Monday, January 15, 2018

Global Dominion -No Business Loan

Sinubukan kong mag-apply sa Global Dominion para sa isang Business Loan. Ginawa ko yon online kahapon ng hapon. Akala ko hindi nila pinapansin ang mga online application pero kanina tinawagan ako, direct from their Head Offices sa Manila. Tinanong nila ako kung anong loan ang gusto kung e avail sa kanila. Sabi ko Business Loan, sagot naman nyo "meron daw silang business loan pero kailangan ng collateral". 

Kung meron akong sasakyan, yon daw pang collateral ko sa kanila para makapagloan. Sinagot ko na wala akong sasakyan. Sabi nya "pwede daw ako makapag-apply ng Business loan kung ang income ng shop ko ay P500,000 per month. Yong income na yon ay mostly corporation kaya hindi ako pwede mag-avail.

The reason why I tried mag-apply para makakuha ng information para meron akong maisulat sa mga gustong mag-apply ng loan sa kanila. Although, hindi ako qualified atleast meron na akong idea kung sino lang ang pwede mag-apply ng loan sa Global Dominion. Sa palagay ko, one in a million lang ang makapagloan sa kanila kung ang pagbabasihan natin ay mga ordinaryong mamamayan. Karamihan sa mga nandito na laging nagbabasa ng blog ko ay mga ordinary lang, at gusto lang makautang kahit P10,000 ay solve na sila.

Kung ganon ang kalakaran sa Global Dominion, yong may kotse lang ang pwede makapag-apply ng loan sa kanila at ang mga malalaking negosyo at corporation. Malamang ang lumalapit sa kanila ay yong mga meron na ding utang sa bangko bago sa kanila. Mas mura ang interest ng bangko kay sa kanila. Yong mga malaking negosyo at corporation, first priority pa rin nila ang bangko.

Sa mga nagnanais magloan sa Global Dominion tapos wala kayong sasakyan, wag na kayong mag-apply sa kanila. Sa pre-interview sa kanilang first call, disapproved na kayo. Pero kung sakaling meron kayong kotse o kahit anong sasakyan, pwede kayong mag-apply sa kanila website o pumunta at makipag-ugnayan kayo sa kanilang pinakamalapit na branch para agarang proseso ng inyong loan.

Para sa side ng USAPANG PERA AT IBA PA! blog, wag nalang kayong tumuloy kapag hindi kayo qualified para hindi na kayo gumastos pa kung naisipan nyong pumunta sa kanila branch office. MAsasayang lang ang inyong oras at pera. Mukhang hindi sila deserving sa effort nyo. Kaya humanap nalang kayo ng ibang mahihiraman.

2 comments:

  1. Gud day. Isa po ako sa mga nagloan sa happy loan. Magrerenew po sana ako. Paano po kya ule mkaloan indi q po ma gets...tnx

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi mo talaga ma gets kasi ang binasa nyo po ay tungkol sa Global Dominion. Hanapin nyo po dito sa ating blog ang tungkol sa Happy Loan para always kayong HAPPY!

      Delete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.