Iba ito sa nakasanayan kun mula una hanggang pang-apat na loan ko kay Moola Lending. Tapos kung gawin ang reloan ritual mga ilang minuto lang pagkatapos bayaran ang aking existing loan, yan na ang lumapas sa aking cellphone browser.
Dati ang nakalagay diyan, "we will call you to inform about the disbursement at the soonest time." Pero ngayon, Money transfer na to my bank account within 24 hours. Kapag maganda pala ang record mo kay Moola, they will also trust you.
Huwag natin sirain ang ipinangako natin sa kanila, lalo na nong tayong nangangailangan pa. Marami sa atin madaling makalimot lalo na't nagka gipitan na. Para malaman nyo ang akin kwento, subay-bayan nyo ito hanggang dulo.
Sing bilis din ng kidlat ang paglipas ng panahon. Hindi ko namamalayan, 30 days na pala mula nong nakuha ko ang aking 4th Loan mula kay Moola Lending. Tulad sa mga nagdaang mga buwan, 5 days bago ang due date may text kayong matatanggap reminders sa inyong papalapit na due date. Three day bago ang due date meron talagang tatawag na isang agent mula sa Moola at tatanungin ka kung makapag settle kayo ng inyong loan sa araw ng bayaran.
Kung sigurado kayo, sasabihin nyo lang na Oo, at nakaka note na yon doon sa record nyo. Sa mismong due date na ninyo, bukod sa makakatanggap kayo ng text, meron ding tawag sa isang agent to confirm kung makakapagbayad kayo. Ibibigay nila sayo ang reference number para siguradong papasok ang payments nyo. Sasabihin din nila na kapag nabayaran mo na ang buong halaga, makakapag reloan agad kayo. Napakadaling kausap ng Moola kompara sa ibang lending companies.
Dahil busy din ang buong araw ko sa shop, isa pang rason kulang ang tauhan ko kaya hindi pwede makaalis basta-basta. Nong tumawag ang isang agent, pinaliwanag ko na hapon pa ako makakapaghulog dahil nga busy pa ako. Sabi ng agent, walang problema basta siguraduhin na makakapagbayad ako. Pagkatapos ko daw mag bayad pwede na uli ako mag reloan pero sa Monday January 29, na papasok ang pera sa account ko dahil weekend ngayon.
Hapon na ng makahanap ako ng tiempo para makalabas ng shop at pumunta agad ako sa LBC na malapit lang sa shop ko kaso nong pagdating ko doon, CLOSED na pala sila. Inabutan ko pa sa labas ang mga crew ng LBC na papauwi na. Napaisip ako oi, 5:30pm na pala kaya sila nagsara na.
Wala akong magawa kundi bumiyahe ng around 8 minutes para makarating sa pinakamalapit na 7-Eleven sa lugar namin. Pagdating ko doon, sakto walang connection ang CLIQQ machine. Nong tanungin ko na sana ang crew, buglang lumabas ang mga icons ng machine kaya pumindot na ako para makakuha ng resibo na magagamit ko sa Cashier.
Tumungo agad ko sa cashier at binayaran ko ang P26,000 na due ko ngayong araw. Pagkabigay ng resibo sa akin ng cashier, umuwi agad ako para hindi na gagabihin. Pagkadating sa shop, tiningnan ko ang aking celphone at meron ng confirmation from Moola na accepted na ang payment ko.
Kasabay nong text confirmation sa payments, may kasamang link na kapag pinindot mo yon ikaw ay makakapasok sa website ng Moola at pre-approved na ang iyong loan na gusto mong a-aplayan. Siyempre kailangan meron ka din internet connection para magawa ito. Hindi ito gagana kapag ang celpphone mo ay walang internet or yong old style na keypad lang.
Iba ang experience ko nitong araw sa aking pang limang cycle kay Moola. Kung dati after mapindot ko yong link at nakapili na ako ng amount na gusto kung e loan sa kanila, agad nakalagay doon sa screen na mag antay ng tawag from one of the representative para e confirm ang aking reloan. Kasunod sa tawag ng agent, few minutes saka kapa makakatanggap ng text approved ang iyong loan at deposited na ito sa iyong bank account although alam na natin na kinabukasan or sa lunes pa kapag weekend kayo ang reloan.
Pagkatapos kung ma-enter ang CODE para e confirm ang aking reloan, agad meron akong natanggap na text na ganito:
Your approved loan has been succesfully deposited to your bank account. Check your e-mail for the payout confirmation and repayment instructions. Repeat Borrowers in good payment standing are automatically approved. To fully repay the loan please pay 26000 PHP on or before 26-02-2018. Or pay 6000 PHP to continue using for another 30 days. Pay at 7Eleven (Select Dragon Loans) or any SM or Robinson's Payment Center or Bayad Center (Write Dragon Pay) and use Reference Number DR236865.
Usually makakatanggap ka lang ng ganyan kapag nakausap mo ang ang agent ng Moola Lending. Pang limang loan ko na sa kanila kaya nagtiwala na sila sakin at siguro baka nasa isip na nila na hindi na kailangan pang tawagan para ulitin ang mga dapat sasabihin kasi naintindihan ko naman lahat even nong unang loan ko pa sa kanila.
Kung hindi lang last hour akong nagbabayad ng aking due today, malaking chance na papasok sa account ko ngayong araw. Natandaan ko rin kasi nong 4th loan ko, Sabado din yon at last minute na rin akong nagbabayad kaya nong nag-reloan ako, gabi na at wala ng tumawag sa akin, alam ko din naman yon kasi late na yon at Sabado pa kaya I expect na sa lunes na ako tatawag.
At yon nga ang nangyari, mga around 10am may tumawag at yon pa din ang tinatanong at sinabi tulad nong nasa first loan pa ako. Pero nagtataka ako kasi dapat kinabukasan pa papasok ang pera sa account ko dahil sa normal processing ng Moola, 24 - 48 hours pa saka papasok ang loan proceeds mo sa iyong account. Nataon yan between 5pm - 6pm ang payo nila na e check sa mga oras na yon. Pero nong nakausap ko ang agent, sinabi nya na papasok agad pagka 5pm-6pm ang loan ko. Mga bandang 4pm ng hapon, nong pag check ko sa aking account, pumasok na ang loan ko at meron na din akong email na na-received na pumasok na nga ang pera sa bangko ko.
Napakadaling kausap ang Moola Lending kapag ikaw ay repeat client nila at mula sa simula wala kang records na pumalya sa loan mo, siguradong aalagaan ka rin nila. Oo, malaki ang interest rate ng Moola pero para lahat na ayaw ng maraming pasikot-sikot, malaking tulong ang Moola Lending sa kanila. Sinigurado ko rin na hindi ako nalulugi sa loan ko kay Moola dahil ginamit ko ito sa aking negosyo. Kung si Moola 1% ang interest bawat araw, ginamit ko naman ang Moola funds ko sa 10% profit everyday na negosyo kaya mas lamang pa rin ang kita ko kay sa kinita nila galing sa akin.
Mahirap kung ang pera na inutang mo sa Moola ay ginamit mo lang sa luho o mga hindi importanteng bagay, sigurado iiyak ka at 100% sasama ka sa hugpong mga nabiktima daw ni Moola. Once and for all, natulungan na sila ni Moola pero hindi nila matatanggap na sila mismo ang sumira sa pangako nila na dapat magbayad sa oras ng bayaran. Kaya bilang gante sa mga walang utang na loob ayon nagsama-sama sila at gusto mag sumbong sa mga may authority dahil sakim sa interest si Moola.
Hindi man lang nila naisip na kung interest ang pag-uusapan, panalo na si Robocash. Meron bang gumalaw sa kanila? Wala! Bakit yong mga repeat client ni Robocash hindi nag-alsa kahit halos lunurin na ang kanilang liig sa interest, ito'y dahil marunong silang tumanaw ng utang na loob. Hindi kasi nila mailihim na isang araw, nong nangangailangan sila, si Robocash ang sumalba sa kanila.
Kaya yong mga hindi nakapagbayad dahil daw sa laki ng interest kay Moola, kalukuhan yon. Alam naman nila na ganon ang interest bago paman nila tinanggap ang pera pero sumang-ayon sila. Hindi naman sila pinipilit ni Moola na umutang, sila pa ang nagpupumilit mangutang pero nong panahon na hindi makabayad, ayon na ang dami ng sinasabi kesyo ganito, kesyo ganyan. Promise is promise lalo na sa utang, hindi ito katulad sa pag-ibig na laging sinasabi "PROMISES IS MADE TO BE BROKEN". Hindi na nila pwede gamitin yon sa pangungutang nila. Once nakautang kana, responsibilidad mo yong bayaran, whatever it takes.
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.