Ang Taytay Sa Kauswagan, Incorporated ay nagpapa-loan sa mga kababaehan na meron maliit na negosyo o yong gusto pang mag negosyo. Sa bawat area na merong branch office or Kiosk ng TSKI, taga doon lang din ang pwede mag-apply. Dahil malawak na ang naabot ng TSKI, hindi na problema kung saan kayo mag-apply ng loan sa kanila. Paano mag-umpisa para makapag loan sa kanila?
Sa isang barangay, pwedeng gumawa kayo ng isang group na merong maximum of 40 members. Although group kayo pero ang mangyayari individual loans parin ang applicable sa bawat isa. Ibig sabihin, hindi sagot ng buong group ang utang ng isang membro. Ginawa lang itong group para maging centro ng isang barangay at iisang pulong nalang ang gaganapin out of maximum members.
Pag halimbawa, wala pang centro sa isang barangay, kailangan lang bumuo ng atleast 10 members para maging isang group at magiging ganap na centro. Pupulungin ito ng isang representative from TSKI office or kiosk. Sa pagpupulong, ibibigay ang info drive sa mga services ng TSKI, mga rules at guidelines bilang bahagi ng isang group o centro. Mayrong dalawang uri ng loan ang pwede aaplayan ng mga centro o group. Ito ay ang PKK at OK Loan.
Ano ang PKK at OK Loan?
Ang loan product na ito nagbibigay previlege sa isang membro na makautang ranging from P3,000 to P7,000 sa kanilang first loan o first cycle. Samantalang ang OK loan ay isang serbisyo na ang isang individual ay maaaring ma-grant ng loan ranging from P10,000 up to P150,000. Ang qualified lamang na mag apply ng OK loan ay yong may kalakihan na ang kanilang negosyo. Maaring pandagdag puhunan nalang ang pagagamitan ng kanilang hiniram na pera.
Bukod doon sa nabanggit, meron pang ibang loan products ang TSKI para mga nagplanong bumili ng bahay o palakihan ang kani-kanilang mga bahay. Ito'y tinatawag na housing loan para sa nagnanais na magkaroon ng comfortableng bahay. Para sa mga may anak, pwede ring maka-apply ng Educational loan ang magulang na merong pinapaaral na anak.
Nasa mahigit 100 branches na ang TSKI sa buong Pilipinas kaya hindi na kayo mahihirapan hanapin ang isa nito. Makikipag-ugnayan lamang kayo sa inyong barangay para malalaman kung saang banda ang kanila opisina. Lahat ng city ay meron na silang mga branches at kiosk. Pwede nyo rin hanapin sa facebook ang mga fan page na maaaring nasa lugar lang ninyo sila.
Meron din Tree Planting program ang TSKI sa bawat barangay or centro. Sa PKK, 3% a month ang interest so magiging 18% ito pagkatapos ng 6 months. Weekly ang pagbabayad depende sa ma-approve sa principal loan amount. Halimbawa kung ang approved loan mo ay P5,000, P350 ang babayaran mo bawat linggo. May P60 na CBU savings at P18.36 na voluntary savings. A voluntary savings ay pwede ma withdraw anytime. Magiging isa itong piggy bank mo at kung kailangan mo, saka mo e withdraw.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-unyan una sa inyong barangay kung meron na ba silang opisina o kiosk sa inyong lugar. Kung sakaling meron na, hanapin nyo ang exact location at doon kayo magtanong sa mga authorize person na maaaring mag guide sa inyo kung paano magloan sa kanila.
hello po pano po mag loan
ReplyDeleteNabasa nyo na po ba kung ano ang nakasulat sa itaas?
DeleteMerun pu b kau d2 xa mariveles,bataan
ReplyDeletePanu po kung personal loan.pampuhunan pede po b un kc online selling po ako and barbeque vendor?
ReplyDeletePaano makapgloan? My maliit n negosyo,sna un d mahrap mga requirement pandagdag puhunan.
ReplyDeletePaano makapgloan? My maliit n negosyo,sna un d mahrap mga requirement pandagdag puhunan.
ReplyDeletePiano Po. Magellan sa bulacan Po may branch kto
ReplyDeletePlease check this post para sa mga branches ng TSKI: https://www.usapangpera.ph/2018/01/mga-areas-na-merong-tski.html
DeletePaano poh kng general trias nakatira pro negosyo pasay pwdi kya aq makakuha???
ReplyDeletepano mag apply taga malate manila ako
ReplyDeletepano po taga malate manila ako
ReplyDeleteMeron po ba dito sa Santa Rosa Laguna
ReplyDeleteBakit po mapadala ko ng insurance almost 900...diba 1 year yan tapos sa inyo 6months lng
ReplyDeleteintersted po..padre burgos quezon ..with 20 person and still screening applicant who wants to join..pls considered us
ReplyDeleteMeron ba kayo dito sa cebu?
Delete