Global Dominion -Apply a Loan!

Share:
Mga Kelangang malaman upang makakuha ng Business Loan sa Global Dominion.

Likas na sa ating mga Pilipino ang humiram ng pera sa oras ng kagipitan, dahil na rin siguro ito sa kakulangan sa sahod o kayat pangangailangan sa puhunan pag tayo ay gustong mag negosyo.

Kaya naman dahil sa taas ng demand ng tao, maraming kompanya ang nagtayo ng kanya kanyang lending business para tugunan ang kagustuhan nga tao.Isa na rito ang Global Dominion. Ito ay isang malagong lending company na maraming branches sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas.

May dalawa silang klaseng loan:

1. Collateral Loan
Ito ay mga loan maliban sa basic requirements kinakailangan ng mga bagay tulad ng sasakyan o kayat bahay para maging garantiya na pambayad sa hiniram na pera. Kadalasan sa ganitong klaseng loan ay medyo mas matagal ang proseso dahil sa mga dokumentong kailangang ihanda tulad ng Titulo ng bahay or kayat papeles ng sasakyan.

2. Non Collateral Loan
Ito ay mga loan na hindi na kailangan ng garantiya ngunit kailangan pa rin magsumite ng basic requirements. Sa kadahilanang madalas hindi kalaki han ang pwedeng hiramin sa ganitong klaseng loan.

Listahan ng Basic Requirements:
a.     Pilipino
b.     21 – 59 taong gulang
c.     Kung 60 pataas, kelangan ng Power of Attorney
d.     My permaneneteng pagkukunan ng kita
e.     My contact number
f.      My isang co-maker

a.     Ito ang mga pangunahing kailangan ng aplikante para makafile ng kanilang loan, dahil bawat kliyente ay dapat may record at dito din nila titingnan kung ang isang tao ba ay may kakayahan na makabayad ng perang balak hiramin. Ito rin ay isang paraan ng pagimbestiga ng kumpanya kung ang tao ay my maayos na background lalo na sa paghiram ng pera.



b.     Pagkatapos na maipasa ang application at pangunahing requirements , hi hingan sya ng pangalawang listahan ng requirement depende sa loan na gusto niyang kunin, halimbawa sa Business loan , kung saan ang negosyo ay dapat isang taon o mahigit nang tumatakbo, maliban dyan hi hingan ka din ng mga documents tulad ng:Mayor’s permit / barangay Business permit
c.     DTI permit (para sa individual business owners) o SEC Regostration (para sa mga korporasyon)
d.     3 months Bank statement (masmaigi kung ito ay checking account)
e.      Original & notarized Board Resolution to Borrow(para sa korporasyon)

At ang pinakaimportante sa pagloan ay ang interes  Ito ay ang porsyentong idinadagdag sa perang hiniram , sa ibaba makikita ang halimbawa kung paano kwentahin ang interest:

Php5,000.00 =principal amount(halaga ng perang hiniram)
X           2.5%=interes kada buwan

         Php125.00= interes kada buwan  

Kaya kapag dalawang buwan ang loan mo ay :
Php125.00
X        2 buwan
------------------------
Php250.00
+             5,000.00 principal amount
---------------------------
        Php5,250.00 =kabuuan ng loan mo


Yan ang perang dapat mong ibalik sa loob ng dalawang buwan. Pagdating naman sa termino ng pagbayad puwede kang mamili kung kada linggo ba o kayat kinsenas katapusan, ibig sabihin dalawang beses sa isang buwan. Ito ay depende sa klase ng negosyo mo,  halimbawa kung sari-sari store , maaring kada linggo ang pagbayad dahil araw araw naman ang kitahan.

Kaya naman bago ka humiram any dapat may sapat ka ring dokumento nang sa gayon mas mapapabilis ang proseso ng loan mo.





No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.