Napakaraming lending companies ang mababasa natin dito sa kinahuhumalingan blog ngayon ng mga Filipino lalo na sa mga nangangailangan. Kung napansin nyo maraming nagbabasa nito araw-araw. Malaki ang pasasalamat namin sa inyong patuloy na pagtangkilik sa aming blog. Alam namin na kinakailangan ninyo ang information paano makapag apply ng loan sa mga lehitimong mga lending companies. Layunin din namin na makaiwas kayo sa mga mapagsamantala na naglipana na ngayon sa ating paligid.
Isa sa mga natulungan ng aming blog ay nag-email sa amin tungkol sa karanasan nya. Dahil sa pagbabasa nya sa USAPANG PERA blog, nakaisip siyang mag-apply sa isa sa mga online lending dito. Ito ang kanyang kwento at sana kayo din magshare ng inyong kwento sa amin.
Share ko lang po experience ko kay loan ranger. Nakaugalian ko lang talaga na pag alam ko na masho-short ang budget ko lalo na at biglaang nadelay ang sahod ko, eh binabasa ko ulit ang USAPANG PERA AT IBA PA! blog. Dun ko nakilala si LOAN RANGER.
Sinubukan ko mag fill up ng form January 18 ang halagang pinili ko ay P3,000 na babayaran sa loob ng 30 days. Kinabukasan January 19, 10am nag email si Loan ranger. Ipinapa-send nila sakin ang payslip at company id ko. Nag reply ako agad at sinabi ko na wala kaming company id at payslip dahil ang tseke ay sa leader namin pinapangalan at ibibigay samin ng cash na.
After 1hour nagreply sila ng ganito:
Thanks for your loan application! Here's the repayment options for the loan amount of P3,000 to be disburse via Coins.ph:
1 payment: P 3,255 due on Feb 01 2 payments: P 1,800 due on Feb 01 and Mar 01 3 payments: P 1,315 due on Feb 01, Mar 01 and Apr 01
Kindly let us know which one do you prefer so we can send you an updated contract over for signing.
All the best,
Loan Ranger
Nag reply ako agad at pinili ko yung option number 3. Tatlong hulog. Feb 1, March 1 at April 1
After 3mins reply uillit sila:
Hi,
We have already sent to you the updated contract for signing.
Kindly sign in all 4 pages of the contract and send it back
to us in a clear copy.
Thanks,
Pinaprint at pinirmahan ko agad ang konrata.pinicturan at Sinend ko agad ang contract sa kanila at agad din naman sila nag reply:
Congratulations! Your loan has been approved!
After ko mabasa ang message nila chineck ko agad ang coins.ph account ko at nandun na agad ang P3,000 na hiniram ko.
Maari kang mamili ng terms na gusto mo upang mapag handaan mo ang pagbabayad at maingatan ang inyong credit score. Sana ay makatulong at maguide kyo gamit ang exerience ko kay Loan Ranger.
Para malaman kung anong gagawin at kung paano mag-apply ng loan kay LOAN RANGER, basahin nyo lang ang previous post namin tungkol dito. Sundan nyo lang ang link na ito: https://malalamanmo.blogspot.com/search/label/Loan%20Ranger
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.