Monday, January 29, 2018

Pera Agad 1st Payment

Kung natutunghayan nyo ang Journey ko sa Pera Agad, sigurado matutuwa at maiinis din kayo kung ano man ang mga karanasan na napagdaanan ko sa kanila. Walang problema sa pag-apply at pag disburse ng mga loan proceeds. Maganda naman ang step by step processing nila mula loan application hanggang matatanggap mo ang Smartmoney reference number na gagamitin mo para ma-claim ang pera. Isa lang talaga ang problema ng karamihan sa Smartpadala, ang palpak at makalumang paraan nito sa paniningil. Hindi ako against sa mga tawag nila to remind the borrowers na due mo na pero yong mga salitang naninindak sa mga clients, mas lalo nilang inuudyokan ang tao na hindi na sila babayaran pa.

Napakapangit ng paraan na ginagamit ng Pera Agad sa paniningil lalo na marami silang third party na agent para tumawag sa kanilang mga client. Marami sa kanila mukhang walang desiplina at kulang sa training Bukod doon hindi marunong makipag-usap ng maayos sa mga client ng Pera Agad. Ito'y dahil hindi naman sila direct employed sa Pera Agad kaya bale wala lang sa kanila ang nararamdaman ng mga client ng Pera Agad.

Isang bulok na systema na Pera Agad, ang agent na tumatawag ay walang update sa latest payment ng tinatawagan. Wala silang direct access sa account ng kanila tinatawagan. Mukhang sulat kamay pa ang ginagamit nila. Isa pa ang sinusundan nilang listahan ay parang print out lang from the system few hours ago bago sila tumatawag.

Due ko kahapon at ito ang FIRST PAYMENT KO sa aking THIRD LOAN sa Pera Agad. Umaga palang nangungulit na sila sa tawag. Dahil nasa shop ako, hindi ko masyadong napansin cellphone ko sa sobrang busy. Pero naka-alert na sa akin na due ko na sa kanila. Bandang hapon, 3:21pm to be exact pina-process ko ang aking payment sa Pera Agad, gamit ang Truemoney POS ko para mas mabilis ang pag update ng aking payment sa Pera Agad. Kay sa magtiis ako na gamitin ang aking Smart Padala Bills Payment na ang update ay after 24 hours pa. Ilang buwan na rin na hininto ko na ang pagbabayad ng mga Pera Agad sa Smart Padala, simula nong nalaman ko na 1-5 hours nalang ang antayin updated na agad ang loans ko sa Pera Agad, kaya sa Truemoney na ako. After 1 hour mula nong binayaran ko sa Truemoney ang due ko sa kanila, nakatanggap agad ako ng text mula sa Pera Agad, nagpapasamat sa payment ko. Napakabilis ng update sa aking payment.

Thirty minutes later, I received a call. Medyo hapon na kaya hindi na masyadong busy kaya sinagot ko. Bumulaga sa akin sa kabilang linya ang isang babae at nagtatanong kung nabayaran ko na ba ang loan ko. Sabi ko naman, Opo bayad na, sa katunayan nga meron na akong text na natanggap mula sa Pera Agad, updated na ang loan ko. Tinanong ko siya, "mam bakit hindi mo alam na bayad na ako sa aking due ngayon?" sumagot siya na "sir hindi ko po nakikita dahil wala kaming access sa system." Sabi ko naman, ganyan ba kabulok ang system nyo, wala kayong access sa payment ko? Sabi nya, sir kunin ko nalang po ang reference para ma note ko dito. Sagot ko naman, talaga ngang bulok pa ang system nyo. Pinutol na nya ang usapan namin sa pagsabing "Anyway sir salamat po kung nabayaran nyo na at sorry sa estorbo at have a nice day". Wow! May gana pang mag Have A Nice Day, eh nawala na yong nice day ko dahil sa walang kwentang tawag na natanggap ko mula sa kanila.

Sana mababago itong bulok na systema ng Pera Agad para dadami pa ang client nila. I'm sure na yong mga nakaka experience ng ganon talagang aayawan na sila sa susunod na pagkakataon. Dapat mag-upgrade na rin ng system ang Pera Agad para hindi na sila makapang estorbo ng mga client nila lalo na yong mga tapos ng magbayad.

Gusto ko na e give up itong Pera Agad loan ko pero kung hihinto na ako, walang na kayong mababasang maganda at hindi magandang kwento tungkol sa kanila. Atleast, sa bawat transaction ko with Pera Agad, meron kayong makukuhang feedback kung ano na ang latest tungkol doon sa bulok na payment system nila. Katatapos ko lang ding tawagan ang Hotline nila at nakausap ko ang isang Pera Agad agent mismo. Kinomperma nila, na magkaiba talaga sila ng system. Minsan delayed daw ang update nila. Pero hindi ako naniwala, dahil kahit ako pag binuksan ko ang aking account gamit ang Cash Credit website nakikita ko agad na posted na ito. Iisa lang ang system na ginagamit nila, magkaiba lang paano ito ginagamit. Ang tumatawag ay walang direct access sa bawat account na tinatawagan nila. Tanging hawak lang ay listahan na few hours ago pa ito pini-print. Para sa akin hindi dapat ganito ang system nila dahil malaking company ang Pera Agad at hawak nito ang buong Pilipinas. Patuloy nating subaybayan ang kanila pagbabago kung meron mang pagbabago sa huli.

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.