Pera Agad 3rd Loan -Success!

Share:
I received a text kaninang umaga galing Pera Agad, reminding me na ang aking last payment due date ay sa January 24, 2018 na. Dahil sa bagong mode of payment ko para bayaran ang mga Pera Agad loans, ginamit ko na naman kanina ang Truemoney. Around 11am ko ata binayaran, hindi ko na matandaan ang exact time dahil lunes ngayon at marami ang tambak na trabaho at marami ding customers kapag lunes, at kailangan ko din pumasok ng bangko para magkalaman uli ang mga different services ko sa shop.


Pagkatapos kung bayaran, may lumabas na resibo at meron ding text galing sa Truemoney na bayad na ang Pera Agad loan ko. Tapos inaantay ko after 5 hours magtxt sakin ang Pera Agad upang mag THANK YOU pero napansin ko hindi tumunog ang cellphone. Sabi ko, mukhang matagal narin mag update ng payments ang Truemoney. Nong nasa bahay na ako, naisip ko uli ang Pera Agad, bakit wala pang text. Kaya kinuha ko yong cellphone ko sa side bag ko at ...kaya pala walang text eh lobat pala ako. Natawa nalang ako sa nangyaru...antay ako ng antay eh dido na pala cellphone ko. Hindi ko napansin sa sobrang busy kanina sa shop.

Alam nyo kung bakit ko inaantay ang text na THANK YOU? Kasi kapag natatanggap mo na ito, meron din itong kasamang instruction paano mag reloan sa Pera Agad. Eh wala akong natanggap dahil labat cellphone, nai-charge ko na pero walang pumasok na txt kaya naisipan kong e check nalang online sa kanilang website at pasukin ko ang aking account. Tapos maibigay ang log-in detailes sa pamamagitan ng code na aking natanggap galing 2423, napasok ko agad ang aking account at nakita ko doon PAST LOANS na ang nakalagay  at wala na ang CURRENT LOAN. Ang nakalagay sa PAST LOANS ay CLOSED LOAN na yong exisiting loan ko.

Nang malaman ko na closed na ang existing loan ko kahit wala akong text na natanggap galing kay Pera Agad, sinubukan kong magtxt ng LOAN 10000 24WEEKS DPIN sa 2423. Nagreply agad ang system at pinapapili ako kung paano ko e claim. Dahil Smart Padala Center ako, kaya I choose Smart Padala. Agad silang nag reply at P5,000 lang ang inaproved sa loan. Yong previous loan ko ay P5,000 din, hindi nila tinaasan ang loan amount ko. Nakuha ko na rin kung bakit kasi hindi ko sinasagot mga tawag nila dahil sa paulit-ulit na tanong eh magbabayad naman ako. 

Nagdalawang isip ako kanina kung ituloy ko ang P5,000 loan o hindi pero pumasok din sa isip ko, kung hindi ko ituloy, wala narin akong magagawang storya tungkol sa Pera Agad na alam kong makakatulong sa mga existing client ni Pera Agad. Ang kagandahan, grant nila ang 24 weeks na loan terms of payment ko. Ang masama, kapag matagal ang pipiliin mo term of payments, lalaki ang magiging interest nito.

Sa 24 weeks na bayaran, ang P5,000 na loan ko ay magiging P8,160 na ito. Kasi ang hulugan ko bawat linggo ay P340 lang. Oo mukhang maliit lang ang weekly payments pero kung e sum up mo lahat, aabot ito ng more than P8K.  Maliit lang naman ang interest ni Pera Agad, 10% lang every month. Kaya ang P5,000 na loan, ang interest nito ay P500 kada buwan, e multiply natin ng 6 months kaya ito aabot ng P3,000 plus loan principal na P5,000 ito ang dahil kung bakit aabot ito ng P8,000 mahigit.

Sinubukan ko lang naman kung e approved nila ako for a long term loan. Masasabi nating long term na yon sa Pera Agad kasi kasaramihan kung hindi 4 weeks term, ay kadalasang 8 weeks term ang pinili nila. Nong tiningnan ko ang breakdown sa aking Pera Agad account, hindi ko halos mapansin ang sobrang liit ng weekly payments ko pero nong kinumpyut ko na, aba hindi pwede babayaran ko ng 24 weeks ang loan ko dahil sayang yong interest na ibabayad ko. Anyway, pwede ko namang bayaran after 2 months tapos mag reloan ulit. Atleast meron akong mai-share sa inyo kung sakaling susundin nyo ang pinaggagawa ko. Abangan nyo nalang ang next story ko tungkol kay Pera Agad.


8 comments:

  1. Pd b ko mk pg loan kahit andito ako sa Malaysia pero me roaming number ako sa smart,interesado po ako,,,about payment marami akong option,, me online remittance business po ako,, me account po ako sa coins.ph,

    ReplyDelete
    Replies
    1. HIndi po pwede kasi tatawag sila sa number mo.

      Delete
    2. Pls nman po..pa help nman po kung paano po ang pagsali dto...salamat po

      Delete
  2. pwede ba ako makapag load ifand self employedand ako?

    ReplyDelete
  3. Magkano maximum kapag first timer?

    ReplyDelete
  4. pd po bang mka pagloan ng 10k

    ReplyDelete
  5. hello gusto ko oo sanang mag apply ng loan kung papayagan nyo

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.