cashier kung meron ba dawng laman ang account ko? Sabi ko OO meron naman, sagot naman nya sakin, tinanong nya lang daw ako panigurado baka wala pa at idi-deposit nila at tumalbog malaki daw ang penalty. Sabi ko naman, OK na yan sir may laman na yan, sagot sige sir ipapasok na namin ito ngayon. Tugon ko uli, Oo pwede.

Based po doon sa review na nalalaman ko tungkol sa kanila, merong nag-issue ng tseke tapos pinaalam ng may-ari na nasa ospital sya, kung maaari wag muna e deposit ang tseke kasi kulang pa yong laman. Hindi siya makakahanap ng paraan kasi naka confined pa siya sa ospital. Nag OK naman daw pero nong due date nya, ipinasok daw ng RFC ang tseke at tumalbok ito. Galit na galit sya kasi nagpaaalam na ito at pumayag naman daw sila pero bakit tinuloy pa rin.

Iba ang nagyari sa akin, kasalungat ang ginawa ng mga staff sa RFC dito sa lugar namin. Sila pa yong nagmalasakit sa akin at naninigurado na hindi tatalbug ang tseke ko. Hindi ko alam baka gusto lang nilang bumawi sa akin kasi sumablay na sila maka-ilang beses na. Nakuha naman nila ang loob ko pagdating sa good service na pinakita nila. Sana tuloy-tuloy na pero alam ko naman kung paano sila pakikisamahan. Matagal din naman akong naging employee kaya alam ko ang bawat responsibilidad nila. Ginawa lang nila ang kanilang mga tungkolin pero minsa meron talagang mga pangyayaring hindi maiiwasan kaya magkakaroon ng sablay. As long as naaayos naman, so solve na ako doon.

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.