Tuesday, January 02, 2018

GAWING MALINAW ANG LAHAT!


Ngayon ang umpisa sa screening natin para maging ganap na qualified para maging member sa ating Pinoy Pautang Online Cooperative. Meron akong natanggap na labintatlong (13) email sa ating official email address: pinoypautangonline@gmail.com Nagpapasalamat ako mula sa lahat na agarang naghanap ng paraan para makapag submit agad ng kanilang mga requirements. Alam namin na gustong-gusto nyo na mag-umpisa tayo sa ating cooperative. Naintindihan ko kayong lahat kaya kailangan lang talaga natin ang full cooperation para mapadali ang ating screening.

Sa labintatlong nag-submit ng kanilang mga requirements, wala ni isang pumasa. Hehehe. Tama naman ang sinabmit nila kaso pasensya na kung kailangan kong ibalik sa inyo yon dahil talagang ginamitan ko ng salamin at malabo pa rin. Nagpapasamat ako kahit hindi pa tama atleast you tried your best. Buti na rin ganun ang nangyari para may guide tayong gagawin paano makakuha ng malinaw na mga photos gamit ang ating mga cellphone hindi naman ito mamahalin. Hindi kailangan mahal ang cellphone para makakuha ng malinaw na kuha, depende pa rin ito sa iba't-ibang factors.

Tatlo lang ang hinihingi namin na requirements para sa screening. Ito ang mga sumusunod na kailangan nyong ipadala sa ating official email. 

1. Picture ng inyong government issued ID
2. Selfie na hawak ang inyong valid ID
3. Link ng inyong facebook account.

Napansin ko sa mga natanggap kong email, halos lahat sa kanila ay kumuha ng larawan sa kanilang ID at selfie sa gabi. Ang kinalabasan ng ating mga kuhang larawan ay magdi-depende sa background  at sa ilaw na ginagamit plus gagamitan pa ninyo ng flash, ano kaya sa palagay nyo ang kinahihinatnan? Aaminin ko, wala talagang malinaw na kuha sa picture pag ginawa ito sa gawi, maliban nalang kung ang gamit mo ay mamahaling camera tulad ng DLSR. Pero kung cellphone, kahit Iphone mahihirapan pa din kumuha ng maganda at malinaw sa gabi. Kailangan kasi ng magandang mixing ang background, ilaw sa loob at yong flash ng inyong phone para makakuha ng maayos. Alam namin na karamihan sa atin ay mumurahing cellphone lang ang hawak kaya maghahanap tayo ng paraan para makakuha ng malinaw.

Kung malabo ang kuha sa gabi, bakit hindi natin gawin ito sa araw. Hindi mo na kailangan ng ilaw pati na rin ng flash sa inyong cellphone. Natural na liwanag ang gagamitin natin, liwanag na galing kay haring araw. Di nyo ba napansin na ang mga kuha nyong mga larawan sa araw hay halos lahat magaganda at malinaw? Kaya ang gawin nyo, sa open space kayo kukuha ng picture sa inyong ID at pati selfie. Mamili ka ng magandang pwesto sa labas ng inyong bahay at doon ka kumuha ng picture sa inyong ID at kasama na selfie. 

Kailangan ang inyong selfie na may hawak na ID ay dapat nababasa ang kung ano ang mga nakasulat. Wag yong mag-iimagine ka nalang kung ano yong mga letra doon. Kung sakaling malabo pa rin, wag nyong gamitin ang front camera ng inyong cellphone, gamitin nyo yong rear camera o yong nasa likuran. Kung sakaling mahihirapan kayo, makisuyo sa kasamahan nyo sa bahay na tingnan kung sakto na yong pagkakuha bago nyo e click para makakuha ng good result. Pwede rin habang hawak nyo ang ID, e closed up picture kayo ng kasamahan nyo sa bahay. Importante malinaw at mababasa kung ano ang nakasulat sa ID habang hawak mo ito.

Isa pa sa mga kulang ng mag nagsubmit ng kanilang requirements ay ang kanilang facebook link. Meron iba hindi alam saan mahanap ang profile link nila. Para ma sulosyonan natin lahat ng mga problema ng nakakarami, gagawa ako ng guide paano ito gawin para madali nyong makita ang inyong profile link. We hope na mabasa ito ng lahat bago kayo mag submit ng inyong mga requirements para hindi na tayo paulit-ulit sa paghingi ng mga malinaw na kuha ng ID at ng selfie. 

Please please follow intructions para mas mabilis nating matapos ang lahat at makapag-umpisa agad tayo this month. Inaasahan namin ang inyong cooperation sa concern na ito. Maraming salamat!

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.