Paano Mag Loan sa ASA Foundation?

Share:
Ang ASA FOUNDATION ay isang korporasyon na napabilang sa micro entrepreneurs na kompanyang nakatutok na sa pagbigay ng serbisyo at produktong local na maiahon sa hirap ang mga taong  hirap sa buhay. Mayroon silang ibat ibang serbisyo tulad ng  Financing, Capital Build Up at Locked-in capital Build-up. Sa mga taong gustong magsimula ng maliit na negosyo ito ay ngpapahiram ng puhunan . 

Ang kagandahan dito ay maliit lamang ang interes na idadagdag kinse poryento lang sa anim na buwan (15%). Sa Capital Build Up itong programa naman ay may layunin na turuan ang mga tao na makapag ipon para sa oras ng sakuna ay mayroon silang mapagkukunan. 

Sa Locked-in Capital, ito naman ay oobligahin ang myembro na mag hulog ng Php10.00 kada linggo at pag ito ay umabot sa halagang Php2,400, ang kalahating halaga nito na papatak sa Php1,200 ay malilipat na sa kanyang account at pwede niya itong i-withdraw. At ang naiwan na Php1200.00 ay magsisilbing saving ng miyembro. Meron din silang death benefits, Scholarship, Disaster assistance, Business Development Training, at Hospitalization Benefits.

Narito ang mga kwalipikasyon para mapabilang sa ASA Philippine Foundation at paano ang pagkuha nito. Una kailangang babae ang  maging miyembro sa kadahilanang malimit silang may bisyo, dahil dito magiging mas malakas ang komitment ara makabayad. Pangalawa, dapat mayroong maliit na negosyo pra siguradong makabayad at meron nang maliit na pinagkakakitaan. Pangatlo, dapat sariling gawa ang produkto. 

Dahil isa sa nais ng ASA ay maitaguyod ang local produkto. Dapat rin may mainam na kalusugan para tuloy tuloy ang negosyo. At dapat napabilang sa below poverty lines sa kanilang komunidad  upang makatulong sa mga kababayan nating kababaihan na hirap sa buhay. Bago makapag miyembro ang mga ito ay kailangan i-verify ang kanila estado sa buhay sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang tahanan.

Pumunta sa pinakamalapit na grupo sa inyong baranggay at magtanong kung ikaw ay bagong borrower,. Ang mga grupo ay may mga Group Leaders (President, Secretary at Treasurer) na maaaring sumagot sa mga katanungan.Sa pagrerecruit ng mga members at borrowers Referral system ang ginagamit nila. Ang mga dating borrowers ang nagrerefer ng mga bagong borrowers sa kanilang mga staff. Kapag inendorse ka ng dating borrowers, bibigyan ka ng application form na sasagutan mo at pipirmahan mo, co-maker at guarantor. Ipapaliwanag ang buong proseso ng pagutang ng kanilang mga DO.

Kapag kumpleto na ang requirements, magcconduct sila ng paunang bisita ang DO sa iyong bahay upang malaman ang katayuan sa buhay ng borrower (background check). Ang mga branch managers (BM) ay bibisita din para ivalidate ang ginawang pagcheck ng mga DO. Kapag ok ang mga requirements at background check, ipprocess sa loob ng isang linggo ang inyong loan. Makakareceive ka ng text o tawag kung magkano ang halaga ng pwedeng utangin at kung kelan at saan ito pwedeng kunin.

Ang loan releasing ay ginagawa sa kanilang branch office tuwing umaga (7-8am) o hapon (2-3 pm). Nag-iissue ang sila ng tseke (check) na maaring iencash sa pinakamalapit ng bangko sa inyong lugar. Kung wala pang grupo sa inyong barangay, maaring pumunta sa branch na malapit sa inyo at ipahayag ang inyong interes na umutang o bumuo ng isang grupo (at least 17 na miembro). Ang kanilang DO ang magbibigay ng gabay sa pagbuo ng grupo. Ang mga bagong buong grupo ang maghahalal ng President, Secretary at Treasurer na magsisilbing lider ng grupong nabuo.

Sa pagbabayad ng loan ang  mga Development Officers (DO) ang pumupunta sa mga group meeting place upang magconduct ng weekly meetings at mangolekta ng weekly payment sa loan (SGL) Kailangang umattend ang mga borrowers ng weekly meetings upang manatiling updated sa mga polisiya ng kumpanya, maging updated sa balanse ng utang at LCBU, at matuto sa mga learning sessions. Sa mga kumuha ng SBL at SEL, ang mga DO ay direktang nangongolekta sa bahay ng borrowers.


17 comments:

  1. Good morning, i just want to us if do you offer business loan for non collateral

    ReplyDelete
  2. May asa po ba d2 sa Calamba laguna?

    ReplyDelete
  3. May asa po ba dito sa boracay?
    Naka apply na po ako dati dito pero sa cainta,rizal pa po kami nun nakatira. Natapos ko naman po ang payment ko. Nag offset nga lang po ako kase dito na po kami sa boracay

    ReplyDelete
  4. May ASA po ba dito Bulacan area?

    ReplyDelete
  5. San po ba my asa dto sa navotas

    ReplyDelete
  6. Taga baras po ako gusto Kong umutang puhunan ko sana

    ReplyDelete
  7. Gusto ko pong mgloan dto s asa.

    ReplyDelete
  8. May ASA poba dto sa valenzuela city

    ReplyDelete
  9. San jose del monte po gusto ko po mag loan

    ReplyDelete
  10. DITO po kaya sa Tanauan meron kaya?

    ReplyDelete
  11. hello poh ask qoe lng poh kung paanu poh mg apply ng loan marameng salamat poh

    ReplyDelete
  12. Gusto ko sana po sumali sa LA poblacion po ako barangay muzon may mga group po kaya dito

    ReplyDelete
  13. May ASA po ba dito sa barangay muzon LA poblacion

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.