Monday, January 15, 2018

Happy Loan Repayment!

Second time kung magbabayad ng loan sa Cebuana. Pasado kasi ako sa HAPPY LOAN ng Cebuana Lhuillier last November 2017. Mid of November ko kasi na claim ang aking loan proceeds kaya mid of the month din ang due date ko. Unlike sa ibang lending company na kailangan pa ng mga reference number para magbayad, ang Happy Loan repayment ay wala ng reference number na kailangan. 

Malaki din ang kaibahan ng Happy Loan compared sa iba. Ang Happy Loan ay walang reminders. Hindi tulad sa iba na merong mga txt at tawag para ipaalaala sayo na meron kang babayaran na dapat wag mong kalimutan. Otherwise, ikaw ay magbabayad ng penalty na ang pagkalaki-laki. Silent type ang estelo ng Happy Loan, kaya para hindi mo makakalimutan, dapat naka alert ito sa iyong cellphone o kailangan meron kang updated na listahan sa inyong monthly bills payment.

Ang kailangan lang para magbayad sa Happy Loan ay dahil mo yong PROMISSORY NOTE na copy mo galing sa Cebuana. Sa P5,000 na approved loan ko sa Cebuana, ang monthly amortization ko ay P1,836. Babayaran ko ang ganung halaga sa loob ng tatlong buwan. Pangalawang bayad ko na kanina kaya next month, bayad ko na ang buong loan ko. Ibig sabihin pwede na uli akong mag reloan sa Cebuana.  Pagkatapos mong bayaran ang inyong Happy Loan, makakatanggap kayo ng resibo na katulad nong ginamit din nila sa kanilang Pera Padala.

Hindi ko pa alam kung magkano ang second loan ng Cebuana. Hindi iyon importante sa akin, as long as nagpapa reloan sila para kahit papaano'y meron akong idea magkano talaga ang second loan ng mga humihiram sa kanila. Inaasahan ko na P10,000 ang second loan at ang pangatlo naman ay P15,000. Sa pagka alam ko, P15K ang pinakamataas na ibibigay ni Happy Loan sa bawat client. Kung na reached mo na ito, pwede kayong e upgrade sa kanilang Negosyo Loan.

By the way, napaka baba ng interest ni Happy Loan. Bukod pa doon, monthly ang kanilang payment scheme, hindi weekly kaya siguradong makakapagbayad kayo pagdating ng dute date kasi meron pa kayong enough time para maghanap kung sakaling hirap kayong magbayad ng inyong loan dahil delayed ang inyong sahod. 

Kung plano nyong mag-apply ng loan sa Cebuana, ihanda nyo lang ang inyong valid ID, proof of income (payslip, remittance slip or business permit), proof of address (utility bills na dapat nakapangalan sayo para mas madali). Pagpunta nyo sa any Cebuana branch, sabihin nyo lang na mag-apply kayo ng Happy Loan para ma assist kayo agad. Para sa karagdagang impormasyo paano magloan sa Cebuana, basahin ninyo ang aming previous post para sa completong detalye. Sundan nyo lang sa link na ito: https://malalamanmo.blogspot.com/2017/11/loan-loan-sa-cebuana-hassle-free.html

2 comments:

  1. paano makapag loan dito?ano mga requirements?

    ReplyDelete
  2. PAANO PO KUNG HINDI NAKAPANGALAN YUNG PROOF OF BILLING SA INYO LIKE NAKIKITIRA PO AKO SA BAHAY NG GIRLFRIEND KO PO

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.