Minsan kailangan natin madaliin ang pagbabayad ng ating loan dahil sa matitinding pangangailangan. Hindi naman masama ito para sa atin, mas advantage din ito sa side ng lending company na inutangan mo ng pera. Kaso sa labis na pagmamadali, maaaring hindi matuloy ang pina-planong reloan. Kung tatlong bayaran nalang ang kulang mo para makompleto nang bayaran ang iyong loan, siguraduhin na tama ang ang balance na nakuha mo sa system ng Pera Agad. Marami ang nagkakaproblema dahil mali ang tantsa nila sa total balance na babayaran. Nangyari na ito sa maraming client ng Pera Agad.
Ang masakit, sa kagustuhan mong maka reloan malamang magkakaproblema kapa at hindi na maitutuloy. Kung matutuloy man, maaaring parehong halaga pa rin ang maibibigay sayo nong nakaraang loan mo. Dahil isa akong SmartPadala agent, kabisado ko ang mga pangyayari na ganito. Ang masaklap dahil sa maling tantsa, maaaring ma disapproved ang reloan application mo kaya dapat mag-ingat. Kung maaari wag mag advance payment para makaiwas sa ganitong sitwasyon. Kung sakaling gusto nyo talaga mag advance ng payment dahil sa isang emergency, siguraduhing ma check mo yong account mo at makuha ang tamang balanse para yon ang babayaran sa amin mga SmartPadala center. Mas mabuting sumubra sa pagbabayad kasi ibabalik naman nila ito kay sa magkulang kayo sa pagbabayad.
Naisipan ko itong e-share para magiging warning na din sa mga nagbabalak magreloan sa Pera Agad pero meron pang ilang weeks na babayaran para makareloan pero dahil sa pangangailangan mapilitang mag advance payment para mabayaran ng full. Isa sa mga client ko kahapon yon ang ginagawa nya bayaran ng full ang kanyang loan sa Pera Agad kasi namatayan sila, alam naman natin ang matinding pangangailangan kapag may namatayan. Kahapon, pina-process ko yong payment nya pero bago ko pa ginawa yon, sinabihan ko na sya na e check ng mabuti baka meron pang kulang ang halaga na kanyang babayaran.
Kombinsido siya na tama yong amount na babayaran kaya pina-process ko na. Ang nangyari kanina, hindi agad nakapag reloan tapos ma update ang payment nya kasi meron pa siyang balanse sa Pera Agad. Napag-alaman na yong binigay pala sa system na babayaran nya, discounted pala yon kung sakaling bayaran nya ng advance. Ang dapat pala gawin, babayaran mo pa rin ang buong amount based po doon sa babayaran mo per week hindi yong discounted. Ang discount ay ibibigay pagkatapos na mabayaran at ipapadala nalang nila ang rebates or refund para sa discount mo bilang paasasalamat sa pagbabayad mo ng maaga. Na disappoint talaga sya dahil ang inaasahan nyang loan na P10,000 ay nagiging P5,000 same amount sa last loan nya. Dapat sa 3rd loan kung approved ka sa P4,000 sa first loan magiging P7,000 na ito or P10,000. Kahit na kailangan nya ng pera na mas higit pa sa nakaraang loan, wala na syang magagawa dahil yon lang talaga ang bigay na approval sa kanya.
Kaya sa mga existing borrowers ng Pera Agad o yong nagpa-planong mag loan sa kanila, dapat iwasan nyo ang ganitong pangyayari para hindi kayo mahihirapan. Gawin tama ang binabayaran, e confirmed muna sa Pera Agad ang saktong balanse bago ito bayaran. Mabuti na yong sa kanila galing para walang masisi kundi sila mismo sakaling bigyan ka ng maling information.
thank you sa pag share, madalas ganito din ginagawa ko pero sa awa naman ng diyos hindi ako nabigo,..
ReplyDeleteOk naman advance payment, wag lang talaga kulang para hindi magka abirya.
DeletePaanu po mag apply sa Pera agad
ReplyDelete