Thursday, January 11, 2018

HUWAG MAGING MAGASTOS

Money tips para sa mga katulad kong Magasto

         
Likas na sa ating mga Pilipino ang gumasta ng higit sa ating kinikita. Ako man ay dating “impulsive buyer”, pero dumating ang panahon na ako ay na gipit at naisip kong hindi tama ang aking nakasanayang pagasto ng sobra. Kaya nanam naisipan kung i-share sa inyo ang aking mga natutunan.

          5 PARAAN para makaiwas sa pagiging impulsive buyer nga sa gayon ay makaipon at may magamit sa panahon ng emergencies o kaya’y sa panahon na maubos ang ipon


Una sa lahat, Dapat bago lumabas ng bahay at bumili ay gumawa ng listahan ng mga kailangan mong bilhin. Sa paraang ito mayroon kang pattern na sinusundan. Bawat bili mo ng bagay na asa listahan any lagyan ito ng check.

          Pangalawa , bago bilhin ang isang bagay isipin nang mabuti kung kailangan ba talaga ito. Upang mapagdesisyunan kung ito ba ay makatulong sa atin o kaya’y dahil lang sa gusto natin magkaroon nito. Mga damit halimbawa, madalas tuwing may nakikita tayo na magagandang damit ay kahit out of the budget binibili natin ito.

          Pangatlo, bago pa man dumating ang sweldo dapat nakalista na rin kung ano iyong maya bayarin tulad ng electric billwater bill at upa ng bahay. Upang sa gayon ay hindi mamroblema pagdating ng bayaran ng mga ito.

          Pang-apat, sanayin mag tabi ng sampung porsyento ng inyong sahod na pwedeng gawing savings o emergency funds, ng sa gayon sa mga hindi inaasahang panahon meron kayong madudukot sa halip na humiram ng pera sa iba.
          Panglima, Dapat matutunan ang self-discipline pagdating sa paggasta ng pera , laging iisipin na ito ay hindi napupulot kaya dapat gamitin sa hustong paraan nang sa gayon hindi tayo malagay sa sitwasyong nanakaka-stress.


          Lima lamang ito sa mga puwede nating gawin para mapunta sa karapat dapat na ka lagyan ang ating perang pinaghirapan. Kaya kung ako sa inyo umpisahan na po nating sanayin ang kaugaliang “Kung may sinuksok, may madudukot.”

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.