Kilalanin si Truemoney

Share:
Bawat kompanya ay may kanya-kanyang color coding. Kung napapansin nyo si Smart Padala ay kulay green, si Cebuana ay coloy dark blue, si MLhuillier ay color Red, si Western Union naman ay color yello, si Palawan hindi rin nagpahuli, combination of several colors. Pero baka meron kayong napasin na bagong kulay na umaarangkada na rin sa mga tindahan at pati sa mga remittance centers.

Malaman marami na rin sa atin ang nakakapansin sa kulay ORANGE na kompanya na nag-umpisang magpapakilala sa mga remittance center tulad ng Smart Padala. Although bawal na pagsamahin ang green at orange, wala ng magagawa ang mga coordinator o pamunoan ng green ito'y dahil marami na ang nagrereklamo na humina na ang kita nito pagkapos maipatupad ang ONE TIIME CHARGING noong August 1, 2017. Marami ang nag-aakalang lalakas ang Smart Padala dahil wala ng charge sa pag CLAIM pero kabaliktaran kasi nagsilipatan na rin ang mga suki papuntang Palawan or sa Cebuana. 

Dumarami din ang nagsarang Smart Padala center dahil nalugi na sila. Hindi tulad dati na nakakasingil sila ng charge sa pagClaim kaya tiba-tiba ang mga  mapagsamantala. Marami ang nag charge ng doble kaya kawawa ang mga customers. Ngayon yong mga centers na nasa liblib na lugar or barangay's, marami ang nagsara dahil hindi na nila kaya ang pagkalugi dahil mas malaki ang expenses kay sa kinikita. Yong mga illegal na Smart Padala center ay kailangan narin huminto dahil pwede na silang kakasuhan ni Smart at pati ni Bangko Sentral ng Pilipinas.

Nag-uumpisa ng mag pinitrate ang orange sa kahit saang lugar. Yong mga dating centers ni Smart Padala, ngayon naging centers na rin ni kulay ORANGE. Hindi naman masama kung idagdag mo ang orange sa green. Aminado naman ang lahat na humina na talaga si green. Para maka survive, kailangan ng extra income. Si orange kasi ang mura ng charges sa kanilang mga services.

Ang sinasabi kung orange ay walang iba kundi si TRUEMONEY. Baka akala nyo na si Truemoney ay dito lang sa Pilipinas? Hindi po ang Pilipinas ang naunang gumamit ng ganito. Malakas na ang Tuemoney sa limang bansa bukod sa Pilipinas.. Nakapasok na sa Vietnam, Cambodia, Myanmar, Indonesia at Pilipinas. Ang Truemoney ay nag-umpisa sa Thailand noong taong 2003, at patuloy silang nag-e-expand.

Marami ang services ni Truemoney. Una, Pera Agad -kasing mura sa padala ng Palawan.Bukod sa murang charge, ito'y pick-up anywhere pa, hindi tulad ni Smart Padala, mahihirapan ka kung ang suki mong tindahan ay CLOSED. Hindi mo makukuha ang inyong pera dahil sa kanila lang pwede e claim ang pinadala sa'yo. Pwede nyo ring gamitin ang POS terminal nila sa paglo-load ng airtime sa kilalang telco sa limang bansa. Tulad dito sa Pilipinas, nakakapagload ito ng Smart, TNT, Globe, TM and SUN.  Kung naiinis ka sa pagpipila kung nagbabayad ka ng inyong BILLS, ngayon hindi na ito problema. Mas mabilis ng magtransact ng mga bills payment sa kahit saang Truemoney centers nationwide.

Ang kagandahan ni Truemoney, nagpapalabas ito ng resibo bawat transaction kaya hindi mag-alala si SUKI kung sakaling hindi dumating o hindi pumasok ang padalang pera, pa-load or pagbabayad ng bills. Ang POS terminal ay maraming pwede gawin, malamang soon pwede na itong magtransact ng ATM withdrawals. Mas mabilis din ang updating ng mga bayad na hinulog nyo sa Truemoney. Kaya kung ako sa inyo, lipat na kayo sa Truemoney para buhay ay maginhawa.

Ang nagpapalakas ni Truemoney sa masa ay dahil sa indorsement personality na ginamit nila. Si Boy Abunda ang nasa likod ng kanilang advertisement. Sakto ang pagkakuha nila kay Titi Boy kasi kilala ito ng mga Filipino sa buong mundo. Kaya napakalaking tulong nito para mas lalo pang lumalakas at maabot ang bawat Pinoy saan man sa mundo. 

Lipat na kayo sa bagong remittence center na ito para ma try nyo din ang kagandahanan ng kanilang serbisyo. Dumadami na rin ang kanilang centers sa buong Pilipinas.

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.