Wednesday, January 17, 2018

Pera Agad at Truemoney -Ang BILIS!

12:34NN ginawa ang payment transaction sa POS ng Truemoney at 4:19pm, I received a text from Pera Agad, nagpapasalamat sa bayad ko sa kanila.

Tulad ng dati napakabilis pa rin ang pag update ng payments ni Pera Agad kapag ito'y galing sa Truemoney. Never pa itong nangyari kay Smart Padala na within 5 hours papasok na sa account mo ang binayad mo sa kanila. Si Smart Padala kasi hinihintay pa nito ang cut off time sa gabi bago ito mag update. Palampasin muna ni Smart Padala ang 12 midnight bago ito ipasa kay Pera Agad. Samantalang si Truemoney, every 5 hours pinapasa na nito ang lahat na payments sa Pera Agad. Napakabilis lang ng kanilang proseso kaya kung ako sa inyo, maghanap na kayo ng Truemoney center na malapit sa inyo kung gusto nyong magbabayad ng loans nyo kay Pera Agad.

Kapag maaga kayong nakapagbayad, maiiwasan nyo ang pangungulit ng mga agent ng Pera Agad na walang magawa kahit nakapagbayad kana, tatawag pa rin sila. Kaya dapat e familiarize nyo ang mga cellphone numbers na ginagamit nila na pantawag. Pwede nyo naman wag sagutin basta magbabayad lang kayo. Wag nyo naman talikuran ang responsibilidad nyong magbayad kasi tinulangan din naman kayo ng Pera Agad sa oras ng pangangailangan nyo. Isa pa, kung hindi nyo babayaran, 101% hindi na kayo makakaulit makahiram sa kanila.


Ang pinakagusto ko sa Truemoney with regards to paying your Pera Agad loan compared sa Smart Padala center, ay yong resibo na ibibigay sa iyo. Yong resibo na katulad nong galing sa loob ng ATM Machine at nakalagay doon ang details ng inyong transaction at sa likod naman nito ang hotline ng Truemoney kung sakaling merong abirya. Si Smart Padala, tanging reference number lang ang ibibigay sayo. Minsan kung di sadyang nabura, lagot ka. Mahihirapan kang makahingi uli lalo na kung malayo ang center na binabayaran mo.

Sa mga may existing client na may utang kay Pera Agad, maghanap na kayo nga Truemoney center at doon na kayo magbabayad. Kung sa Smart Padala center P15.00 ang hinihingi nilang charge kasi ikaw ang mag shoulder sa P5.00 na system fee na sinisingil ni SMART kay PERA AGAD. Samantalang sa Truemoney, P10.00 lang ang babayaran mo dahil wala ng system fee na sinisingil nito.

Sa mga gustong mag-avail ng loan sa Pera Agad, dapat ikaw ay SMART o TNT user. Just text LOAN sa 2423 para malalaman mo kung ikaw ay qualified magloan sa kanila. Kung sakaling qualified kayo, wag na kayo maghanap ng branch ng Smart Padala or Pera Hub, mag-apply kayo online gamit ang code na binibigay ng 2423. Ilagay nyo lang ang tamang mga detalye para hindi kayo mahihirapan during call confirmation. Tatawag ang Pera Agad sayo ilang pagkatapos mong masubmit ang inyong loan application. Dapat naka ready lagi ang inyong cellphone kung sakaling nag antay kayo ng tawag, dapat lagi full charge at dapat meron kayong stable signal. Once hindi nyo nasagot o hindi malinaw ang signal sa location nyo, automatic declined ang application nyo sa kanila.

Sa ngayon isang bayaran nalang ang kulang ko sa Pera Agad. After 7 days, pwede na uli akong mag reloan pagkatapos kung bayaran ang aking existing loan. Ang weekly payment ko sa Pera Agad sa aking loan na P5,000 at babayaran sa loob ng 12 weeks ay P549.00. Kung papalarin magiging qualified ako sa P7,000 or P10,000 reloan. Pero hindi pa ako sigurado kung magre-reloan ako pero iniisip ko rin kung wala na aking binabayaran sa kanila, wala na rin akong update sa inyo tungkol sa mga karanasan ko sa Pera Agad. Ano kaya sa palagay nyo, magreloan ako o hindi? Comment below kung ano ang opinion nyo.



9 comments:

  1. reloan para may update��

    ReplyDelete
    Replies
    1. Marunong din sila ngayon, every due date ibang number na ginagamit nilang pantawag...hahhaa

      Delete
  2. Puwede po ba aq mkhir ng 5k remittance po ako

    ReplyDelete
  3. Pwede po bha ako magloan 5,000?? Kc emergency po.may ID po ako sa therapist ID sa massage po.. Every week po nmn ang sahod namin okay lang po bha. Need ko kc this week po.

    ReplyDelete
  4. Pwede po bha magloan ako ng 5k?? Emergency lang po

    ReplyDelete
  5. Natry nko dto declined application ko parehas sa asawa ko . Npakahirap naapprove sknila .

    ReplyDelete
  6. Hirap mkhiram dito . 2x nko nadeclined dalawa kmi ng asawa ko . Disappointed .

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.